I Hate Kids

1035 Words
[Zyra's POV] Nakahalukipkip kong pinanood ang mga tauhan ko na nahihirapan sa pagbuhat ng mga bag na puno ng mga pera. It's ten in the morning. Umabot ako ng hating-gabi sa paglalaro kaya sa malapit na hotel ko na lang napagdesisyunang matulog. "Let's go!" Ignimus Castiel... I got his address and personal informations. I just need to call him this Saturday for the meeting. "Kung hindi ka sisipot, you know what will happen," I remember saying those words to him. Nakangiti lang siya habang nakakamot sa kanyang ulo. Puno ng dandruff? Yucks. "Sure, I'm always available," that was his reply before shrugging. He freaking lose millions and he acted as if he doesn't care at all... as if it's just a cent. Compared to the many opponents I encountered, he's different. "What are you planning to do with those money, Suviske?" Danilyn, the woman who gave birth to me asked with rounded eyes. Lahat ng mga members ng pamilya ko ay nasa porch, nagkakape at nagtatawanan. Natigilan lang sila dahil sa pagdating ko kasama ang mga tauhan kong nakaitim. Nakanganga silang lahat habang pinapanood ang mga tauhan ko na nagtutulungan sa pagbuhat ng mga duffel bags. Psh, parang mga hindi sanay. I'm like this almost everyday and yet, they needed to ask. "So I can play more games," I answered as I walked towards them with both of my hands inside my pocket. Agad na nagsiayos ng upo ang mga kapatid ni Colton, ang ama ko. I smirked darkly as I took a cookie from the table. "It was nice watching you fail yesterday," I said to my older cousin and it made him pale. Ang kanyang mga magulang ay naguluhan sa sinabi ko. "Oh, hindi niyo alam? Zero 'yan sa essay writing," turo ko kay Loid. Nalaman ko iyun dahil bumisita ako sa college campus ng school niya kahapon. "He plagiarized half of it and the other half was AI generated." Namutla siya sa sinabi ko. "Totoo ba, Loid?" Tumaas ang boses ni Myra, ang ina niya tsaka siya nilapitan. "Ba't mo naman ginawa 'yun?" Tanong ng Daddy niya. "College na pero 'di pa rin marunong gumawa ng essay. Bobo po kasi ang anak niyo," kibit-balikat kong sabi. "Suviske!–" "It's Zyra!" Malakas na sigaw ko kay Danilyn habang nakangisi. Sinamaan niya ako ng tingin pero binelatan ko lang siya at umalis na. "Seriously, Loid?!" Dinig kong sigaw ni Myra sa anak niya nung makalayo na ako. "Nakakahiya yang anak mo!" Sigaw ko bago pumasok na ng bahay. "Ay bobo!" Napasapo ako sa aking noo nung makita ang mga duffel bags sa salas na nakakalat. Tumingin ako sa mga tauhan ko at nakapeywang sila habang hinihingal. "Sinabi ko bang dito?! Sa third floor niyo ilagay!" Napapalunok sila bago dahan-dahang inabot ang mga bag. "Bilisan niyo!" . Bumuntong-hininga ako at napanguso habang pinagmamasdan ang kwartong punong-puno ng duffel bags. I can't remember how long I've been gambling. Three years old siguro o four? Psh, don't care. So, I've gathered almost a trillion... almost pa lang kulang na lang siguro ng isa o dalawang bilyon. Sa totoo lang, I don't care about money. There's more than just the money you win... well, hindi lang naman pera ang pwede mong panalunan. In gambling, there's a wide variety of prizes in front of you. "Anything else you need, Ma'am?" Umiling ako at agad na silang nagsilabasan ng kwarto ko. Hanggang tatlong palapag ang mansion at ang panghuling floor ay akin. The third floor is separated into three rooms; my bedroom, room for the money I won, and the last room is for... other things. I decided to take a nap, pambawi sa energy na binigay ko kagabi. Malapit nang mag-start ang panibangong school year kaya lulubos-lubusin ko na. I hate going to school and yet, I'm part of the Student Council Officers... the irony of that. I became the secretary because of the blood kin I possessed. Alas dos ng hapon ako nagising. Napataas ang kilay ko sa ingay na nagmumula sa first floor, specifically sa kitchen. Lumapit ako sa gitna ng bahay na kung saan tanaw ang second at first floor dahil sa hollow na design. "Hey everyone!" Malakas na pag-agaw ko sa kanilang atensyon. I chuckled when they all got silent. Pumangalumbaba ako sa railings dahil sa aliw nung makita ang inis sa kanilang mga mukha. "Oh, a visitor?" Nagsalubong ang mga kilay ko nung makita ang isang babaeng kaedad ni Danilyn. Dali-dali akong bumaba sa hagdan para matingnan nang mabuti ang itsura ng bisita. "You must be Zyra!" I smirked in amusement when she called me by my second name. I like her. "And you are?" "Samantha, I'm a close friend of your Mother." I stared at her intently. Simple lang ang kanyang pananamit pero makikita ko na mayaman siya dahil sa klase ng lipstick at pearl earring na suot niya. Well, I'm particular with jewelries and make-up myself. "It's nice to see you," I said genuinely but my cousins and aunts grimaced because of the innocence in my voice. "What brought you here? Did you just come to visit?" "I'm actually here to ask you and your family for a favor." Tinaas ko ang magkabilang kilay ko habang naghihintay sa mga kasunod niyang sasabihin. "Me and my husband are here because of various business matters. May bahay din kaming pinapatayo rito kaya for the mean time ay gusto ko sanang dumito muna ang anak ko." My eyes immediately squinted after hearing her. Anak niya? Oh please, I hate kids... actually, I despise them. "Oh, ayan pala siya." Lumingon ako sa entrance at napaawang ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang pagpasok ng pamilyar na bulto. "He's my son, Ignimus. Ignimus, meet Zyra, kinakapatid mo." No, he's not a kid... he's a f*****g baby! A baby inside of a twenty year-old body! Mas matatanggap ko pa kung toddler ang mananatili rito. "Kinakapatid?" "Yeah, inaanak ko siya." I heard Danilyn said with pure excitement. Nang tuluyan na siyang makalapit ay matalim na tinitigan ko siya habang nakangiti nang malapad. Oh, I remember... he's my slave. "Mom, she's the one that I've been talking about. The one I lost against at last night in the casino."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD