Ang sabi ni Nanang Cora pinapupunta siya ni Señor Oscar sa kuwadra. Kaya may kaba siya tumungo doon. Bakit ba siya kinakabahan? Nasa b****a na siya ng kuwadra. Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyan pumasok sa loob. Nadatnan niya nagpapakain ng kabayo ito. "Señor,pinapupunta niyo daw po ako dito?" untag niya rito. Lumingon naman ito sa kanya at pinasadahan siya ng tingin. Bigla siya naconscious sa itsura niya. Nakamahaba saya siya at blusa. Kailangan ko bumili ng bagong damit pagkasahod ko,saisip niya. Pulos luma na din kasi ang mga damit niya. "Wala ka bang pantalon?" tanong nito. Nagtataka umiling siya. "Wala po,Señor..puro saya lang po kasi lahat ng pang-ibaba ko.." Bakit kaya niya natanong? Humarap ito sa kanya. "Kung gusto mong sumakay sa kabayo kailangan

