Shadow of the Stars
Chapter 24
JIMIN:
Hays...nakakainis!
Bakit ako pa ang inutusan ng mga hyung na bumalik sa apartment para kumuha ng mga gamit nila?
Sayang lang ang kagwapuhan ko nito. At masakit sa abs ang pag-uutos nila sa pinakagwapong member ng BTS noh! KAASAR!
*sigh*
Liliko na sana ako sa hallway kung saan ang apartment namin pero...
Agad din akong napaatras at napatago doon.
Saka ako sumilip uli at...
Nakita kong magkaharap na nakatayo sina Taehyung at Snow sa harapan ng apartment ni Snow.
Pero teka...bakit magkasama ang dalawang yun?
At bakit ako nagtatago dito?
Tama. Kakausapin ko nalang silang dalawa kesa naman sa magmukhang stalker dito.
Lalabas na sana ako para tawagin sila pero napako ako sa kinatatayuan ko sa sumunod kong nakita...
Si Taehyung...hinila nya si Snow at...niyakap nya ito...
Halos hindi ako makagalaw sa nakikita ko ngayon. Teka...normal lang bang yakapin mo ang girlfriend ng bestfriend mo? Normal lang ba yun ha?
Pero...
"Bibisitahin ko lang ang babaing mahal ko..."
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang sinabing iyon ni Taehyung.
Hindi kaya...
Hindi kaya...
Hindi kaya...
TALAGANG POGI AKO?!
AHAHAHAHAHA! KINABAHAN SIGURO KAYO NOH?! WAHAHAHAHAHA!
Ay, joke lang readers ha. So ito na...
Hindi kaya...
Hindi kaya...
Hindi kaya....
TALAGANG IPINANGANAK AKONG SEXY AT MACHO?!
WAHAHAHAHAHAHA! KINABAHAN NAMAN SIGURO KAYO NOH?! WAHAHAHAHAHA!
Hays...sige na, last na 'to promise. Ito na talaga...
Hindi kaya...
Hindi kaya...
Hindi kaya...(please repeat 100x)
Mahal parin ni Taehyung si Snow at si Snow talaga ang...
Agad akong napataas ng mukha ng marealize yun...
Saka ko madramang natakpan ang bibig ko at parang nasa isang telenobela na napasandig sa naruong wall at napadausdos paupo sa hallway na yun (opo. Ito ang natutunan ko sa acting lessons namin. Bwahahahaha!).
Pero...
Serious mode na tayo.
Hindi pwedeng malaman ni leader ito dahil pag nagkataon...
Mag-aaway na naman sila ni Taehyung...
Napalingon ako uli sa kanila mula sa pinagtataguan ko at nanigas ako sa sumunod kong nakita.
Si Taehyung at si Snow...magkasamang pumasok sa apartment ni Snow...
Agad akong napasabunot ng buhok ko matapos makita yun.
Lagot na.
Saka ko nagulo ang perfect and beautiful hair ko (opo sa tuwing babanggitin nyo ang hair ko ay don't forget to mention perfect and beautiful. Thanky!*wink*).
TAEHYUNG NAMAN KASI EH...MALAKING GULO 'TONG PINASOK MO!!!
***************
Hindi ako marunong magluto.
Sa pitong members ng BTS ay ako lang ang never pang tumapak sa kusina para magluto.
Pero...
ANONG GINAGAWA KO SA KUSINA NI SNOW AT NAGHAHANDA NG LUNCH PARA SA AMING DALAWA?!
Tama. Dahil nag-representa pala ako na ako na ang magluluto para sa aming dalawa dahil...nakikita kong hindi parin sya nakaka-recover sa nangyari sa kanya kanina.
Sa tuwing naaalala ko ang panginginig nya kanina ng dahil sa takot ay...naninikip ang dibdib ko. Lalo na't kasalanan ko kung bakit...bakit nangyari yun.
I sigh.
Saka ako napatingin sa niluto ko.
Nagluto ako ng seafood noodles dahil ito ang nakita kong nagustuhan nya nung kumain kami nun sa graduation nya.
Oo. Naalala ko kahit ni maliit na bagay na nakikita ko sa kanya.
Dahil siguro sa...sa tuwing magkasama kami ay hindi ko naiialis ang mga mata ko mula sa kanya.
Napahinga ako uli ng malalim.
Kailangan ko na talaga mag-aral ng culinary arts. Para sa sunod ay malutuan ko sya ng masarap na seafood noodles...
Lumabas nalang ako mula sa kusina nya.
"Snow, handa na ang----"
Pero natigil ako sa pagsasalita ng dahil sa nadatnan ko.
Dahil...nadatnan ko syang mahimbing na natutulog sa may sofa...
Tsk. Nakatulugan na nya ang paghihintay sa pagluluto ko.
Hays...
Inilapag ko nalang ang noodles sa may mesa na nanduon saka ako naglakad papalapit sa kanya.
At doon ko lang napansin na wala syang unan kaya nag-alala ako.
Aiissh...this girl. Hindi sya pwedeng matulog sa ganung posisyon dahil magkaka-stiff neck sya.
Lumapit nalang ako sa kanya.
Tama. Aayusin ko nalang ang pagkakahiga nya.
Kinuha ko ang maliit na unan na nanduon at yumuko sa kanya para ayusin ang pagkakahiga nya...
Pero...
Nang yakapin ko sya para buhatin ay bigla nalang ako natigilan nang makita ko na ng malapitan ang mukha nya.
Ngayon ko lang kasi nakita yun ng malapitan...
At ngayong nakita ko na yun ng mapalitan...
Ay ngayon ko lang napansin...na ang ganda pala ng mga pilik-mata nya...
Na...matangos pala ang ilong nya...
Na...ang ganda pala ng mukha nya...
At...
Napadako ang tingin ko sa kulay pink na labi nya...
At hindi ko alam...
Pero...
Ngayong nakalapit sa akin ang mukha nya...ay parang...
Parang...
Tama.
I always wonder kung ano ba ang pakiramdam ng mahalikan ang labi nya...
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya.
I always wonder kung kailan ba kami magkakaroon ng unang direct kiss...
At ngayong magkalapit na ang mga mukha namin ay mas naririnig ko ang mahinang paghinga nya.
Then I smiled.
Just this once.
Just this once ay gusto kong...
Then I slowly move my face into her...and...
Just this once will be enough for me.
Slowly...
Just this one direct kiss will be enough for me.
I kissed her.
And for the first time...
Yes, for the first time...
Snow and I have our first direct kiss.
To be continued...