Chapter 4

1869 Words
“SAMANTHA, ARE YOU okay?” tanong ni Loisa nang pumasok ito sa kanyang opisina. “Mula pagdating mo kanina parang ang lalim na ng iniisip mo” Bumuntong hininga siya bago nagsalita. “I really don’t know Loisa, hindi ko alam kung ano ang iniisip ko, pero pakiramdam ko may kulang e, pakiramdam ko meron akong dapat hanapin” naguguluhang sagot niya. Nakita niya ang pagkunot noo nito. “What do you mean?” nagtatakang tanong nito. Umiling ilig siya. “I really don’t know Loisa” “You know what this past few days sobrang weird mo” “I know Loisa, kahit ako napapansin ko yun. Pakiramdam ko kasi may kulang talaga e” “Ano nga yun?” pangungulit ni Loisa. Umiling-iling uli siya sa kanyang kaibigan. “Hindi ko talaga alam” “Pero masaya ka sa kung anong meron ka ngayon diba?” “I am happy Loisa, sobrang happy ako” sagot niya. “Parang may kulang lang talaga na hindi ko alam” “Imposible namang hinahanap mo si Tita, alam mo namang matagal na siyang wala…” biglang nanlaki ang mata ni Loisa na tila may naalala o may naisip. “…what about your Tatay? Hindi kaya hinahanap mo ang Tatay mo?” tanong nito. Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito, hindi din niya alam, kung bakit hindi niya man lang naiisip ang kanyang tunay na ama, kung buhay pa ba ito o wala na din tulad ng kanyang ina at wala din siyang ideya kung nasaan o ano ang pangalan nito. “I don’t know Loisa kung yan ang hinahanap kong kulang pero pag-iisipan ko” seryosong sabi niya. —————— —————— “WHY SO EARLY Hija?” tanong ng kanyang ama pagdating niya sa mansyon. Isang oras pagkatapos niang mag-usap ni Loisa ay umuwi na agad siya dahil hindi siya makapag-pokus sa trabaho at tila may gumugulo sa isipan niya. Pagdating niya sa mansyon ay agad niyang hinanap ang kanyang ama na kasalukuyang nasa Study Room. “Are you busy Dad?” tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito. “Hindi naman, may mga binabasa lang akong documents but it can wait. Why?” baling nito sa kanya. Umupo siya sa isang upuan na nasa harapan ng lamesa ng kanyang ama. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. “Hmm…Dad, kilala mo ba ang Tatay ko?” Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. “I don’t know him personally even the name, why Samantha?” pagtatakang tanong nito. “These past few days kasi Dad I feel incomplete, I don’t know kung saang part ng buhay ko or kung bakit ko siya nararamdaman, pero pakiramdam ko may kulang sa buhay ko. Masaya naman ako Dad, masaya akong kasama ko kayo, masaya ako dahil may tinatawag akong pamilya, pero may kulang talaga Dad e. Kung sakaling mahanap ko si Tatay, baka sakaling malaman ko kung ano ang kulang” paliwanag niya. Kinuha nito ang kanyang mga kamay at bumuntong hininga bago nagsalita. “I don’t know kung paano ako makakatulong sa’yo Samantha pero walang problema sa akin kung hahanapin mo ang Tatay mo, it’s your rights…” muli itong bumuntong hininga. “…ilang araw ko na ding napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo. Ayaw naman kitang pangunahan dahil gusto ko ikaw ang kusang mag-share ng nararamdaman mo” “Thank you Dad, thank you for understanding me. You always understand me” nakangiting sabi niya. “Anything for you Hija” nakangiting sabi nito. “If you want to know about your Tatay, baka may alam ang mga nasa ampunan” “Thank you Daddy” —————— —————— PAGKATAPOS MAKIPAG-USAP SA kanyang ama ay pumunta agad siya sa kanyang silid para magpahinga nang biglang may kumatok sa kanyang pintuan. “Samantha, andito yung mga kaibigan niyo sa Batangas. Hindi ko sila kilala pero kilala kayo ni Alex” sabi ni Manang Letty. Napakunot noo siya dahil iniisip niya kung sino ang tinutukoy ni Manang Letty kaya bumaba na lang din siya para malaman niya kung sino iyon. Laking gulat niya nang makita si Amanda, Morgan, at Mike. “Kailan pa kayo nandito?” tanong niya sa mga ito. Mga kaibigan ito ni Alex na naging kaibigan na din niya noong nanirahan siya ng ilang araw sa Batangas kasama si Alex. “Well, last week pa, naging busy lang kami kaya ngayon lang kami nakadalaw” maarteng sabi ni Morgan. Hindi pa din nagbabago ang pagiging maarte nito sa pagsasalita. “For good na ba kayo dito?” “Kami ni Morgan for good na dito, pero si Amanda mag-mimigrate na sa Canada” si Mike naman ang sumagot. Napansin niya na mas gumanda ang pangangatawan ni Mike kumpara noong nasa Batangas pa sila. Alam niya na nagpaparamdam ito sa kanya noon pero na kay Alex na ang atensyon niya noong panahon na iyon. “Sino kasama mo sa Canada, Amanda?” baling niya dito. “My parents, they decided na sa Canada na kami so kailangan kong sumama sa kanila para maging mabuting anak ako” natatawang sagot nito. Si Amanda naman ay mas lalong gumanda, alam niya na patay na patay ito kay Alex at nahuli pa niya ang dalawa na naghahalikan, at nahuli din niya ang mga ito na muntik ng may mangyari sa dalawa kung hindi sila dumating ni Mike. Pero pinutol na ni Alex ang ugnayan nito kay Amanda at matalik na magkaibigan na lang ang dalawa. “Pero dadalaw-dalaw ka pa din dito for sure?” tanong niya uli dito. “Well, I’m not sure. Marami akong planong gawin sa Canada kaya for sure magiging busy ako” mataray na sagot nito na kinasanayan na niya. “You know what Sis…” baling sa kanya ni Morgan. “…niyayaya niya ako sa Canada but I need to reject her” “Bakit ayaw mong sumama sa kanya?” “Baka kasi madevelop to sa akin, alam mo na hopeless romatic ang Sis ko” natatawang sabi nito. Magtatanong pa sana siya nang biglang dumating si Alex na ikinagulat niya at halatang kakarating lang din nito. Ibig sabihin ay maaga din itong umuwi ngayong araw. “Hey Bro” bati sa kanya ni Mike. “Hi Alex” maarteng bati ni Morgan na may pagyakap pa kay dito. Ngumiti lang naman si Amanda kay Alex at gumanti din ito ng ngiti. “Kala ko mamaya ka pa darating e, kidnapin na namin to si Samantha” sabi ni Morgan. Napakunot-noo naman si Alex. “Kidnapin? Saan mo naman dadalhin to?” tanong nito at bigla siya nitong inakbayan. “Sa bar” si Amanda ang sumagot. “Buti na lang napaaga ang uwi ko at balak niyo pang painumin si Sam” “Sumama ka na din since nandito ka na” yaya ni Mike dito” “No, no, no… not now, may presentation ako tomorrow” tanggi ni Alex sa mga kaibigan nito. “KJ mo naman friend” sabi ni Morgan. “Maybe this weekend?” “How about friday night? Look aalis na si Amanda ng Saturday night” sabi ni Mike. Napansin niya na tila hindi nagulat si Alex sa sinabi ni Mike. Siguro ay alam na nito ang tungkol sa pag-alis ni Amanda. Tinawag sila ni Manang Letty nang tapos na ang meryendang hinanda nito, lahat naman sila ay nagpuntahan sa hapag-kainan. Pagkatapos kumain ay nauna nang umalis si Amanda at Morgan dahil meron pa daw kailangang puntahan ang dalawa. Nag-alok din ng kape si Manang Letty sa kanila at kasama na din nila ang kanilang ama na kababa lang galing sa Study Room nito. “Alex!!!” Sabay-sabay silang napalingon dahil sa tawag ng isang babae. “Angela?” rinig niyang sinabi ni Alex at nang tingnan niya ito ay nakita niya ang pagkagulat nito. “Sir, sorry po bigla na lang siyang pumasok dahil kilala ka daw niya sabi ko tatawagin po kita pero nagpumilit pumasok” sabi naman ng guwardiyang naka-toka sa tarangkahan. Hindi niya alam kung may nagpaalis ba sa guwardiya dahil bigla na lang itong lumabas dahil nakatitig lang siya sa babaeng pumasok. Namangha siya sa ganda ng babae, sobrang puti, balingkinitan ang katawan, mahaba ang kulay brown nitong buhok at maliit ang mukha. Para itong isang modelo. “What are you doing here?” tanong ni Alex. Hindi man niya ito lingunin ay ramdam niya na kinakabahan ito. Ngumisi ang babae kay Alex. “What the f**k Alex? Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot” ramdam niya ang galit nito. “Let’s talk outside…” akmang hahawakan na ni Alex ang babae sa braso nang muli itong magsalita. “No Alex, let’s talk here” matapang na sabi ng babae. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kaba sa gustong sabihin ng babae sa kanila. Ngayon niya lang nakita ang babae at kahit ang pangalan nito ay ngayon niya lang narinig. “You knew that I am waiting, pero ni tawag hindi mo ako matawagan at hindi mo din sinasagot ang tawag ko. You said na one month ka lang mag-stay dito dahil gusto mo lang paalisin ang nagpapanggap mong kapatid…” Nanlaki ang mata niya dahil sa kanyang narinig. “…then babalik ka sa US and then magpapakasal tayo…” Hindi niya maintindihan kung ano ang nararamdaman niya ngayon. “…how dare you na paghintayin ako and how dare you to block me. I keep on calling you to tell you than I am pregnant…” Pakiramdam niya ay nanghihina ang kanyang mga tuhod at malapit na siyang tumumba mula sa kanyang kinatatayuan. “…we’re having a baby Alex” malumanay na sabi ng babae. “H..how come?” mahinang tanong ni Alex. Parang bigla siyang natauhan sa panghihina niya nang biglag sampalin ng babae si Alex. “How come? You are asking me, how come?” nanggigil na sabi ng babae. “E araw-araw laging may nangyayari sa atin at may nangyari din sa atin last month noong huling dalaw mo. At wag na wag mong sabihin na hindi sa’yo to, dahil alam mong sa’yo lang ako pumapayag na gawin ang bagay na yun” pagalit na sabi nito. Last month? Pumunta ba ng US si Alex? “Miss I am the father of Alex, can we talk in my Study Room? Alex come with us” malumanay na sabi ng kanilang ama. Agad namang sumunod ang babae sa kanilang ama. At hanggang ngayon ay hindi pa din niya tinitingnan ang kanyang kasintahan. “Sam” “Follow them Alex” walang emosyong sabi niya dito. “Sam, please” humarap ito sa kanya. “Alex, please, lets talk later” malamig niyang sabi. “Okay, okay…” niyakap siya nito pero hindi siya gumanti ng yakap dito. Naramdaman niya ang paglapit ng bibig nito sa kanyang tenga. “Just remember that I love you Sam, I really do” bulong nito at hinalikan pa siya sa pisngi bago sumunod sa kanilang ama. Naramdaman na niya ang panghihina, buti na lang at nahawakan agad siya ni Mike.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD