Chapter 27

971 Words
Shadow of the Stars Chapter 27 Walang makagalaw. Walang makapagsalita. Nabigla din ang ibang members ng BTS nang dahil sa narinig nila mula sa leader nila. Nagtatakang nagkatinginan sina Suga, Rapmon, at Jin. Samantalang natahimik namang pareho sina Jimin at Taehyung sa likuran ng mga hyung nila. May… May nagpapadala ng white roses sa apartment ni Snow? Napukaw lang sila nang galit na nagsalita uli ang leader nila. “Naging busy lang ako sa schedule ko and here you are hovering all over my girlfriend behind my back?!” he said through gritted teeth. “Kung sino ka man, tumayo ka ngayon sa harapan ko at harapin mo ako!” Doon na nakagalaw ang ibang members at agad ng nilapitan nina Rapmon at Jin ang nagwawalang leader nila. “Jungkook, baka naman hindi trainee ang nagpapadala kay Snow ng white roses” si Jin saka inakbayan ang nagpupuyos parin sa galit na si Jungkook. “Oo nga maknae” si Rapmon saka sya tinapik-tapik sya sa balikat. “Maybe you’re barking at the wrong tree right now. Hindi ka dapat magbintang na wala ka pa namang pruweba.” Nagsalita din si Suga mula sa likuran. “Maknae, calm down. Hindi maso-solusyonan ang problemang ito sa ganitong paraan. We need to investigate first” Doon naman unti-unting nakalma si Jungkook habang patuloy parin syang tinatapik sa balikat nina Rapmon at Jin just to cool him down. Pero nagtaas parin sya ng mukha saka pinalibot uli ang tingin sa mga lalaking traineena nanduon. And in a cold voice, he spoke. “Sana nga…” he said. “Sana nga hindi sya trainee. Dahil kung oo…hyung ka man o dongsaeng, I’ll make sure that you’ll regret messing up with my girl” Yun lang saka sya naunang tumalikod at naglakad paalis sa kwartong iyon. Habang naiwang natitigilan sa kinatatayuan nila ang ibang members at ang mga trainees na mukhang hindi parin makapaniwala sa nangyari kanina. Saka huminga ng malalim si Suga at hinarap ang natitigalgal na mga trainees nay un. “Sana kung ano man ang nakita at narinig nyo ngayon ay hindi na makakalabas pa sa apat na sulok ng kwartong ito” ang sabi ni Suga habang tinititigan ang mga trainees na nanduon. “Dahil pag nalaman namin na lumabas ang nangyaring ito sa media….” Then his eyes turned serious. “…you’re all so dead” Wala namang makapagsalita sa sinabing iyon ni Suga kaya tumalikod nalang ito at sumunod na sa lumabas na leader nila. “Ah…pasensya na po kayo” si Jin saka yumuko sa mga taong nanduon saka sya tumalikod narin at sumunod sa dalawang kasama. Ngumiti naman si Rapmon saka hinarap ang mga trainees na nanduon. “Ah..sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa inyo pero…” he said saka sya napakamot ng batok. “…ganito talaga ang buhay ng isang idol. Pressured lang si leader kaya nagawa nya yun. So…sana, may natutunan kayo ngayong araw na ‘to. Continue to work hard. FIGHTING!” Yun lang saka sya ngumiti uli sa mga ito at sumunod narin sa mga kasama. Samantalang parehong walang imik paring tumalikod narin at sumunod sa iba sina Taehyung at Jimin na halatang parehong may malalim na iniisip. At nang tuluyan na silang makalabas ay biglang tumigil sa paglalakad si Jimin. Samantalang nauna na sa paglalakad ang ibang members na ngayon ay hinahabol si Jungkook. Napansin naman ni Taehyung na tumigil na sa paglalakad si Jimin kaya nilingon nya ito. “Jimin---” “Taehyung” Jimin cut him off. Natigilan naman si Taehyung sa kinatatayuan nya. Minsan lang kasi syang tawagin ni Jimin sa totoong pangalan nya kaya nabaguhan sya. Nagtaas naman ng mukha si Jimin at hinarap sya ng walang emosyong mga matang iyon. “Sa lahat ng hyung…” Jimin started. “…ako ang pinaka-close mo diba?” Napakurap naman si Taehyung nang dahil sa tanong nito. Bakit sya tinatanong nito ng ganun all of a sudden? Pero sumagot parin sya. “Oo naman” he said then smiled. “Tayo nga ang binansagan nilang 1995 duo diba?” Pero hindi ngumiti pabalik sa kanya si Jimin. Kaya mas nabaguhan sya. For a long moment ay tinitigan lang sya nito gamit ang walang emosyong mga matang iyon. And then… “At dahil close tayo…” Jimin said while not taking his eyes off him. “…hindi ka magtatago sa akin ng kahit ano diba?” Nabigla si Taehyung sa tanong nyang iyon. Bakit ba…bigla nalang syang tinatanong ng mga ganitong bagay ni Jimin? Pero tumango nalang sya bilang sagot sa tanong nito. And for a long moment ay tinitigan lang sya ni Jimin gamit ang seryosong mukhang iyon. But then… Later on ay ngumiti din ito sa kanya. “Then that’s enough for me” ang sabi lang ni Jimin. Napatitig naman sa kanya si Taehyung at later on ay napahinga narin ng malalim saka napahawak ng noo nya. “Baliw ka talaga Jimin…” ang natatawang sabi nalang nya. Nipalitan naman sya ni Jimin at tinapik sya sa balikat. “As long as hindi ka nagtatago sa akin ay ayos na sa akin yun” si Jimin pero bigla ding sumiryoso ang mukha nito. “Atsaka…ayoko munang itanong ang bagay na yun sayo dahil hindi pa ako handang marinig ang isasagot mo” Nagtataka namang napatingin sa kanya si Taehyung. Pero ngumiti lang uli si Jimin at inakbayan sya. “Wag mo ng isipin ang mga sinabi ko. Tara, baka hinihintay na tayo ng mga hyung. Kailangan pa naman nating pakalmahin ngayon ang nagwawalang si maknae” to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD