Chapter 23

1273 Words
Shadow of the Stars Chapter 23 Nakaupo lang ako ng mabuti habang nakaharap sa nakangiting si Taehyung na nakaupo ngayon sa harapan ko at naga-grill ng beef. And I wonder...bakit parang...kanina pa sya nakangiti? "Ah Taehyung..." I called him. Agad naman syang nagtaas ng mukha. "Yes?" Napatitig ako sa kanya. "M-may nangyari ba?" Ang tanong ko. Napatingin naman sya sa akin. "Nangyari?" "Eh kasi..." Ang sabi ko. "...mukhang ang saya-saya mo ngayon..." For a moment ay natigilan lang sya pero ngumiti din sya at tinitigan ako. "Oo may nangyari nga..."he said. Napatitig din ako sa kanya at ngayon ay nagtititigan na kami. "...nakita kita kaya ang saya-saya ko ngayon..."he said. Napakurap ako ng dahil sa sinabi nya. A-anong... Anong sinabi nya? Pero bago pa man ako maka-react ay... "JOKE! HAHAHAHAHAHA!" Ang biglang sambulat nya. Grabe. Ilang ulit na ba nya akong napagtripan ha? "Pero ang totoo nyan Snow..."he said then stare at me again. "...masaya ako dahil nakasabay kitang kumain ngayon" Napakurap ako uli. Masaya sya dahil... Dahil kasabay nya akong kumain ngayon? Pero... "JOKE! JOKE! JOKE!"he burst again. This time ay napikon na ako. Kaya agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at walang imik na naglakad palabas ng restaurant na yun. At agad naman nya akong hinabol. "Snow!" He called me. Pero hindi ako lumingon then I felt someone grab my arm and I came face to face with his handsome face. "Snow...galit ka ba?" Ang tanong nya. Nilingon ko sya. "Bakit ba lagi mo nalang ako jino-joke ha? Ginagawa mo lang ako na katuwaan mo" Saka ako nagbaba ng mukha. For a moment ay tinitigan nya lang ako at doon na nya binitiwan ang braso ko. At sa matagal na panahon ay nanatili lang kami sa ganung posisyon. And then I heard him sigh and looked at me. "Snow..."he whispered my name kaya napatingin ako sa kanya. At hindi ko alam kung bakit...tinititigan nya lang ako ngayon... "Minsan kasi..."he said. "...sa joke mo lang nasasabi ang totoong nararamdaman mo..." Natigilan ako sa sinabi nyang iyon. Ano bang...ibig sabihin nya doon? Pero... Bago pa man ako makapagsalita ay isang flash ng camera ang biglang tumama sa amin and instantly, agad kong nakita ang panlalaki ng mga mata ni Taehyung. "s**t! PAPARAZZI!" Ang sigaw nya saka nya ako hinila at tinakpan ang mukha ko gamit ang coat nya. At doon biglang nagdatingan ang mga taong yun na may dalang mga camera at kinukunan kami ngayon ng pictures habang tinatakpan parin ni Taehyung ang mukha ko. "Mr. Kim! Sya ba ang rumored na girlfriend mo?" "Pwede ba naming malaman kung ano ang pangalan nya?" "Mr. Kim, sya ba ang dini-date mo ngayon?" Yan ang naririnig kong tanong ng mga reporters na yun pero hindi sila sinasagot ni Taehyung. Doon nya ako biglang pinasakay sa kotse nya at agad din syang sumakay at pinaandar yun saka kami umalis. "s**t!" Ang mura nya saka sya napasuntok sa manibela. Napalundag pa ako ng dahil dun. Saka sya huminga ng malalim at tumingin sa akin. "Okay ka lang ba?" Ang nag-aalalang tanong nya. Tumango naman ako kahit na hindi parin ako naka-recover sa shock mula sa nangyari. "Aiiissshh...!" Ang asar na sigaw nya. "Nakalimutan kong isuot ang mask ko kaya nakilala nila ako! Aaiiishh..! Lagot na naman ako kay manager!" Samantalang nakatulala parin ako. Saka sya lumingon uli sa akin. "I'm so sorry Snow...hindi ka na sana nadamay dito..." At nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata nya sasinabi nyang iyon. "A-ah okay lang naman ako..." Ang sambit ko. "Hindi ka okay Snow..."he said while looking at me. "You're trembling kaya alam kong hindi ka okay so stop telling me that you're okay" Napayuko nalang ako ng dahil sa sinabi nyang iyon. At doon naman biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako dun. Agad kong binuksan yun at nanlamig ako sa sumunod kong nabasa na message. Nagustuhan mo ba ang nangyari kanina? Well, patikim palang yan. Sa susunod na makikita kitang kasama uli si Taehyung Oppa o anyone in BTS. I'll make you suffer more. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa nabasa ko. Sino ba tong unregistered number na text ng text sa akin? "Snow..."ang pukaw niTaehyung sa akin. "I'm so sorry about that...hilingin nalang natin na hindi lumabas sa TV ang nangyari kanina..." Natigilan ako sa sinabi nya. Bakit? Ganun ba... Ganun ba kalaki ang gagawing issue ng nangyari kanina? **************** Inihatid ako ni Taehyung sa harapan ng apartment ko. At dahil narin sa trauma ko sa nangyari kanina at idagdag pa ang mysterious person na text ng text sa akin ay nanginginig ngayon ang kamay ko habang pinipindot ang password doon. At dahil sa panginginig ko ay hindi ko mapindot ng tama ang keys. "Snow..." Taehyung called my name from my back at alam kong kanina pa sya nakatitig sa akin. Agad naman akong napalingon sa kanya. "N-neh?" Ang nanginginig ko paring tanong. Nabigla pa ako nang hawakan nya ang kamay ko at walang babalang niyakap ako ng mahigpit. "It's okay..."he whispered at doon ko naramdaman ang paghaplos nya ng buhok ko, trying to soothe me. "It's okay...I'm here, I'll protect you..." At katulad ng simula ng makilala ko sya ay ngayong yakap-yakap nya ako ay unti-unti....ay gumagaan ang pakiramdam ko. Nanginginig ang mga kamay ko na yumakap din sa kanya at alam kong naramdaman nya yun kaya mas hinigpitan nya pa ang pagyakap sa akin. "Magpahinga ka muna..." Ang sabi nya. "Kakausapin ko nalang ang trainor ninyo na hindi ka muna makakapasok ngayon..." "Pero---" "Snow" he cut me off. "You're not okay. Kaya wag mo ng sasabihin sa akin ngayon na okay ka dahil hindi mo ako mapapaniwala. Now, get inside and get some rest" At hindi ko alam kung bakit agad akong tumalima sa sinabi nya. Bumitiw na ako sa kanya at pinindot uli ang password ng apartment ko. At this time ay nawala na ang panginginig ng mga kamay ko. Dahil narin siguro sa...pagyakap nya sa akin kanina ay nakalma na ako. Agad namang bumukas yun saka ko hinarap ang gwapong mukha nya. "S-sige..." Ang nakayuko kong sambit. "S-salamat sa paghahatid sa akin dito..." He smiled then pats my head. "Aiisssh...okay lang yun. Magkaibigan tayo kaya gagawin ko yun para sayo" he said. "Ah sige...papasok na ako...bye..." Ang sabi ko saka tumalikod at papasok na sana nang... Bigla na naman tumunog ang cellphone ko. Kaya agad kong binuksan yun at nakita kong may nagtext na naman. YOU'RE DEAD. Agad akong nanlamig nang dahil sa nabasa ko. Sobrang natatakot ako ngayon ng dahil sa misteryosong tao na text ng text sa akin. Kaya agad akong napalingon kay Taehyung na noon ay nakatayo parin sa likod ko. I tried to calm myself. Ayokong malaman nya o anyone sa BTS ang nangyayaring ito. "Ah ano..." Ang sabi ko. "P-pwede bang...p-pwede mo ba akong...pwede bang..." I'm trembling at agad namang napansin yun ni Taehyung kaya agad syang lumapit sa akin at hinawakan ako sa pisngi. "What's wrong?" Ang nag-aalala nyang tanong. Pero ini-try ko ang best ko na pakalmahin ang sarili ko. "Ah ano..." Ang sambit ko. "G-gusto mo bang...gusto mo bang dito na mag-lunch?" Oo. Sa sobrang takot ko ngayon ay parang hindi ko kakayaning mag-isa ngayon sa apartment. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng mysterious texter kaya mas magandang may kasama muna ako ngayon. Nakita ko naman ang pagkabigla sa mga mata nya ng dahil sa itinanong ko. But then later on...he sigh. "Well..." He said. "Alam kong nato-trauma ka parin sa nangyari kanina...so...dito muna ako para may kasama ka hanggang sa makalma ka..." I really tried hard na ngumiti sa kanya. "T-thank you...Taehyung..." I whispered. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD