Chapter 42

1671 Words

HALOS KARARATING LANG nila Samantha mula sa Caloocan dahil nakausap nila ang isa sa mga naging katrabaho ni Lily at nalaman nila na tumira ito sa Caloocan noong umalis ito bilang isang saleslady. Nakita nila ang tinirahan ni Lily sa Caloocan pero hindi alam ng may-ari kung saan lumipat si Lily noong umalis ito. May nabanggit lang ang may-ari ng bahay na may kasama itong dalawang bata at madalas na naiiwan ang mga bata sa bahay ng walang kasamang nakakatanda sa mga ito. Nalaman nila na naging tindera sa isang canteen si Lily habang nasa Caloocan ito. Pinuntahan din nila ang Canteen na pinasukan nito pero wala ideya ang mga dating kasama nito kung saan ito lumipat. Dalawang buwan lang daw namalagi si Lily sa Canteen dahil naliliitan ito sa kinikita at hindi daw kasya para sa mga anak nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD