Chapter 22

812 Words
Shadow of the Stars Chapter 22 Sarang hindi muna ako makakasabay ng lunch sayo ngayon. Na-extend kasi ang oras ng shooting namin. Sorry talaga sarang. Promise, babawi ako sa sunod. Saranghae! Yan ang natanggap kong txt galing kay Jungkook matapos ang training namin sa umaga. Napahinga nalang ako ng malalim. Nasa loob parin kami ngayon ng kwartong iyon at isa-isa ng nagsisialisan ang mga kasama kong trainees. "Snow" ang sulpot ng boses na yun kaya napataas ako ng mukha. At nakita ko ang nakangiting mukha ni William. "Ah..."he started at parang nahihiya pa syang napakamot sa batok nya. "C-can I...can I invite you for lunch today?" Nakurap ako. Did he just invited me for lunch? "Ah...ano---" magsasalita na sana ako nang tumunog na naman ang cellphone ko. Excited kong binuksan yun dahil baka nagtext uli si Jungkook pero... Bigla akong nanlamig sa sumunod na nabasa ko.... Stay away from BTS or I'll make you suffer. At galing sya sa isang unknown number. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako kinabahan sa nabasa ko. Sino ang nagtext nito? At paano... Paano nya nakuha ang number ko? "Snow? Are you okay?" Ang tanong sa akin ni William. Agad naman akong ngumiti ng alanganin. "Ah..ano...may nagtext lang sa akin..." "Oh..." Ang sabi nya. "So...can you...can you join me for lunch?" "Snow!" Ang sulpot naman ni Angel. "Tara! Sabay na tayong mag-lunch!" Napatingin naman ako sa kanya kahit na hindi parin ako nakaka-move on sa nabasa kong text. "Ah kasi---" pero hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla nalang... "KYAAAAAAAAAAAAHHH!!!" ang tilian ng ibang babaing trainees na biglang nagkumpulan sa may pinto. Nagtaka naman ako. Bakit sila nagtitilian? Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at nagtatakang nakisilip doon. Sumunod din sa akin sina William at Angel na mukhang nagtaka rin sa nangyayari sa labas. And then... Natigilan nalang ako nang makita kung sino ang tinitilian nila. Napataas sya ng mukha mula sa pagkakayuko at pagkakasandig sa wall na nanduon at nang makita nya ako ay agad syang ngumiti. "T-taehyung?" Ang nasambit ko. "A-anong ginagawa mo dito?" At napunta narin sa akin ang tingin ng lahat. Oo nga naman. Masyadong nakakabigla siguro para sa kanila ang kausapin ko ng ganun ang idol na 'to. Napakamot naman sya ng batok at tinignan ako. "Ah ano..."ang sabi nya saka umubo. "Kanina ko pa kasi hinahanap kung nasaan ang banyo dito...alam mo ba kung saan?" Napakurap ako. "Nagpunta ka dito...para itanong lang kung nasaan ang banyo dito?" Oo nga. At bakit ako pa ang tinatanong nya eh diba ang tagal-tagal na nya dito para hindi malaman kung nasaan ang banyo? Nag-iwas naman sya ng tingin habang nakakamot parin sa batok nya. "Ah oo..."ang sabi nya habang nakatingin sa ibang direksyon. "Sa paghahanap ko kung nasaan ang banyo bigla nalang ako napadpad sa harapan ng kwarto nyo...at hindi ko alam na nandito ka pala. Nabigla talaga ako na makita ka dito" Saka sya napatawa ng hilaw. Napakurap ako uli. So...napunta lang sya dito dahil sa paghahanap ng banyo? Saka sya lumingon sa akin uli pero biglang napunta ang mga mata nya sa nakatulalang si Angel na ngayon ay katabi ko. At nakita ko pa ang pagkabigla sa mukha ni Angel nang tignan sya ni Taehyung. Then he smiled. "It's nice to see you again, Angel" Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Angel sa sinabing iyon ni Taehyung at parang hindi makapaniwala na nagsalita. "I-ikaw yung..."she almost couldn't speak in shock. Nagtaka ako. Magkakilala silang dalawa? But then Taehyung turned to me and smiled. "Snow, balita ko masarap ang beef bulgogi nila sa katabing restaurant. Gusto ko sanang tikman pero wala akong kasama..." Napatingin naman ako sa kanya. "Ha? Ah eh...nasaan ba ang ibang ka-grupo mo?" Napakamot sya uli ng batok. "Hindi pa tapos ang scenes nila kaya nasa set pa sila ngayon...so..." He said then looked directly to me. "Pwede mo ba akong samahan kumain doon?" At after nyang sabihin yun ay sumunod ang gasp and whispers around me. Tama. Ang kausapin ka palang ng idol na 'to ay nakaka-shock na. Paano pa kaya pag ini-ask ka na nyang sumabay na kumain sa kanya? Pero nagtaas ako ng mukha at ngumiti. "Okay..." I said. Saka ko hinarap sina Angel at William. "Ah ano...kung gusto nyo, sabay nalang kayo sa amin" ang sabi ko sa kanila. Pero ngumiti lang si William. "Ah hindi na...sa sunod nalang siguro Snow" At hindi ko alam pero may nakita akong panghihinayang sa mga mata nya. Nilingon ko naman si Angel. "Ah Angel---" "Sorry" she said saka tumalikod at naglakad paalis. "Mas gusto kong kumain mag-isa ngayon" Natigilan naman kaming tatlo sa inasta nyang yun... Bakit... Bakit bigla nalang ata nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya? "Tara Snow...gutom na ako..." Ang sabi naman ni Taehyung na ngayon ay naka-pout na. Agad naman akong lumingon sa kanya at ngumiti. "Ah okay..." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD