“TATAY, OKAY KA lang ba talaga?” nag-aalalang tanong niya. Kasalukuyan nilang hinihintay ang pagkain nila dahil nagpasya siyang pumunta muna sa isang mall para makakain sila ng kanyang ama. Dapat ay sa restaurant niya sila pupunta pero dahil medyo malayo pa ang byahe nila ay sa isang mall na lang sila pumunta. “Okay lang ako anak, napagod lang ata ako sa sunod sunod na biyahe natin” “Bukas magpahinga muna tayo ha, sa isang araw uli tayo umalis” Sumang-ayon naman ang kanyang ama, ikinuwento na din niya ang nakuha niyang impormasyon tungkol sa Salon maliban sa lalaking sumusunod kay Lily. Malakas ang kutob niya na ang lalaking kapitbahay ni Lily at ang sumusunod sa dito ay iisa. “Hi Sam, Hi Tito Abel” nahinto siya sa pag-iisip nang bigla na lang may bumati sa kanila at laking gulat n

