MULI NA NAMANG nagising si Samantha dahil sa panaginip niya at dahil wala ng tubig ang lagayan niya ay bumaba uli siya sa kusina para kumuha ng tubig.
Mukang kailangan ko na talagang maglagay ng mini ref sa room ko.
Nagulat siya nang may makitang anino sa kusina, nakaramdam pa siya ng takot dahil alanganing oras na at alam niyang tulog na ang mga tao sa mansyon. Nagdahan-dahan siya sa paglalakad para hindi siya mahalata kung sino man ang nasa kusina.
Napabuntong hininga na lang siya nang makilala n kung sino ang nagma-may-ari ng anino na iyon.
“Alex”
Nakita din niya ang gulat sa mukha nito. “Baby girl, what are you doing here?”
Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang sagutin niya si Alex pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya sanay na tinatawag siya nitong Baby Girl at hindi siya nito pinipilit na ganoon din ang tawag niya dito.
“Kukuha ako ng tubig kasi naubusan na naman ako. Ikaw, anong ginagawa mo dito?”
“Making coffee” nakangiting sagot nito.
“Alanganing oras na nagkakape ka pa?”
“I need this, marami akong ginagawa e” malambing na sagot nito.
“Busy?”
“Yeah, may presentation ako the next day”
“Kailangan mo pa din magpahinga” may pag-aalalang sabi niya sa kanyang kasintahan.
“I know baby girl, don’t worry” nakangiting sabi nito.
Nagulat siya ang kinuha nito ang lagayan niya ng tubig at inalalayan siya nitong umupo sa isang upuan sa kanilang hapag-kainan. “Let me refill your tumbler” nakangiting sabi nito.
“Thank you”
“Did you dream again?” tanong nito habang naglalagay ng tubig.
“Yes”
“Gusto mo ba pumunta tayo kay Rey?”
Bumuntong hininga siya bago sumagot. “I don’t know kung doctor ba ang kailangan ko ngayon or psychiatrist”
Umupo ito sa katabi niyang upuan nang matapos itong maglagay ng tubig. “Why psychiatrist?” nagtatakang tanong nito.
Napanguso naman siya bago sumagot. “What if, may something sa utak ko?”
Kinuha nito ang kanyang dalawang kamay bago nagsalita. “Baby Girl, don’t say that. Alam mo naman na kelan lang din bumalik yung alaala mo diba? For sure malalaman mo din kung bakit mo napapanaginipan iyon”
“I don’t know Alex, minsan iniisip ko kung napa-paranoid na ba ako at baka binibigyan ko na lang ng meaning lahat ng napapanaginipan ko”
“Maybe yes, maybe no, we don’t know. Pero please stay calm, don’t think too much para makapag-relax din ang utak mo, please?”
“I’ll try, I will try” nakangiting sabi niya.
Ngumiti din ito sa kanya at hinalikan ang kanyang kamay.
——————
——————
KINABUKASAN AY MAAGA uli siyang nagising kahit na puyat pa din siya.
“Good morning everyone!” bati niya sa mga taong nasa hapag-kainan.
“Good morning Samantha, ang aga mo atang nagising ngayon” tanong ni Loisa na kasalukuyang kumakain.
Humalik siya sa pisngi ng kanyang ama bago umupo. “Nahirapan na naman akong makatulog nang magising ako kaninang madaling araw”
“Nananaginip ka pa din Samantha?” tanong naman ni Andres na katabi ni Loisa.
“Yes, sobrang weird talaga ng panaginip ko na yun na paulit ulit na lang pumapasok sa utak ko”
“Ilang linggo mo nang napapanaginipan yan ha” sabi ng kanyang ama na halata ang pag-aalala sa boses at mukha.
“Yes Dad, I don’t know kung ano ang kailangan kong gawin para hindi ko na mapanaginipan yun”
“Good morning Guys!”
Magsasalita pa sana ang kanyang ama pero hindi na iyon natuloy nang biglang dumating si Alex.
“Good morning Baby Girl” personal na bati nito sa kanya na ikinahiya niya.
Kahit na alam na sa buong mansyon ang relasyon nila ay nahihiya pa din siya tuwing nagiging malambing sa kanya si Alex dahil hindi pa siya sanay kaya mas lalo siyang inaasar ni Alex kapag alam nitong kumpleto sila sa mansyon.
“Good morning din” mahinang niya dito.
“Bakit parang puyat ka din Alex?” agad na tanong ng kanilang ama dito.
Si Alex ang tunay na anak ng ama-amahan niya pero dahil sa pagkawala ng kanyang alaala dati ay inakala niyang ito ang tunay niyang ama kaya kahit na nakaalala na siya ay ayaw ng kanyang ama-amahan na umalis siya at humiwalay sa kanila.
Sa una ay naiilang pa siya na dalawa sila ni Alex na tumatawag na Daddy sa kanilang ama hanggang sa nakasanayan na lang niya. Kahit sila Loisa, Andres at Agnes ay sinabihan ng kanyang ama na Daddy na lang ang itawag sa dito pero hindi naman sanay ang mga ito kaya Tito Tonny na lang ang tawag ng mga kaibigan niya dito.
“May mga tinapos akong documents para sa presentation ko bukas” sagot ni Alex.
Kung dati ay umuupo ito sa tapat niya, mula noong naging opisyal na sila ay katabi na niya itong umupo sa hapag kainan.
Naningkit ang mata ng kanilang ama. “Hindi naman kayo pumunta sa kwarto ng bawat isa?”
“No Dad” mabilis na sagot niya.
Kahit nasa iisang bahay sila ay sinabihan sila ng kanilang ama na hindi sila pwedeng pumunta sa silid ng bawat isa maliban na lang kung may kasama silang iba.
“Good, let’s eat” nakangiting sabi ng kanilang ama.
——————
——————
“HOW ARE YOU Pierre”
Pagkatapos nilang mag agahan ay nagkanya-kanyang alis na sila para mag-trabaho. Hindi na sumabay si Loisa sa kanya dahil dadaanan pa nito ang isang branch ng restaurant na pinapagawa niya. Hindi na din siya nahatid ni Alex dahil may kikitain pa itong tao sa ibang lugar, at si Andres naman ay mamaya pa ang pasok sa eskwelahan kaya naiwan ito sa mansyon para magtrabaho.
Bago pumasok ay naisipan muna niyang dalawin ang kanyang dating kasintahan na kasalukuyang nakakulong.
“I can’t say I’m good, pero I’m adjusting” sagot nito.
“Dad will do his best para makalabas ka ng mas maaga dahil tinulungan mo silang iligtas ako” nakangiting sabi nniya.
Bahagya itong ngumiti. “Pero may part pa din ako sa panloloko sa’yo”
“Ginamit ka lang nila Pierre”
“Ginamit man ako o kusa kong ginawa iyon, part pa din ako sa plano na yun”
“Pierre, don’t say that. Alam ko naman sa sarili ko kung gaano ka kabuting tao e, naimpluwensyahan ka lang ng taong nasa paligid mo”
“Thank you Samantha, how I wish na mas pinili kita keysa kay mommy” ramdam niya ang panghihinayang nito.
Hinawakan niya ang mga kamay nito. “Everything has a reason Pierre, kung bakit nangyayari ang lahat” nakangiting sabi niya.
Gumanti ito ng hawak sa kanya. “But I can’t find the reason kung bakit hindi ikaw ang pinili ko”
“Pierre, magiging maayos din ang lahat”
“Kapag naging maayos ba ang lahat, magiging maayos din tayo?” mahinang tanong nito.
Nabigla siya sa biglaang tanong nito, unti-unti niyang binawi ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni nito.
“Pierre, kami na ni Alex” mahinang sabi niya.
Nakita nito ang pag ngisi nito. “Hindi na ako magugulat kung kayo na”
“What do you mean?” nagtatakang tanong niya.
“The first time I saw him, I already knew that he is interested to you. Pero pilit niyang tinatago iyon sa tuwing magkasama kayo”
Napakunot-noo siya. “That’s impossible Pierre, dahil mainit ang dugo niya sa akin dati”
“Maybe you’re right, pero hindi nakaligtas sa akin ang bawat tingin niya sa’yo. The way he looked at you, the way he touched you…”
Bigla niyang naalala kung paano niya kinumpara ang paghawak sa kanya ni Pierre at ni Alex.
“…sinabi ko lang dati na mas mapapanatag ang loob ko dahil lalaki na ang bodyguard mo, dahil mas mapagtatanggol ka niya pero deep inside hindi ko gusto yung idea na may nakabuntot sayo’ng lalaki maliban sa akin” bahagya itong ngumiti. “Pero ano ang magagawa ko dahil yun ang gusto ng Daddy mo”
“I’m sorry Pierre”
“It’s okay Samantha, hindi mo kailangang humingi ng sorry dahil nakapante ako sa pagmamahal mo sa akin” bahagya uli itong ngumiti. “At ako ‘tong gago na pinakawalan ka”
“No Pierre, baka nasa maling situation lang tayo”
“I have a choice Samantha, pero hindi kita pinili. Kaya ang tanga tanga ko at ngayon ay naagaw ka na sa akin”
Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.
“I’m sorry Pierre”
“I said no Samantha” kinuha muli nito ang kamay niya na binawi niya kanina. “Masaya ako for you dahil nakikita ko kung paano ka aalagaan ni Alex, pero kung sakali man…” bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. “…kung sakali mang magkamali si Alex, hindi ako magdadalawang isip na agawin ka sa kanya” seryosong sabi nito.