SA GITNA NG pagtulog ni Samantha ay bigla na lang siyang nakarinig ng kaluskos, sa halip na tumayo ay pinakiramdaman muna niya ang kanyang naririnig bago lumabas ng silid niya. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng kanilang pinto, nang maramdaman niyang wala na yung kaluskos na naririnig niya ay dahan-dahan siyang sumilip mula sa kanyang silid, tiningnan muna niya ang kabuuan ng buong bahay kung merong tao o wala. Nang masigurado niya na walang tao ay tsaka siya tuluyang lumabas ng silid, agad siyang nagtungo sa silid ng kanyang ama para siguraduhin na maayos ito pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita niyang walang tao sa higaan nito. Agad niyang binuksan ang bintana ng silid ng kanyang ama dahil meron siyang narinig na tila naglalakad at nakita niya ang kanyang ama na nagmamad

