Chapter 5

1974 Words
“SAMANTHA, TAMA NA…” pigil ni Mike sa kanya. “…ang dami mo ng nainum” Niyaya niya si Mike sa Blackout Bar dahil ayaw muna niyang kausapin si Alex dahil alam niya na kakausapin siya nito pagkatapos mag-usap ng mga ito. “I’m okay Mike, hindi pa ako lasing” Kinuha niya ang selpon ni Mike para hindi ito makatawag kay Alex at pinatay naman niya ang kanyang selpon. “Kanina pa tayo umiinom dito, papagalitan ako ni Tito Tonny” halata sa boses nito ang pag-aalala. Hindi niya alam kung sa kanya o dahil baka pagalitan ito ng kanyang ama at ni Alex. “Don’t worry ako ang bahala sayo, ako ang magpapaliwanag sa kanya” sabi niya at muling nilagyan ng alak ang hawak niyang baso. “Samantha, sabing ta…” “Mike, please?” hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha. “I need this, I really need this, ngayon lang, please?” nagmamakaawang sabi niya. Nakita niya ang pagbuntong hininga nito. “Okay, okay” sabi na lang nito. “Bakit kung kailan naman okay na kami ni Alex bakit naman biglang may ganun?” natatawang tanong niya. “Hindi mo pa naman alam ang nangyari Samantha, bakit hindi mo muna siya pakinggan?” “Hindi ko pa kaya e, hind ko pa ata kayang makinig sa mga sasabihin niya” “Pero nararamdaman mo ba na mahal ka niya?” Tumango-tango siya. “Yes, nararamdaman ko iyon” “Then try to listen to him first, hayaan mong sabihin niya ang lahat sayo para sa ikatatahimik mo at ikatatahimik niya. Andyan na yan Samantha, ginusto man yan ni Alex o hindi, andiyan na yan. Ang kailangan niya ngayon ay ikaw, ang intindihin mo siya” Muli siyang uminom ng alak. “Pero masakit e” “Mahal niyo ang isa’t isa kaya masakit talaga, masakit magmahal diba?” “I don’t know Mike, basta sa ngayon, gusto ko lang munang uminom para mapaghandaan ko ang pag-uusap namin” —————— —————— NAGISING SI SAMANTHA na masakit ang ulo, alam niya na nasa silid na siya, pero hindi niya maalala kung paano siya nakarating sa mansyon. Hindi din niya maaalala kung gaano pa sila katagal nag-inuman ni Mike. Kahit nahihilo ay bumangon na siya at dumeretso sa banyo para maligo. Matapos maligo at mag-ayos ay bumaba na siya. Nagdadalawang isip man kung baba siya o hindi pero bumaba pa din siya dahil nararamdaman niya na ang gutom at gusto na niyang magkape dahil sa sakit ng ulong nararamdaman niya. Nagulat siya nang pagdating niya sa hapag-kainan ay nandoon din ang babae na nag-aagahan, andoon din ang kanyang ama. Dahil sa gulat ay hindi na niya nagawang batiin ang kanyang ama sa halip ay deretso siyang pumasok sa kusina para kumuha ng kape. “Samantha, eat your breakfast first” narinig niyang sabi ng kanyang ama. “Yes Dad” sagot lang niya, ayaw pa din niyang maging bastos sa kanyang ama. “Manang Letty, padalhan na lang po ako ng kape sa lamesa” sabi niya sa kanilang mayordoma. “Sige Samantha, kumain ka muna” nakangiting sagot ni Manang Letty. Nginitian niya lang ito at agad ding lumabas ng kusina para kumain ng agahan. “How are you Samantha?” tanong ng kanyang ama. “I’m good” maikling sagot niya dito na alanganin sa pag-ngiti. Napapansin niya ang panaka-nakang pagtingin sa kanya ni Angela dahil nakaupo ito sa tapat niya, ang dating pwesto ni Alex. “Masakit ang ulo mo?” muling tanong ng kanyang ama. “Yes Dad” “Angela, this is Samantha…” nagulat siya nang bigla siyang ipakikilala ng kanyang ama. “…Alex’s girlfriend…” at mas nagulat siya nang ipakilala siyang kasintahan ni Alex. Agad siyang napatingin sa babae na nakatingin din sa kanya, hindi niya mabasa kung anong emosyon ang meron sa mga mata nito. “This Angela, Alex’s friend” sabi ng kanyang ama. “Hi Samantha” bati nito sa kanya. “Hi Angela” balik bati niya dito. “After your breakfast let’s talk sa Study Room” baling ng kanyang ama sa kanya. “Okay Dad” Kahit tapos ng kumain ang kanyang ama ay hindi pa din ito umalis sa hapag-kainan at tila hinihintay siyang matapos. Siguro ay ayaw nitong may pag-usapan sila ni Angela ng hindi pa sila nakakapag-usap. “Let’s go, hija?” tanong nito nang mapansin na tapos na siya. “Okay Dad” sagot niya. Bumaling naman siya kay Angela na kumakain pa. “Excuse me” sabi niya dito, nginitian niya ito at ganoon din ito sa kanya. Pagdating nila sa Study Room ay agad siyang umupo sa isang upuan na nasa harap ng lamesa ng kanyang ama. Bumuntong hininga ito bago nagsalita. “I am sorry for what happened Samantha” “Don’t say sorry Dad, wala kang dapat ihingi ng sorry” Dahil kung meron mang dapat humingi ng tawad ay si Alex yun. Dapat nga ba siyang humingi ng tawad? Bigla siyang napaisip. “I already talked to them at inamin lahat ni Alex sa akin at ang tungkol sa kanila ni Angela” muling bumuntong hininga ang kanyang ama. “Pananagutan ni Alex si Angela…” Bigla na lang siyang nakaramdam ng kirot dahil sa narinig. “…Pananagutan niya si Angela para sa bata pero walang kasal na magaganap, magiging ama siya dahil anak niya ang dinadala ni Angela at hanggan doon lang iyon Samantha” Napabuntong hininga siya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa kanyang ama. “Dad, I don’t know what to do” mahinang sabi niya habang nakayuko. “Why Samantha?” “Naaawa ako sa bata, hindi magiging buo ang pamilya niya. Hindi siya magkakaroon ng isang masayang pamilya” Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kanyang ama. “Kayo ang dapat mag-usap ni Alex, kayo ang dapat magdesisyon” Magsasalita na sana siya nang biglang may kumatok sa pintuan. “I think it’s Alex, tinapos niya lang ang presentation niya dahil gusto ka niyang makausap agad” Pagbukas ng pinto ay nakita nga niya si Alex. Parang wala itong tulog si dahil kitang kita ang eyebags sa ilalim ng mga mata nito. “Sam” mahinang sabi nito. Agad namang tumayo ang kanyang ama sa kinauupuan nito. “I think you need time to talk, I’ll go outside” sabi nito at tuluyan ng lumabas. Nakita pa niya ang pagtapik ng kanilang ama sa balikat nito bago tuluyang lumabas. Agad namang lumapit si Alex sa kanya, umupo ito sa katapat na upuan niya na nasa harapan ng lamesa ng kanilang ama. “Baby girl, you made me worried last night” nagaalalang sabi nito. Napakunot noo siya. “What?” nagtatakang tanong niya dito. “You turned off your phone, pumunta ako sa sementeryo at sa bahay ampunan para hanapin ka…” Hindi siya makapaniwala na nagpunta sa malayong lugar si Alex para lang hanapin siya. “…buti na lang tinawagan ako ni Spencer para sabihin na nasa bar ka” “Spencer?” Tumango-tango ito na parang naiintindihan kung ano ang iniisip niya. “Yeah, si Spencer, yung owner ng bar, he is my friend” sabi nito. “Dahil sa kanya kaya nalaman din namin kung paano ka kinuha ni Aivee dati” Tumango lang siya dito. “Can I share a story?” seryosong tanong nito. Tumango naman siya bilang sagot. Tulad ng sinabi ni Mike ay dapat alam niya kung ano ang nasa isip ni Alex. “When I was still living in the US, nakilala ko si Angela. Na-meet ko siya sa isang bar na pag-aari niya. Aaminin ko na nagandahan ako sa kanya, in fact nagparamdam ako sa kanya, I want to court her pero tulad nga ng sinabi ko, courting is not my thing, sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko but she’s not available that time kasi meron din siyang hinihintay na matagal niya ng gusto. Until she found out na meron na palang pamilya yung guy, niyaya niya ako uminom hanggang sa may nangyari sa amin” nakaramdam siya ng sakit na isipin na may iba itong babaeng nakakatabi. “After that lagi ng may nangyayari sa amin but I make sure na protected ko. Ginagawa namin yun pero wala kaming label sa isa’t isa” huminto ito at napangiti pero hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Sabihin na nating nag-enjoy din ako dahil kahit na hindi niya ako gusto, ako pa din ang hinahanap niya sa tuwing nangangailangan siya. Halos 2 years ata na ganun ang relasyon namin. Hanggang sa nagpasya na akong bumalik sa Pilipinas dahil gusto ko ng bumalik kay Daddy” muli na naman itong tumigil at sa pagkakataon na iyon ay hindi niya mabasa kung anong emosyon ang meron sa mukha nito. “Totoo na sinabi ko sa kanya na magpapakasal kami kapag naayos ko ang lahat dito sa Pilipinas dahil hindi ko na kayang makita si Angela na ganoon lang ang ginagawa namin dahil pakiramdam ko hindi niya deserve yung ganoong relasyon namin” Muli na naman itong tumigil sa pagkukwento, kinuha nito ang kanyang dalawang kamay. “Pero nagbago yun nang makilala kita Sam, yung nararamdaman ko sa kanya, nawala yun dahil mas malalim ang nararamdaman ko sa’yo. But…” nakita niya ang lungkot sa mukha nito. “…pero nung pinapalayo mo ako sa’yo dahil ayaw mong magselos si Pierre, nasaktan ako nun dahil alam kong hindi deserve ni Pierre ang pagmamahal mo pero siya pa din ang gusto mo. 1 week akong hindi nagpakita sa’yo, pumunta ako sa US at nag-stay ng 3 days doon. At yung 3 days na nandoon ako…” Bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot dahil pakiramdam niya ay alam niya na kung ano ang sasabihin nito. Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita“…at yung 3 days na yun ay magkasama kami ni Angela. Dahil sa selos na nararamdaman ko sa inyo ni Pierre, wala na akong pakiilam kung hindi ako protected dahil ang alam ko wala naman akong pag-asa sa’yo” Hindi niya alam ngayon kung ano ang sasabihin niya, pakiramdam niya ay kasalanan niya dahil siya ang nagtulak dito para lumayo ito at magawa iyon. “I am sorry Sam” hinalikan nito ang kamay niya na kasalukuyang hawak nito. “I’m sorry Baby Girl, hindi ko inaasahan to” Napansin niya ang takot sa mga mata nito nang muli itong tumingin sa kanya. “So, what is your plan?” mahinang tanong niya dito. Bumuntong hininga muna ito bago sumagot. “I will take the responsibility Baby Girl, I will be a father pero hanggang doon lang. Nag-usap na kami ni Angela at okay lang sa kanya” “O..okay lang sa kanya?” nakakunot-noong tanong niya. Tumango-tango naman ito. “Yes, dahil hindi niya din naman alam na may girlfriend na ako” Siya naman ang bumuntong-hininga at muling nagsalita si Alex nang mapansin siguro nito na wala na siyang sasabihin. “May problema ba Baby Girl?” malambing na tanong nito. Yumuko muna siya bago nagsalita. “Iniisip ko ang bata, kapag lumaki siya, hindi buo ang pamilya niya. Naalala ko ang mga bata sa bahay ampunan, ang mga kwento nila, natatakot akong mangyari sa anak niyo yun” Itinabi ni Alex ang upuan nito sa kanya, hinawakan nito ang kanyang baba para muli siyang mapatingin dito. “Baby girl, don’t say that please. Alam kong maiintindihan niya din paglaki niya…” bahagya itong ngumiti sa kanya. “…mas magiging masaya yun dahil dalawa ang kikilalanin niyang ina” sabi nito. “Ayokong bumuo ng pamilya Sam kung hindi ikaw ang makakasama ko dahil nakikita ko na ang future ko na kasama ka” malumanay na sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD