Chapter 22

1758 Words

“TATAY, KAIN NA tayo” “Sige anak, tapusin ko lang ‘tong isang ginugupit ko” Mula nang tumira si Samantha sa kanyang Tatay Abel ay madalas na siyang nagluluto ng pagkain nila, marami kasing gawang tahi ngayon ang kanyang ama at wala itong katulong kaya hindi niya na pinapagalaw pa ang kanyang ama sa gawaing bahay. Alam naman niya ang mga gawaing bahay dahil noong sila lang mag-ina ang magkasama ay tinutulungan niya din ito dati. “Anong niluto mo, anak?” tanong ng kanyang ama nang makalapit sa lamesa. “Pinakbet at pritong galunggong” “Pinapataba mo talaga ako sa mga niluluto mo no? Isang buwan pa lang tayong magkasama pero ang laki ng tinaba ko” natatawang sabi nito. Noong mag-isa lang ang kanyang Tatay Abel ay madalas lang itong bumibili ng pagkain sa tindahan dahil mag-isa lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD