“TATAY ABEL, OKAY ka lang po? Where is Sam?” “Pumunta muna sa Manila para tingnan yung construction ng isa niyang restaurant” “Bakit hindi siya nagsabi sa akin para sana masamahan ko siya?” “Ang alam niya ata may ginagawa ka e, kagabi ka pa niya hinihintay” “Babalik sana ako dito kagabi para tapusin ang ibang tahi pero nakatulugan ko na kaya ngayong umaga na uli ako nakabalik” sabi niya. “Pero bakit niya ako hinihintay?” nagtatakang tanong niya. “Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa paghahanap ko sa kapatid niya” sabi nito sa halip na sagutin siya. “What did he say?” “Gusto niyang tumulong sa paghahanap para daw mapadali ang paghahanap kay Lilibeth” “And?” tanong niya uli na parang may gusto pa siyang marinig. “Pumayag ako sa gusto niya basta ang kondisyon hindi siya dapat uma

