Chapter 2

1613 Words
PAGKATAPOS NGA NG meeting nila sa isang supplier ay agad siyang naghanda para hindi maghintay si Alex sa kanya. Wala pang limang minutong pag-aayos ay nakarinig na siya ng katok sa kanyang opisina. “Come in” sabi nito para papasukin ang kumakatok. “Hi Ma’am Samantha” bati sa kanya ni Rebecca. “Rebecca, I told you wag mo na akong tawaging ma’am diba? Pamilya na turing natin sa isa’t isa” “Hindi kasi ako sanay e, ilang taon din ako tumatawag sa’yo ng ganoon” nakangiting sabi nito. Apat na taon niyang naging bodyguard si Rebecca pero mula nang malaman ng kanyang ama na sinusulsulan niya si Rebecca para makaalis sila ni Pierre (ang kanyang dating kasintahan na kasalukuyang nasa kulungan) ay tinanggal ito bilang bodyguard at si Alex ang pumalit na bodyguard niya. “Hindi ka talaga masasanay kapag hindi mo sinumulang sanayin ang sarili mo” Pero dahil sa pagtulong ni Rebecca noong na-kidnap siya ay pinatawad siya ng kanyang ama at muling ibinalik bilang bodyguard pero hindi na para sa kanya kundi para kay Alex dahil mas kailangan nito si Rebecca ngayon. “Fine, fine, sasanayin ko na” nakatawang sabi nito. “By the way, nasa baba na si Alex, hindi na siya naka-akyat dahil biglaang may tumawag sa kanya kaya ako na sumundo sa’yo. Kunin ko na din ang susi ng sasakyan mo dahil sabay na daw kayong uuwi” sabi nito. “Okay” maikling sagot lang nito at agad na ibinigay ang susi kay Rebecca. “Uuwi ka na ba agad? Hintayin mo na kaya si Loisa para may kasabay siyang umuwi” Magkakasama pa din sila sa mansyon dahil hindi pumayag ang kanyang ama na mag-solo ang isa’t isa lalo na’t malaki naman ang mansyon at may sapat na silid sa isa’t isa. Si Rey lang ang nakabukod sa kanila dahil sa ospital ito nagtatrabaho at kailangan nitong mas malapit sa ospital manirahan para kapag may biglaang tawag ay mabilis itong makakarating. Pansamantala namang nagbabakasyon si Agnes sa probinsya dahil gusto nitong hanapin ang magulang nito dahil nakatanggap ito ng impormasyon tungkol sa magulang nito. Hindi nila alam kung kelan ito ang babalik. Si Andres naman ay nagdesisyong mag-aral uli ng ibang kurso dahil hindi nito nagustuhan ang una nitong kurso. Pinag-aaral ito ng kanyang ama at bilang kapalit ay nagpatuloy ito sa pagiging hardinero sa mansyon. Noong una ay ayaw pumayag ng kanyang ama na maging hardinero ito dahil parang anak na din ang turing nito kay Andres pero mapilit si Andres dahil nahihiya ito kung wala daw itong gagawin kapalit ng pag-papaaral dito. “Okay, sige hintayin ko na lang siya” sagot ni Rebecca. “Thank you, baba na din ako” pagpapaalam niya dito. —————— —————— DINALA SIYA NI Alex sa isang restaurant sa BGC, buong byahe ay pinag-uusapan lang nila ang tungkol sa mga negosyo, sa restaurant niya at sa construction company ni Alex. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang ilangan nila, hindi niya alam kung bakit kung kailan maayos na sila at wala ng hadlang sa kanila ay tsaka naman parang hindi nila masabi sa isa’t isa ang nararamdaman nila. “What food do you want Sam?” tanong ni Alex na nakaupo sa tapat niya. Hanggang ngayon ay iba pa din ang dating sa kanya sa tuwing tinatawag siya nito ng Sam at hindi niya alam kung bakit. Bumuntong hininga muna siya. “I think, steak and carbonara” “Okay” Agad itong nagtawag ng waiter para maka-order ng pagkain. “You’re having a dreams again Sam?” nag-aalalang tanong nito. Tumango tango siya. “Yes, same dreams everynight” “Halata na sa mukha mo yung puyat mo” Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagkailang dahil sa sinabi nito. “Medyo nahihirapan akong makabalik sa pagtulog kapag nagigising ako e” “You want to consult a doctor? Gusto mo puntahan natin si Rey?” Umiling iling siya. “No Alex, no need, I’m okay. Sabi nga ni Loisa baka kaya lagi kong napapanaginipan yun kasi baka pinipilit kong alalahanin kung ano ang kinalaman ng panaginip na yun sa past ko?” patanong na sabi niya. Nakita nito ang pagtango nito. “Make sense, baka nga Sam” Nang dumating na ang kanilang pagkain ay nagsimula agad silang kumain at halos hindi sila nag iimikan dahil abala sila pareho sa pagkain. May paminsan-minsang tanong si Alex tungkol sa restaurant lalo na sa isang branch na hanggang ngayon ay itinatayo pa din. “Are you done Sam?” tanong nito nang mapansin nitong inayos na niya ang kanyang kubyertos. “Yes” Pagkatapos magbayad ni Alex ay agad siya nitong niyaya para lumabas ng kainan. Ang akala niya ay uuwi na sila dahil wala naman itong nabanggit na may pupuntahan pa sila pero nagulat siya nang bigla silang pumasok sa parking ng isang pamilyar na condo kaya nagkaroon na siya ng idea kung saan sila pupunta. —————— —————— NAGULAT SIYA NANG makita ang ayos ng rooftop na tinatambayan nila dati sa tuwing kailangan niyang na mag relax. Nakita niya ang mga petal na nakakalat daanan papunta sa mini living area kung saan sila madalas mag-inuman dati ni Alex. Binalingan niya ng tingin sa likod si Alex para tanungin ito pero nagulat siya nang bigla siya nitong abutan ng isang boquet na bulaklak. “W..what is the m..m..meaning of this?” nauutal na tanong niya. “You don’t want the flower?” tanong nito sa halip na sagutin siya. Kinuha niya ang bulaklak at inalalayan siya nito na maglakad papunta sa sofa at nagpatianod naman siya kahit na naguguluhan kung ano ang ginagawa nito. “What is this Alex?” tanong muli niya nang makaupo na siya sa sofa. Kumuha ng pang-isahan upuan si Alex at umupo sa tapat niya, tumikhim muna ito bago nagsalita. “Gusto ko lang maging special ang araw na’to” Napakunot ang noo siya. “Alam mo naman hindi ako marunong manligaw diba?” nahihiyang tanong nito. “Hindi ko alam?” patanong na sagot niya dahil hindi niya talaga alam. Bumuntong hininga ito at kitang kita niya ang kaba nito. “Okay Sam, you know courting is not my thing, as in never pa akong nanligaw…” pagsisimula nito habang nakatingin sa kanya. “…and hindi ko pa din kayang manligaw hanggang ngayon. Ilang araw na akong nag-iisip kung paano kita kakausapin, kung ano ang sasabihin ko sayo kasi feeling ko din na naguguluhan ka sa status natin” bahagya itong ngumiti. Gusto niyang ngumiti dahil nakikita niya sa mukha nito ang labis labis na kaba kaya pinipigil niyang ngumiti dahil ayaw niyang masira ang mga sasabihin nito. “So, kinausap ko na lang sila Dad, at mga kaibigan mo tungkol sa panliligaw na gagawin ko sayo pero mukhang hindi ko talaga kayang manligaw. Hanggang sa makausap ko si Loisa at sinabi niyang bakit kailangan pang manligaw kung malinaw naman na pareho tayo ng nararamdaman” “So?” tanong niya nang mapansin na tila hindi na nito alam ni kung ano ang sasabihin. “So, Sam, can you be my girlfriend?” biglang tanong nito. Inaasahan na niya ang tanong na iyon lalo na’t sinabi ni Loisa na kahit hindi na ito manligaw pero nakaisip siya ng pang-asar dito. Bumuntong hininga siya bago sumagot. “Hmm.. Gusto ko kasing maranasan yung ligawan ako tulad dati e” seryosong sabi niya dito. “O..okay lang sa akin, pwede ko namang gawin yun kung yun kung yun ang gusto mo e, gagwin ko yun” “Really, gagawin mo yun?” “Yes, I will do everything to you para lang sagutin mo ako” nakita din niya ang pagiging seryoso nito. “Gagawin mo talaga yun kahit na alam mong hindi ka marunong manligaw?” “Yes, anything for you Sam. Napag-aaralan naman yun diba?” “You really like me?” kunot noong tanong niya dito. “Yes, I really like you. Hindi ko man maamin dati pero gusto na kita, kahit kayo pa ni Pierre gusto na kita, kahit na sinusungitan mo ako...” “Wait! Ako ang masungit? Parang ikaw naman yun” putol niya sa sinasabi nito. Kumunot ang noo nito. “Ang alam ko ikaw ang masungit sa atin” “No, ikaw ang masungit dahil gusto mo ikaw ang nasusunod” “No Sam, ikaw dahil lagi mo akong sinisigawan” “Sinisigawan kita kasi nga ang cold mo at gusto mo kung ano ang sabhin mo gagawin ko agad” “Kasi trabaho ko protektahan ka” “No… kasi ayaw mong pinangungunahan kita” “No Sam..it’s about work” pagalit na sabi nito. Bigla siyang natawa dahil sa reaksyon nito. “What’s so funny?” pagtatakang tanong nito. “You know what, gusto lang kitang asarin kanina pero hindi ko alam na mauuwi sa sagutan yung mangyayari” “What?” kunot noong tanong nito. “Tungkol sa tanong mo, if I want to be your girlfriend?” patanong din na sabi niya. “You know what tama naman si Loisa e, magpapa-hard-to-get pa ba ako sayo. E ilang beses na ba tayong nag-kiss” nahihiyang sabi niya. Nakita niya ang pagkagulat nito. “You mean, sinasagot mo na ako?” Dahan-dahan siyang tumango. “Yes Alex” nakangiting sagot niya. Agad siya nitong niyakap.. “Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Baby girl” sabi nito habang nakayakap sa kanya. “I Love you Sam” “I love you too, Alex”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD