Shadow of the Stars
Chapter 19
Nakaupo lang si Jungkook habang mini-memorise ang mga linya nang bigla nalang sumulpot si J-hope na may hawak na namang camera.
"Rapmon, may ico-confess ako sayo na kasalanan ko" si J-hope habang nakatutok dito ang camera nito.
Nagtaas naman ng mukha si Rapmon. "Ano yun?"
"Nung isang araw...nilapitan mo ako at tinanong kung sino ba ang umubos ng paborito mong pagkain sa ref...Rapmon..gusto kong sabihin sayo na..." He gulped. "...ako yun"
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Rapmon at biglang nanlaki ang mga mata nya na tumingin kay J-hope.
"Ikaw ang---!" Pero agad din syang natigilan at sa walang emosyon na mukha ay nagsalita. "Tama...pwede ko bang hiramin yan? May ico-confess din akong kasalanan sayo..."
Nagtataka namang ibinigay ni J-hope yun sa kanya at ngayon ay sa kanya na itinutok yun ni Rapmon.
"J-hope..." Ang simula ni Rapmon. "Naalala mo nung pre-debut at may mahal na mahal kang vase na bigay ng lola mo?"
Napakamot naman ng ulo si J-hope. "Ahh...oo. Yung binili pa ng lola ko galing China at isa sa pinakamahal na vase na galing pa sa isa sa mga sikat na monghe doon?"
"Oo. Yung sabi mo ay ilang ulit kang binugbog ng lola mo matapos kang umuwi sa inyo na basag na yun?" si Rapmon.
"Ahh...eh ano naman ang tungkol dun?" Ang takang tanong pa ni J-hope.
"J-hope...ang totoo nyan..." Si Rapmon saka sya napa-gulp. "...ako ang nakabasag nun at inilagay ko lang sa bag mo bago ka umuwi para isipin mong ikaw ang nakabasag nun"
At after sabihin yun ni Rapmon ay agad na nagsalubong ang kilay ni J-hope at kinuwelyuhan sya.
"YOU---!" he yelled. " ALAM MO BA KUNG GAANO KAHIRAP ANG PINAGDAANAN KO NG ILANG ARAW NG DAHIL DOON?! SA TUWING NAALALA NG LOLA KO YUN AY PINAPALO NYA AKO NG BASEBALL BAT!"
Pero nag-V sign lang sa kanya si Rapmon. "Hehehe...peace! Atleast ngayon quits na tayo!"
Nabitawan naman sya ni J-hope at parang binagsakan ng langit at lupa na napasandal sa isang sofa doon.
"Bakit pakiramdam ko ay mas malaki pa ang naging kasalanan mo kesa sa pagkain ko ng pagkain mo sa ref?" Ang walang kabuhay-buhay nyang sabi.
"Oy Rapmon hyung! Pahiram din ako nyan!" Ang biglang sulpot naman ni Jimin.
"Bakit Jimin? May nagawan ka rin ba ng kasalanan sa atin?" Ang tanong ni Rapmon.
Malungkot na napababa naman ng tingin si Jimin at nagsalita. "Oo Rapmon hyung...ang laki ng kasalanang nagawa ko sa taong ito..."
Naawa naman sa kanya si Rapmon kaya ibinigay nalang nya ang camera dito. "Wag kang mag-alala, mapapatawad ka rin nya I'm sure"
Maluha-luha namang napatingin sa kanya si Jimin. "Salamat Rapmon hyung"
Yun lang saka nya kinuha ang camera at naglakad paalis.
Pero...
Humarap sya sa salamin at nagsalita.
"Jimin..." He said dahilan para magkatinginan ang ibang ka-grupo. "Gusto kong humingi ng tawad sayo ng dahil sa sobrang pagiging gwapo mo. Sa abs mo palang alam kong nahihirapan ng huminga ang fans mo at lagi ka nalang napupunta sa mga panaginip nila. Sorry din at ipinanganak kang perfect at pinaka-gwapong myembro ng BTS. But...you don't have to really try hard. Ngumiti ka lang at marami ng hihimatying fans. Yun lang."
Saka nya madramang isinara ang camera at nag-moment muna na para bang yun na ang pinaka-mahirap na nagawa nya sa buong buhay nya.
At after nun ay nilingon nya ang mga kasama pero...
"Grabe..." Si Suga. "...magkano ba ang monthly na bayad sa mental hospital ha?"
"Oo..." Si Rapmon. "Kelangan na talaga nyang maipatingin sa specialist. Malala na sya eh"
"Wag kayong mag-alala. Sasabihan ko si Manager na magsagawa ng psychological test sa ating lahat. Mahirap magkaroon ng ka-myembro na baliw" si Jin.
Pero ngumiti lang si Jimin at nagpapogi pa na tumingin sa mga kasama.
"Eh bakit ba?"he said then smirk. "Totoo naman talagang ipinanganak akong perfect at ako ang pinaka-gwapong myembro ng grupong ito ah"*wink*
"Confirm. Nababaliw na talaga sya" si Suga saka hinawakan sa balikat si Rapmon. "Rapmon, tumawag ka na ng ambulansya. Kailangan na nyang maipatingin kaagad. Baka may chance pang gumaling sya"
"At bakit---" pero hindi naipagpatuloy ni Jimin ang sasabihin nang biglang agawin ni Taehyung ang camera na hawak nya. "Hoy Taehyung! Hindi pa ako tapos---"
"Tumahimik ka nga. May ico-confess din ako na kasalanan" ang sabi lang ni Taehyung saka binuksan yun at naglakad papunta sa nakaupong si Jungkook.
Nagkatinginan naman nun ang ibang ka-grupo nila.
Agad namang nagtaas ng mukha galing sa pagme-memorise si Jungkook at ang sumalubong sa kanya ay ang camera na yun na itinutok sa kanya ni Taehyung.
"Ano yun V hyung?" Ang takang tanong pa ni Jungkook.
For a long moment ay tinitigan lang sya ni Taehyung sa camera na yun and then he spoke.
"Jungkook..." He said in a serious tone. "...may kasalanan ako sayo"
Walang nagsalita sa kanila at mukhang naghihintay lang silang lahat sa susunod na sasabihin ni Taehyung.
At hindi din alam ni Jungkook kung bakit...
Kung bakit bigla nalang syang kinabahan sa kung ano man ang susunod na sasabihin ni Taehyung.
"A-ano naman yun hyung?" He asked.
But what he said next froze all of them.
"I'm in-love with your girlfriend..." He said in a clear and loud voice.
To be continued...