HALOS MAGWALA SI Lily habang kinukuha ito ng mga tauhan ng center na pagdadalhan dito, naging mabilis lang ang proseso ng pagkuha kay Lily dahil may koneksyon si Pierre kaya kinabukasan ay agad silang bumalik sa Novaliches para sunduin ito. Hindi naman maiwasang maiyak ng mga magulang ni Lily dahil sa pagwawala nito habang sinasakay ito sa strecher. Ang kanyang ama na lang ang sumama sa center at nagpaiwan naman sila ni Pierre sa mga magulang ni Lily para damayan muna ang mga ito. “Mamimiss ko ang anak ko” umiiyak na sabi ng ina ni Lily. “Pwede niyo po siyang dalawin para kahit papano ay makamusta niyo siya” nakangiting sabi niya. “Pero malayo, matanda na kami para bumyahe” sabi naman ng ama ni Lily. “Huwag po kayong mag-aalala dahil pwede po namin kayong samahan kung gusto niyo

