Shadow of the Stars
Chapter 25
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Tama. Nakatulog pala ako kanina habang naghihintay kay Taehyung.
Iminulat ko ang mga mata ko at nabigla pa ako sa unang sumalubong sa paningin ko. At yun ay ang gwapong mukhang iyon na ngayon ay nakatitig sa akin.
Nakaupo lang sya sa katabi kong mesa habang nakasandal ang ulo nya sa kamay nya habang nakatitig sa akin.
Then a smile curved up on his lips.
"Good afternoon!" he greeted me.
Eh?
Good afternoon?
Napatingin ako sa bintana at nabigla ako nang makitang hapun na pala.
Agad akong napabalingkwas ng bangon at bigla nalang ako nahiya sa kanya.
"A-ah...ano...pasensya ka na...nakatulog ako..."ang nakayuko at nahihiyang sabi ko.
But then he smiled at naupo na ng maayos sa maliit na mesa na yun.
"Okay lang yun" he said then turned to me. "Nag-enjoy din naman akong panuorin kang natutulog"
Teka...
Kung ganun...
Kanina pa ba sya nandito?
Hapun na ah. At naalala ko na tanghali nung natulog ako...
Wag nyang sabihin na...
Ilang oras na syang nakaupo at pinagmamasdan ako dun?
Napatingin ako sa kanya.
"B-ba't...ba't hindi ka nalang umuwi kanina?" Ang taka kong tanong.
For a long moment ay tinitigan nya lang ako but then he smiled.
"Hindi kita kayang iwang mag-isa dito kaya sinamahan muna kita" he said.
Eh?
Hindi nya ako kayang iwang mag-isa dito?
Pero bakit...
Ngayong nakatitig na ako sa mukha nya...ay nakikita ko ang sobrang saya na nakaguhit doon?
His eyes is sparkling at mukhang...ang saya-saya nya. Bakit kaya?
"P-pero---"
"Aiissh...tinulugan mo ako habang nagluluto ako kaya lumamig na tuloy ang niluluto kong pagkain na para sana sayo. Ang daya mo. At dahil doon kaya..."he said and his eyes focused on me. "...binigyan kita ng punishment"
Nagtaka ako.
Punishment?
Ano naman yun?
Mukhang napansin nya rin ang pagtataka sa mukha ko.
Pero ngumiti lang sya saka tumayo.
"Kung ano man yun...akin nalang yun" he said then wink.
Eh?
"O sya, baka hinahanap na ako ng ibang members..."ang sabi nya saka nag-stretching. "...tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka..."
He said that and smiled.
Tawagan ko nalang sya...kung may kailangan ako?
"Oh..."ang sabi nya na parang naka-realize. "Ibigay mo nalang sa akin ang number mo para iti-text ko nalang sayo ang number ko"
Napakurap ako.
Ibibigay ko ang number ko sa kanya?
Pero...
Okay lang naman yun. Baka naman kailanganin ko sya sa sunod.
"Ah...s-sige..."ang sabi ko saka kinapa ang cellphone ko na nasa loob ng jeans ko.
Binuksan ko yun pero...
Isang new message na naman ang nakalagay doon galing sa isang unknown number.
DIE b***h.
Yun ang nakalagay doon dahilan para manlamig ako sa kinauupuan ko at mapatulala sa screen ng cellphone ko.
Mukhang napansin naman yun ni Taehyung.
"Snow?" Ang pukaw nya sa akin. "Okay ka lang? Sinong nagtext?"
Pero agad kong kinalma ang sarili ko at napalingon sa kanya. Then I really try hard to smile at him.
"A-ah...eh...wala, wala..." Ang sabi ko saka ngumiti. "Si Jungkook...kinukumusta nya lang ako..."
Yes. I lied.
At hindi ko alam pero after kong sabihin na si Jungkook ang nagtext ay bigla nalang nandilim ang mukha nya at napayuko.
"Oh...nagtext pala ang boyfriend mo..."he mumbled while looking down.
At hindi ko rin alam kung bakit...kung bakit bigla nalang nawalan ng emosyon ang mga mata nya...
Pero agad din syang ngumiti at nilingon ako.
"Sige...aalis na siguro ako..." He whispered.
Bakit kaya...bigla nalang...lumamig ang mga mata nya nang marinig na nagtext si Jungkook sa akin?
Saka sya tumalikod at aalis na sana pero...
"Ah ano..." Ang sambit ko. "Hindi mo na ba kukunin ang number ko?"
For a moment ay natigilan lang sya sa kinatatayuan nya kaya mas nagtaka ako.
But then...he turned to me and I was taken aback by the expression I saw from his face.
He's smiling at me...but there is pain and sadness from his eyes. Then he spoke.
"Hindi na..."ang sambit nya. "Nandyan naman si Jungkook para itext mo pag may kailangan ka..."
At hindi ko alam kung bakit after nyang sabihin yun...ay natigilan lang ako sa kinuupuan ko.
Then he grin. "Sige na, aalis na ako. Bye Snow..."
Yun lang saka sya tumalikod at walang salita na lumabas ng apartment ko.
Samantalang naiwan naman akong natitigilan doon.
Bakit kaya...bigla nalang lumungkot ang mga mata nya?
**********
"Nakakapagod noh?" Ang biglang sulpot ni Seohyun sa harapan ko matapos ang shooting.
Sa labas kami nag-shooting ngayon kaya nasa isang upuan ako at nagpapahinga.
I smiled.
"Oo nga...wala man lang tayong free time..."i said. "Aiiissh...nami-miss ko na talaga ang sarang ko..."
"Sarang?" She repeated with a confused look saka sya naupo sa tabi ko.
I grin. "Oo. Yun ang tawagan namin ng girlfriend ko. Sayang lang at busy din sya sa training nya kaya hindi sya makakabisita dito para makilala mo sya"
She smiled. "So...she's a trainee..."
"Ah, oo. Sa agency din natin sya nagti-training. At alam mo..." I said then proudly looked at her. "...my sarang is the prettiest in all the new trainees"
She chuckled. "Well kung ganun sya kaganda ay dapat ka palang kabahan. Malay mo, may pomorma sa kanya na kasama nyang trainees or even our co-idols"
Instantly, my brows met from what she said.
"Aiiissshh!! Sinong---sinong poporma sa sarang ko ha?! Huh! Walang dapat na pomorma sa kanya kundi sisipain ko talaga kung sino man yun palabas ng agency! Mapa-trainee man sya o co-idol, try to touch my sarang and I'll definitely send him to hell! AIIISSSHH! AFTER MONG SINABI YUN PARANG MAS HINDI AKO MAPAKALI NGAYON!" Ang galit na galit na sigaw ko.
At doon sya biglang tumawa kaya nagtataka naman akong napalingon sa kanya.
"What's funny?" Ang tanong ko.
Tumigil naman sya sa pagtawa saka ako tinignan.
"You" she said.
My brows met. "Me?"
She sigh then smiled. "Mahal na mahal mo siguro sya noh?"
Doon na unti-unting kumalma ang mukha ko saka ako napasandig sa kinauupuan ko.
Saka ako napatingin sa langit.
Then I smiled. "My sarang is the coldest girl you'll ever met. Minsan nya lang din sinasabi sa akin na mahal nya rin ako. Minsan pag magkaharap kami, hindi nya pa ako tinitignan ng diretso sa mga mata. At once in a blue moon lang sya magtext o tumawag sa akin pero kahit ganun ang sarang ko..." i said then turned to her. "...I love her more than anything in this world..."
Mukhang natigilan sya sa sinabi kong yun. And for a long moment ay tinitigan nya lang ako.
But then she sigh at sumandig narin sa kiauupuan nya.
"Nakakalungkot lang..." She suddenly said. "Na kailangan nyang mag-suffer ng dahil sa mahal na mahal mo sya"
Agad na nagsalubong ang kilay ko ng dahil sa sinabi nya.
"What do you mean---"
"Mr. Jeon and Ms. Seohyun! Nandito na ang inorder ninyong noodles!" Ang biglang sulpot ng isang crew doon kaya hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko.
She stood up then turned to me.
"So, tara na. Baka lumamig ang noodles" then she smiled.
"Ah oo" I said then grin. "Let's go"
Yun lang saka kami sabay na naglakad papunta sa delivery boy na ngayon ay isa-isang ipinamimigay sa mga kasamahan namin ang mga noodles na inorder namin kanina.
"Ah, hyung" ang tawag ko sa kanya. "Dalawang noodles ang sa amin"
Lumingon naman sa amin ang delivery boy at hindi ko alam kung bakit parang natigilan sya nang makita ang nakatayong si Seohyun sa tabi ko.
Nagtataka din akong napalingon sa direksyon ni Seohyun at nakita kong nanlalaki rin ang mga mata nyang nakatitig sa delivery boy.
Teka...bakit....
Bakit ganun ang ekspresyon ng mukha nilang dalawa?
Pero agad ding binawi ng delivery boy ang mga mata nya kay Seohyun saka nya ibinigay sa akin ang dalawang noodles na inorder namin.
Samantalang nanatiling naninigas sa kinatatayuan nya si Seohyun sa tabi ko at hindi ko alam kung bakit parang may namumuong luha sa mga mata nya....
Yun lang saka sumampa na sa motorsiklo nya ang deliveryboy at ilalagay na sana ang helmet nya pero nabigla ako nang kausapin sya ni Seohyun.
"K-kent..."Seohyun called him in that pleading voice.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Teka...magkakilala sila?
Pero nasagot ang tanong kong yun nang bigla syang lapitan ni Seohyun at naluluhang hinawakan ang braso nya.
"O-oppa...kumusta ka na? Kumakain ka ba ng mabuti ha? Nagpatuloy ka pa ba sa pag-aaral mo? Oppa---"
Pero nabigla ako nang biglang iwaksi ng delivery boy na tinawag nyang Kent ang kamay nyang nakahawak sa braso nito.
And in a cold voice, he spoke. "Don't talk to me ever again. Ng dahil sa isang b***h na katulad mo kaya nasira ang buhay ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng lalaking yun.
At pareho na kaming hindi nakagalaw ni Seohyun nang isuot na nya ang helmet nya at walang paalam na umalis sa lugar na yun.
Napakurap ako.
Saka ko nilingon si Seohyun.
And for the first time since I've known her ay doon ko nakita...ang pag-iyak nya.
Yes. The famous and the legendary Seohyun is now crying in front of me.
Agad syang tumalikod at umiiyak na tumakbo paalis.
"Seohyun!" Ang tawag ko sa kanya saka ko sya hinabol.
At naghabulan lang kami hanggang sa tumigil sya sa pagtakbo at umiiyak na napasandal sa isang puno na nanduon.
Napatigil din ako sa pagtakbo at napatitig sa kanya na ngayon ay humahagulgol na ng iyak sa kinatatayuan nya.
Agad naman akong lumapit sa kanya.
At dahil naawa ako sa kaya naisip ko na kailangan nya ng masasandalan ngayon...
So I grab her and put her into my arms. Agad naman nya akong niyakap pabalik at nanginginig syang humagugol sa balikat ko.
Bakit...
Bakit ba sya humahagulgol sa iyak ng dahil lang sa...encounter nya kanina sa lalaking yun?
Sino ba ang lalaking yun at ganito nalang pag-iyak ng sikat na sikat na si Seohyun?
For a long moment ay umiyak lang sya sa akin at hinayaan ko lang sya.
At habang yakap-yakap ko sya ngayon ay ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya ngayon.
Nang mahimasmasan sya ay pareho na kaming naupo sa tabi ng puno na yun.
And for a long moment ay naging tahimik lang kàming dalawa.
Gusto ko sana syang tanungin pero baka umiyak na naman sya pag nagsalita pa ako.
"He's my ex-boyfriend..."she suddenly said.
Napalingon naman ako sa kanya.
"Who?" I asked.
"Yung delivery boy kanina...he's my ex..." She said that shocked me.
At hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi nyang iyon kaya nagpatuloy sya.
"Since I was a trainee ay naging boyfriend ko na sya. We dated each other for almost 4 years..." She said.
Nabigla ako sa nalaman ko.
Four years?
May naging boyfriend pala sya ng ganun katagal?
"At nagpatuloy din kaming mag-date hanggang sa nag-debut na ako...pero..."she said then paused. "...pero simula ng sumikat ako lalo ay doon na sya nasimulang mahirapan ng dahil sa akin. I dated a non-idol at maraming fans ang hindi pabor sa pakikipag-relasyon ko. Simula ng malaman ng fans ko na sya ang idini-date ko ay dun na sya nagsimulang ma-suffer ng matindi..."
Nagsimulang...mag-suffer ng matindi?
"..he started receiving prank calls and death threats from sasaengs. Some of them even tortured him to death..."
My eyes widened from what I've heard.
Nagawa ng...mga sasaeng yun sa boyfriend nya?
"...pero kahit ganun ay hindi ko parin sya kayang bitiwan dahil mahal na mahal ko sya..."she continued. "Hanggang sa sya na ang nagsawa sa sitwasyon na meron kaming dalawa. Nakipag-break sya sa akin dahil hindi na nya nakayanan ang ginagawa ng mga sasaeng sa kanya. Nung una ay hindi ko matanggap ang desisyon nyang iyon but later on I realized that its better to let him go...because my love for him only made him suffer"
Sinasabi nya ang lahat ng iyon habang umiiyak kaya mas naawa ako sa kanya. Pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin ko sa kanya.
Hindi pa naman namin naraanasan ng sarang ko ang bagay na yun.
"And starting that day..."she whispered. "I realized that Idols don't have the right to fall in love and be happy. Dahil pagmamay-ari tayo ng mga tao. Titignan lang nila ang gusto nilang makita at tatanggapin lang nila ang gusto nilang tanggapin sa atin...at pag may hindi sila nagustuhan ay gagawa sila ng paraan na tanggalin yun sa atin. Even if it means of hurting us. Because we are their idols..."
Natigilan ako sa sinabi nyang iyon. At hanggang ngayon ay hindi parin ako makapagsalita.
Then she turned to me and smirk.
"You're still a rookie kaya hindi nyo pa alam ang mga bagay na 'to. So Mr. Jeon Jungkook..." she said then looked at me. "...welcome to the true face of an Idol's life"
Kinabukasan...
Naghahanda ako para sa training ko ngayong araw na 'to nang biglang tumunog ang doorbell.
Napangiti ako.
Baka si Jungkook na naman yun na nag-iiwan ng thornless na white rose sa may pinto ko sa umaga.
Excited akong tumakbo papunta sa pinto at binuksan yun. And instantly, nakita ko ang white rose na yun na nasa doorway.
Pinulot ko yun at nagpalinga-linga sa walang katao-taong hallway na yun.
Saka ko binasa ang message na nasa card na nakasabit sa stem nya.
You've been wondering why do I kept on giving you thornless white rose. It's because I don't want you to cut yourself while picking it. This rose always reminds me of your beauty, my Snow.
I smiled.
Saka ko nakangiting inaamoy yun habang papasok ng apartment ko.
At katulad ng dati ay isinama ko syang ilagay sa mga white rose na yun na natanggap ko nung mga huling araw sa isang malaking vase na nasa sala.
Nakangiti kong pinagmamasdan yun nang bigla na namang tumunog ang doorbell ko.
Nagtaka ako.
Sino pa ba maliban kay Jungkook ang magdo-doorbell sa akin ngayong umaga?
Nagtataka nalang akong naglakad papunta doon at binuksan yun.
And then...
"Sarang!"
Oo. Ang nakangiting mukha ni Jungkook ang nadatnan ko.
Eh?
Pasikreto nyang ibinigay sa akin ang rose at ngayon ay magpapakita sya sa akin?
Pero bago pa ako maka-react ay naglakad sya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Sarang..." He whispered. "I miss you..."
"P-pero teka..."ang sabi ko habang yakap parin nya ako. "Wala ba kayong shooting ngayon ha?"
Binitiwan naman nya ako at nakangiting nagsalita.
"Meron!" he said.
Nagtaka ako. "Ha? Eh bakit nandito ka?"
He gave me that big grin. "Eh kasi nami-miss ko ang sarang ko kaya tumakas ako..."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
"T-tumakas...k-ka?" Ang hindi ko makapaniwalang ulit.
He pout. "Oo sarang! Kasi hindi ako pinayagang bigyan ng director ng 30 minutes para makita kita ngayon...kaya..." Then he grin. "...tumakas ako para makita kita!"
Napakurap ako. "P-pero baka...baka pagalitan ka---"
"Aiiishh...! Wala na akong pakialam kung sino ang magagalit basta gusto ko lang makita ang sarang ko!" He whine.
Hindi ko mapigilang mapangiti.
Tumakas sya para lang makita ako? Hindi ko alam pero natatawa ako at the same time at natutuwa rin sa narinig ko.
"So tara sarang! Sabay tayong mag-breakfast ngayon!" Ang sabi nya at wala na akong nagawa nang hilain nya ako papasok ng apartment ko.
"H-hoy J-jungkook---"
"Sarang..." He cut me off at bigla nalang lumungkot ang boses nya kaya natigilan ako.
Nilingon nya ako at nakita kong...ang lungkot ng mga mata nya ngayon.
"Simula nung...dumating ka dito, hindi man lang kita nakasabay sa breakfast..."he said in a sad tone.
At ngayon ay magkaharap na kami sa sala.
"Aiiishh...masama talaga ang loob ko at napapabayaan kita..." Ang sambit pa nya while looking at my face. "Pakiramdam ko tuloy wala akong kwentang boyfriend sayo..."
Nabigla ako sa sinabi nya.
Naiisip nya yun? Na wala syang kwentang boyfriend sa akin?
Then I felt his hand on my cheeks kaya napataas ako ng tingin sa kanya.
"Sorry talaga sarang..." He said. "Sorry at napapabayaan kita..."
And seeing him so sad right now breaks my heart kaya agad ko syang niyakap at naramdaman kong nabigla din sa sa ginawa kong yun.
"Okay lang naman eh..."i whispered.
Oo. Totoong okay lang sa akin ang sitwasyon namin ngayon.
Pinili kong sumama sa kanya dito dahil gusto kong makasama sya kahit ilang minuto o segundo lang ang kaya nyang ibigay sa akin.
Pinili ko ang mundong ito dahil mahal na mahal ko ang lalaking kayakap ko ngayon.
At wala na akong pakialam kahit na maging anino nalang nya ako na laging nakabuntot sa kanya.
Wala na akong pakialam kahit na ilang ulit man akong pagbantaan ng mysterious texter na layuan ang lalaking ito.
Dahil kahit anong mangyari...
Ay sya lang ang magiging liwanag ko.
Sya lang ang susundan ko.
At sya lang...sya lang ang magiging rason ng existence ko.
Naramdaman kong niyakap nya rin ako.
"Hayyss...ang sarap ng feeling na 'to...ang mayakap ng matagal ang sarang ko..." He whispered. "Feeling ko...ngayong yakap-yakap ako ng sarang ko ay nawawala ang stress ko sa ilang araw na nakakapagod na shooting...dapat pala lagi akong may natatanggap na yakap sayo...diba sarang?"
Namula ako ng dahil sa sinabi nyang iyon.
Saka nya ako binitiwan at tinitigan ako ng mabuti.
"Basta sarang..."he said while staring at me."...kahit anong mangyari...akin ka lang ha?"
Napatingin naman ako sa kanya.
Pero ngumiti din ako. "Okay..."
He smiled too saka nya ginulo ang buhok ko.
"Aiiisshh...ang sarang ko...na-miss talaga kita...aiiishh..." Ang nakangiti nang sabi habang ginugulo parin ang buhok ko.
Namumula naman akong nakayuko lang sa harapan nya.
But then bigla syang tumigil sa pag-gulo sa buhok ko at napatingin sa sala.
Napataas naman ako ng mukha at napatingin sa kanya.
He smiled saka naglakad papunta sa maraming kumpol ng white roses na nakalagay sa isang malaking vase na nanduon.
"Wow sarang..."he said habang inuusisa yun. "Bumili ka ng white roses?"
Nabigla ako sa sinabi nya.
Bakit nya...
Bakit nya itinanong yun?
Eh diba...
"Eh diba..." i said. "...ikaw ang araw-araw na nagpapadala nyan?"
At after kong sabihin yun ay nakita kong natigilan sya sa kinatatayuan nya.
"E-every morning mo nga yang...iniiwan sa doorway ko...d-diba?"
For a long moment ay nakatayo lang sya habang nakatitig sa white roses na yun.
Pero...
Nang lumingon sya sa akin...at nakita kong biglang lumamig ang ekspresyon ng mga mata nya...ay doon ko na-realize na...
"Pero sarang..." He said in that cold voice and with emotionless face. "...hindi ako ang nagpapadala ng mga white roses na 'to..."
Oo. Na-realize ko...
Na hindi nga sya ang taong laging nag-iiwan ng white roses sa may pinto ng apartment ko simula ng makarating ako dito sa Korea.
To be continued...