Shadow of the Stars
Chapter 21
"This morning we will start with the basics and I will group you into three" ang sabi ni Ms. Soo, ang instructor namin nung umagang iyon. "And now the first group will be the first top 3 of the audition. So the first member of the first group will be..."
Saka sya tumingin sa papel na hawak nya at nagpatuloy sa pagsasalita. "...the top 1, Ms. Snow Sanchez. Stand up please"
Nagpalinga-linga naman ang mga kasama kong trainee at mukhang hinahanap nila ang binanggit ni Ms. Soo.
At dahil dun kaya mas nahiya akong tumayo.
"Ms. Sanchez?" Ang ulit ni Ms. Soo sa pangalan ko.
I gulp. Saka ako nanginginig na tumayo mula sa kinauupuan ko and instantly, napunta sa akin ang lahat ng atensyon.
"Oh my, diba sya yung girlfriend ni Jungkook?"
"Oo nga, so sya pala ang top 1"
"Why do I get this feeling na naging top 1 lang sya dahil dini-date sya ni Jungkook Oppa?"
Yan ang bulong-bulungan na sumunod at napatingin naman ako kay Ms. Soo na ngayon ay nakatingin sa akin.
"Ms. Snow, just so you know that dating one of our talents doesn't excludes you from being treated fairly with the other trainees so please cooperate with us. The next time I'll call you, you should respond quickly. Arasso?" She said in a serious tone.
Napa-gulp naman ako. "Y-yes ma'am..." I whispered.
At narinig ko pa ang hagikgikan sa likod ko ng dahil sa napagalitan ako.
"Okay now, lets proceed..."she continued. "The top 2 of the audition is Ms. Angel---"
Pero hindi nya naipagpatuloy ang sasabihin nang bigla nalang bumukas ang pinto at hinihingal na bumungad doon ang isang babae na may dalang violin.
"I'm sorry I'm late!" Ang hinihingal nyang sabi.
Agad namang nag-cross arms si Ms. Soo at nilingon ang bagong dating na babae.
"Ms. Angel. The next time you come late to this class, I won't think twice in kicking you out of this training program"
Napababa naman ng tingin ang bagong dating at sa malungkot na boses ay nagsalita.
"Neh..."she said.
"Okay, now, you'll be paired up with Ms. Snow so please stand next to her" ang utos naman ni Ms. Soo.
Nakahalumbaba namang naglakad papunta sa tabi ko si Angel pero ngumiti din sya sa akin.
Ngumiti din ako sa kanya at doon naman nagsalita si Ms. Soo.
"The top 3 of this audition that will be paired up with the two of you is...Mr. William" at after sabihin yun ni Ms. Soo ay biglang nagtilian ang mga kasama naming babaing trainees.
Sabay naman kaming napalingon ni Angel sa likod at nakita naming tumayo ang gwapong lalaking yun.
Sa tingin ko ay hindi sya pure na korean. Parang half american ang itsura nya.
Naglakad nalang sya papunta sa amin ni Angel at nabigla pa ako ng magsalubungan ang paningin namin.
Teka...bakit nya ako tinititigan?
Sa akin sya tumabi at namula pa ako nang ngumiti sya sa akin.
"Hi...so we will be paired up, huh?" Ang sabi nya.
"Ah...oo..."ang sambit ko.
"So the three of you will be belong to the first group" ang sabi pa ni Ms.Soo. "The next group will be the top 4, top 5, and top 6..."
At doon na nagpatuloy si Ms. Soo sa pag-grupo sa amin samantalang naupo nalang kami sa isang tabi.
"Hi ako nga pala si Angel Nam" ang sabi ni Angel habang nakangiti sa amin.
"And I'm William. I actually came from America" ang sabi naman ni William.
Napayuko naman ako. "Ah ano...ako naman si Snow...Snow Sanchez"
At pagtaas ko ng mukha ay nabigla pa ako nang makitang nakatitig na naman sa akin si William habang nakangiti.
"So your name is Snow..."he said. "I saw you at the audition and all I could say to your performance is...Wow...you deserved to be the top 1"
He said that while staring at me at hindi ko alam kung bakit parang...nahihiya ako sa paraan ng pagtingin nya sa akin.
"Ah...thanks..." Ang nakayuko ko lang na sabi.
"Talaga?" Si Angel at nag-pout. "Sayang at hindi kita napanuod...sa second day kasi ang schedule ko...siguro sobrang galing mo kaya na-top 1 ka..."
Namula naman ako. "Ah hindi, hindi...tsamba lang siguro yun..."
"Ahhh..."she said saka napasabunot ng buhok. "I've worked so hard to be the top 1 para mapansin nya ako...pero in the end, top 2 lang ako..."
Napayuko naman ako at mukhang napansin nya yun kaya agad syang lumingon sa akin.
"A-Ah...o-okay lang naman na ikaw ang na-top 1" she said defensively habang nakangiti ng alanganin. "Siguro kailangan ko pa ng mas maraming practice so please don't misunderstand me. Masaya ako para sayo Snow"
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang naman yun..."
"But wait, you said earlier that you really tried hard to be the top one for a certain person" si William na nakisali narin sa usapan namin. "Who is that?"
Agad namang namula ang pisngi ni Angel at nakangiting nagsalita.
"Para sa lalaking mahal ko..." She said. "Isa kasi sya sa mga talents ng agency na 'to kaya naisip ko na para mapansin nya ako, kailangan kong maging top 1 pero..."*sigh* "Okay lang yun. Masaya na akong makapasok sa agency na to. In this way, may chance na akong makasama sya o makita man lang sa personal"
I smiled. "Siguro mahal na mahal mo sya para pangaraping mapansin nya..."
She smiled too. "Oo...simula ng mag-debut sila...minahal ko na talaga sya"
Ngumiti lang ako sa kanya at doon na namin narinig naman si Ms. Soo.
"Now that I have given your group, lets start our training for this day"
"Yes ma'am..." Ang sabay naming sagot.
To be continued...