Nakikita niya ang kasiyahan at excitement sa maganda mukha ni Ysai ng sabihin niya na papayagan niya ito sumakay ng kabayo at ipapamili ito ng damit. Tila isa itong bata,nagniningning ang mga mata nito kanina. "Good morning,Ma'am Sir!" pagbati ng dalawang sales lady ng pumasok sila sa isang boutique. "Please,assist her..mga damit na babagay sa kanya at damit para sa pangangabayo..then shoes.." sabi niya sa dalawa babae na titig na titig sa kanya. "Yes,Sir!" tugon ng isa na unang natauhan mula sa pagkakatitig sa kanya. He sighed. Alam niyang minumukhaan siya ng mga ito. Kilala siya sa lugar ito. Kaya mabuti na lang ang pagpapahaba niya ng balbas at bigote para sa ganun hindi siya gaano napapansin. "Ysai..sumunod ka sa kanila," kuha niya sa atensyon ng dalaga na mangha-mangha sa nakik

