Shadow of the Stars
Chapter 20
"I'm in-love with your girlfriend..."
Walang makagalaw sa kanila nang dahil sa sinabing iyon ni Taehyung.
Samantalang napatulala naman sa kanya ang hindi rin makapagsalitang si Jungkook.
Matagal na panahon silang nasa ganung posisyon nang biglang...
"JOKE! JOKE! JOKE! HAHAHAHAHA!" Ang biglang sambulat ni Taehyung. "
Agad naman syang binatukan ni Rapmon.
"Aray! Bakit mo ako binatukan hyung?!" Ang sigaw nya.
"Namimihasa ka na kasi eh. Ilang ulit mo na ba kaming nabiktima sa hindi nakakatawa na joke mo na yan?" si Rapmon.
"Pero V hyung..." Ang sabi naman ng naka-recover ng si Jungkook. "Buti nalang talaga at joke lang yun..."
Lahat naman sila ay napatingin sa direksyon ni Jungkook.
"...kasi kung hindi joke yun, hahamunin talaga kita uli ngayon sa labas" ang dugtong ni Jungkook na nagpatahinik sa kanilang lahat.
Pero ngumiti lang si Taehyung. "Wag kang mag-alala maknae, kung mangyari man yun hindi kita uurungan..."
At mukhang mas nabigla ang ibang kagrupo nila sa sinabing yun ni Taehyung.
"....pero joke lang naman yun kaya hindi mangyayari yun" ang dugtong nya.
This time ay nagpalipat-lipat na ng tingin ang mga ka-myembro nila sa kanilang dalawa.
At ng hindi na makatiis...
"Teka, nag-aaway ba kayo?" Si J-hope.
Nagkatinginan naman silang dalawa nun at sabay pang napangiti.
"Nah..we're good. Diba maknae?" Si taehyung saka tinapik pa sa balikat si Jungkook.
"Oo naman hyung, as long as hindi mo susubukang agawin uli ang sarang ko, magiging good tayo"
"Aiissh...this kid..." Ang sabi lang ni Taehyung saka ibinaba sa kaharap nilang table ang camera at nagsimulang maglakad paalis.
"Hoy Taehyung! Saan ka na naman pupunta?! Hindi pa tapos ang shooting ah!" Si Jimin.
Pero hindi lumingon sa kanila si Taehyung. "Bibili lang ako ng drinks"
"Ha? May drinks naman dito ah" si J-hope.
Pero nabigla nalang sila nang sumakay ito ng kotse nito. "Basta! Babalik din ako kaagad! May pupuntahan lang ako!"
"At saan ka naman pupunta? Hoy! Baka pagalitan ka na naman ni manager!" Si suga.
Ini-start lang ni Taehyung ang makina ng kotse nya at nakangiting nilingon ang mga kasama.
"Bibisitahin ko lang ang babaing mahal ko" ang sabi nya saka nagmaneho paalis.
Naiwan namang nakanganga ang ibang ka-grupo.
Saka sila nagkatinginan.
And then...
"Teka..." Si J-hope. "...mahal ni Taehyung yung tinderang nagbebenta ng drinks sa isang kanto?"
Angel's POV:
Nagmamadali akong tumakbo papasok ng agency na yun dahil late na ako sa first day ko as a trainee.
Bakit ba kasi ako ipinanganak na mahinhin at mabagal? Late tuloy ako ngayon sa first day ko.
Humahangos lang akong tumakbo papasok dun at nang liliko na ako...
*Blag!*
Opo. May nakabangga ako sa hallway na yun.
Napaupo pa ako sa semento at nagkalat ang musical sheets sa daanan na yun.
"Aiiissh..." Ang narinig kong sabi ng nakabangga ko kaya napataas ako ng mukha.
And what I saw is that guy who's wearing black mask at big glasses.
Naiiyak naman akong tumayo at isa-isang pinulot ang nagkalat na musical sheets ko.
"S-sorry po..." Ang naiiyak at nakayuko kong sabi habang isa-isang pinupulot ang mga sheets na yun.
For a moment ay tinitigan nya lang ako but then later on ay yumuko rin sya at tinulungan akong pulutin ang mga musical sheets.
"No it's okay" he said. "May kasalanan din ako dahil hindi rin ako tumitingin sa dinadaanan ko"
Napatingin naman ako sa kanya.
At doon ko lang nakita ng maayos ang mukha nya.
Teka...bakit parang...parang may kahawig sya?
"Tumutugtog ka pala ng violin?" He asked habang nakatingin sa violin na bitbit ko.
I smiled. "Ah oo...ngayon nga ang first day ko as a trainee..."
He smiled too saka nagbaba ng tingin. "Kung ganun...makakasama mo sya..."
"Eh? Sya?" Ang tanong ko.
He turned to me at sa mga mata palang nya ay nakita kong nakangiti sya ngayon.
At ngayong nakita ko na ang mga mata nya ay na-realize kong hawig nya talaga ang lalaking yun...
"Ang first love ko..." He said.
Napakurap ako.
Ang first love nya?
Pero doon na sya tumayo at inilahad sa akin ang musical sheets na hawak nya.
Natutulala ko namang kinuha yun.
"Sya, aalis na ako" he said then turned away. "Bye!"
Pero agad akong tumayo.
"Ah ano..." I said.
Napatigil naman sya sa paglalakad at nilingon ako.
"Trainee ka rin ba?" Ang tanong ko.
But he just looked at me and I heard him smirk.
"Dati..."he said.
"Dati?"
Nakita ko namang kinamot nya ang batok nya. "Ang totoo nyan nagpunta lang talaga ako dito para makita ang first love ko"
Eh?
Nandito sya para makita ang first love nya?
At dati syang trainee?
Anong bang ibig sabihin nun?
"Sya, aalis na ako. Mali-late na ako sa pupuntahan ko. See yah!" Ang sabi nya lang saka tumalikod.
Samantalang nanatili lang akong nakatitig sa likod nya.
Pero bigla syang tumigil sa paglalakad at nilingon ako.
"By the way..."he said. "Pwede bang malaman kung ano ang pangalan mo?"
Napakurap ako.
Tinatanong nya kung ano ang pangalan ko?
"Ah ano..." I said. "My name is Angel"
At after kong sabihin yun ay nagtaka ako sa naging reaksyon nya.
Bigla nalang kasi syang natigilan sa kinatatayuan nya.
Bakit kaya sya...natigilan?
May nasabi ba akong mali?
But then...his eyes smiled at nagsalita.
"You play violin and you're name is Angel..."he said saka sya nagtaas ng mukha."...at magkapareho din ang ugali ninyong dalawa...magkaparehong magkapareho kayo..."
Nagtaka ako.
Ano bang pinagsasabi nya?
At Sinong kapareho ko?
But then he sigh and turned away.
"Aalis na ako. Bye angel!" Ang sabi nya lang saka nya itinaas ang kamay nya as a sign of goodbye.
At ng tumalikod sya sa akin at nagsimulang maglakad paalis ay doon ko lang na-realize kung sino ang kahawig nya at kaboses nya.
Agad akong napataas ng mukha pero sa sobrang shock ko sa narealize ko ay hindi ako makapagsalita.
Hindi kaya...
Hindi kaya...
Sya si Kim Taehyung?
Ang lalaking hinahangaan ko lang ng ilang taon?
Pero...
Parang ang imposible naman nun...
To be continued...