NAGISING SI ALEX nang maramdaman niyang tila meron siyang katabi sa higaan. At ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Angela na nakayakap sa kanya. Hindi niya alam kung kanina pa ba niya ito katabi. Dahan dahan siyang kumilos, tinanggal niya ang kamay nito na nakayakap sa kanya at binuhat pabalik sa kama nito. Inayos din niya ang kumot nito bago siya bumalik sa kanyang higaan. Hindi na siya makabalik sa kanyang pagtulog kahit anong posisyon ang gawin niya kaya nagpasya na lang siyang bumaba muna para uminom ng alak dahil ala-una pa lang ng madaling araw. Nakakailang bote na siya pero pakiramdam niya ay hindi pa din siya inaantok, nang tinangnan niya uli ang orasan niya ay halos isa’t kalahating oras na pala siyang umiinom kaya nagpasya na siyang bumalik sa kanyang silid pero bigl

