TULAD NG NAPAG-USAPAN nila kahapon ay hindi muna sila lumakad ngayon araw para makapagpahinga ang kanyang ama. Halos nasa silid lang ito dahil sa pagod at gusto lang daw magpahinga, maya’t maya niyang sinisilip ang kanyang ama sa silid nito para siguraduhin na maayos itong natutulog. Binilhan niya ng aircon ang kanyang ama para maging kumportable ito sa pagtulog. Mag-isa lang siyang nanahi ngayon dahil umalis din si Pierre dahil meron uli itong meeting ngayon kaya siya lang ang nagtatapos ng mga tahi nila. Hindi na masyadong marami ang gawa nila sa patahian dahil hindi na muna sila tumatanggap ng mga patahi dahil sa naging abala na sila sa paghahanap sa kanyang kapatid. Ang sabi ng kanyang ama ay tatapusin lang nila ang ginagawa nila at pagkatapos buong atensyon na silang maghahanap sa

