“WHAT ARE YOU doing here Sam?” agad na tanong niya paglapit niya dito. Umupo agad siya sa tapat nito. “Alex?” gulat na sabi nito. “Are you okay?” Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito. “What do you mean?” kunot noong tanong nito. “I saw you na parang sumasakit ang ulo mo” totoo ang pag-aalala niya dito pero ayaw niyang ipahalata iyon dahil gusto niyang maramdaman nito na galit siya. “I’m okay Alex, pagod lang ako” “Where is Pierre, bakit wala siya dito?” may pag sarkastikong tanong niya. “He’s busy” Napansin niya na paunti-unti na itong nag-aayos ng gamit. “Busy? Hindi ka man lang niya bigyan ng panahon para samahan dito” nakangising sabi niya. Nakita niya ang pagtaas ng isang kilay nito. “And so, kahit hindi niya ako bigyan ng panahon para lang samahan dito atleast narara

