Chapter 26

1416 Words
Shadow of the Stars Chapter 26 "I'm sorry J-hope...pero..."ang sabi nya sa akin habang magkaharap kami ngayon sa tabi ng busy na kalsada na yun. "...mas mahal ko sya..." At after nyang sabihin yun ay agad kong naramdaman ang paghapdi ng dibdib ko. Pero nagtaas ako ng mukha at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "ANO?! MAS PIPILIIN MO SYA KESA SA AKIN?! ANO BANG MERON SYA NA WALA AKO HA?! MAS MAGALING NAMAN AKONG MAG-RAP AT SUMAYAW DOON AH!"ang hindi ko makapaniwalang sigaw. Nagtaas naman sya ng mukha at sa naluluhang mga mata ay nagsalita. "Oo..."she said in a firm voice. "...mas magaling ka ngang mag-rap at sumayaw sa kanya pero...mas magaling naman syang mag-backtumbling, split, at maglaro ng dota. Kaya dyan ka na!" Ang sigaw nya saka sya madramang tumalikod at naglakad paalis. Habang naiwan naman akong natitigilan sa kinatatayuan ko kasama ang sugatan kong puso... At nang hindi ko na sya makita pa ay tumalikod nalang din ako at pumara ng bus. Saka ako walang imik na sumakay doon at naupo sa likuran kung saan mai-enjoy ko ang pag-i-emote dahil iniwan ako ng babaing mahal ko. Napasabunot nalang ako sa ulo ko. UWAAAAAHHH!!! HINDI KO ALAM NA GANITO ANG KAHIHINATNAN NG FIRST LOVE KO! ANG BABAING YUN! INIWAN AKO PARA SUMAMA SA LALAKING MAS MAGALING MAGLARO NG DOTA KESA SA AKIN?! INIWAN NYA ANG KATULAD KONG IDOL PARA SA...PARA SA...PALA-BACKTUMBLING NA LALAKING YUN?! UWAAAAHHH! At hindi ko alam kung bakit parang nasa isang koreanobela ako kung saan sumakay sa isang walang katao-taong bus ang lalaking iniwan ng babaing mahal nya. Napatingin ako sa labas at...hindi ko alam kung nanadya ba ang panahon at bigla nalang bumuhos ang snow. Napaupo nalang ako ng maayos sa kinauupuan ko habang nakasuot ng hood. Saka ako napalingon uli sa labas at nakita ko ang... Love Hurts Bar Oo. Bakit parang pinapatamaan ako ng pangalan ng bar na yun? Lumingon nalang ako sa kabilang side para hindi na makita pa ang pangalan ng bar na yun pero... BREAK UP CAFE Bwiset. Nanadya ba ang mga pangalan ng mga establishment ngayon? Saka ako lumingon nalang sa kabila uli para maiwasan ang pangalan ng cafe na yun pero... Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sumunod kong nabasa na pangalan ng establishment... HE PLAY DOTA BETTER THAN YOU INTERNET CAFE And that's it! I HAVE ALREADY DECIDED! AFTER MAGING ISANG K-POP IDOL AY TATAKBO AKONG MAYOR NG SEOUL AT IPAPASARA KO ANG LAHAT NG ESTABLISHMENT NA YUN! At sinong matinong negosyante ba ang magpapangalan ng ganun kahaba sa internet shop nya?! NANADYA BA SYA HA?! At akala ko ay matatapos na ang pagpapatama sa akin ng mga bagay sa paligid ay biglang... *Love hurts Love scars... Love wounds and marks... Anyheart not tough or strong enough... To take a lot of pain...* "AHJUSSI!!!! PAKIPATAY ANG RADYO!!!" ang sigaw ko matapos mai-play ang kantang yun. Agad namang napalingon sa akin ang driver. "Ay pasensya na" he said. "Pero sira ang radyo ko kaya hindi ko mapatay" At after nyang sabihin yun ay nakanganga akong napasandig nalang sa kinauupuan ko. Bakit parang... Parang... Nananadya talaga ang tadhana sa akin ha? Natakpan ko nalang ang tenga ko habang nagpatuloy sa pag-play ang pang-broken hearted na kanta na yun. UWAAAAAHHHH!!! HUSTISYA! NASAAN ANG HUTISYA SA KOREA?! UWAAAAHHH!!! Pero natigil ako sa pag-i-emote nang may makita ako sa labas. Napakurap ako. Teka... Si Taehyung ba yun? Napaupo ako ng maayos para mas makita sya at...tama nga! Si Taehyung nga! Pero... Anong ginagawa nya sa flowershop na yun...at bakit... At bakit sya bumibili ng isang kumpol ng white roses? ************ "Jin hyung" ang tawag ni Jimin kay Jin habang nakaupo sila sa lobby ng agency. "Normal lang ba sa isang lalaki ang yakapin ang girlfriend ng bestfriend nya ha?" Nasa agency sila ngayon dahil dito kukunan ang next scene pero hindi sila makapag-start dahil wala pa si Jungkook. At kanina pa nagwawala ang director nila na pinapapaypayan nalang ng mga staff ngayon sa isang sulok. Habang nasa kabilang banda naman nakaupo sina Suga at Rapmon na nagmememorize ng mga lines nila. Nawawala din sina Taehyung at J-hope na walang eksena ngayon kaya may free time silang gumagala-gala ngayon. Nilingon naman sya ni Jin mula sa pagbabasa ng aklat. "Well...kung may dahilan naman kaya niyakap sya ay normal din naman yun" Jin explained. "Maybe it's a way of comforting her" Pero yumuko lang si Jimin at mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ng hyung nya. "Pero Jin hyung..." Ang sambit nya uli. "Normal lang bang pumasok kayong dalawa ng girlfriend ng bestfriend mo sa isang apartment?" Doon na nagsalubong ang kilay ni Jin. "Yun ang hindi okay. Kahit na wala pa man kayong masamang gagawin ay pangit paring tignan yun" Napayuko nalang si Jimin at napatango-tango."Ah...yun nga rin ang naisip ko..." Nilingon naman sya ni Jin. "Bakit mo ba naitatanong yan all of a sudden ha?" Napatingin naman sa kanya si Jimin and for a long moment ay tinitigan lang sya nito na para bang nag-iisip kung sasabihin nya ba yun o hindi. And then he sigh. "Jin hyung..." He started. "...may sasabihin ako sayo---" Pero biglang nagawi ang tingin ni Jin sa pinto ng lobby. "V, bakit ngayon ka lang?" Ang sabi ni Jin sa bagong dating. "Kahit wala kayong scene ngayon ay alam nyong required kayong pumunta dito" Napalingon din si Jimin kay V na ngayon ay nakatayo sa entrance ng building. V just smiled at them. "Aiishh...as expected from the eldest member of the group..."he said saka lumapit sa kanila. "Pasensya na Jin hyung, may binili lang kasi ako kaya na-late ako ngayon" Saka sya lumingon kay Jimin na ngayon ay nakayuko at parang hindi makatingin sa kanya. "Jimin, may problema ka ba?" Ang tanong nya. Nagtaas naman ng mukha si Jimin at nagtaka sya sa natanggap nyang ekspresyon na mukha mula dito. Yun kasi ang unang beses na tinignan sya sa ganung walang emosyon na mukha ni Jimin. "Wala akong problema V..." Jimin answered. "Ikaw? Baka may problema ka o gagawin palang na problema?" Nagtaka naman si V sa sinabi nito. Bakit... Bakit nasabi yun ni Jimin? Pero bago pa man sya makapagsalita ay bigla nalang sumigaw ang director nila. "FINALLY! DUMATING KA NA MR. JEON!" ang galit na galit na sigaw ng director. Agad naman silang napalingon sa bagong dating at nakita nila ang leader nila na ngayon ay papasok na sa building na yun. Pero... "WHERE HAVE YOU BEEN JEON?! KANINA KA PA---" Pero nanlaki ang mga mata nila sa sumunod na ginawa ni Jungkook. Without saying anything ay itinulak nya ang galit na galit na director na tumayo sa harapan nya at dire-diretsong pumasok sa building na yun. Napanganga naman ang director sa ginawang iyon ni Jungkook. "Aba't----!" Pero agad syang nilingon ni Jungkook. And they were all struck in silence from the emotion they've seen in his face. Walang emosyon yun pero halatang... ...halatang galit na galit ang mga mata nya. And in a cold voice, he spoke. "Shut up" he said to the director at tuluyan ng walang nakagalaw sa kanila. Yun lang saka ito tumalikod uli at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa agency na yun. Agad namang nagkatinginan ang ibang member ng BTS ng dahil sa nakita nila sa leader nila. Saka nila sinundan ito. "Leader! Ano bang nangyayari ha?" Si Rapmon na inakbayan si Jungkook pero wala syang natanggap na sagot dito. "Patay..." Si Suga. "Mukhang galit na galit sya..." "Oo nga, pero ano kaya ang nangyari?" Si Jin na sumusunod din sa mga kasama. "Kung ano man yun, sigurado akong malaking gulo 'to" si Jimin na sumusunod din. Samantalang walang imik lang na nakasunod sa kanila si Taehyung. Nabigla pa sila nang dire-diretso at walang salitang biglang pumasok sa isang kwarto ang leader nila. Hindi na sila nakapagsalita nang makita nila ang mga trainees na yun na bigla ding napatigil sa pagtugtog ng mga instrument nila nang makita sila. At kahit na idol sila ay walang makatili o makagalaw man lang ng dahil sa lamig ng mga mata ni Jungkook na ngayon ay naga-scan na sa buong kwarto na yun. Agad namang napalapit sa kanila ang instructor na nandun. "M-mr. J-jeon---" "You..." Jungkook started with that cold voice habang nakatingin sa mga trainees na nandun. At nabigla pa silang lahat ng biglang nanlisik ang mga mata nya at galit na galit syang sumigaw. "SINO ANG GAGONG MAY LAKAS NG LOOB SA INYONG MAGPADALA NG WHITE ROSES SA APARTMENT NG GIRLFRIEND NI JEON JUNGKOOK?!" to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD