Naglibot-libot siya sa rancho. Kung hindi lang dahil kay Mary malamang nasa mansion siya at nagpapahinga pero kung gugustuhin niya na kumuha nang ibang doktor gagawin niya kaso kabisado na nito ang ugali ng kanya mga alaga. Alam niya na may pagtingin sa kanya si Mary noon pa lang. She's pretty pero hindi siya ang babae itinakda sa kanya. Siguro nga dahil may babae nakatakda sa kanya walang babae ang nagpatibok ng puso niya hanggang sa magtagpo sila ni Ysai. Alam din niya na crush siya ni Ysai. Yeah,crush..dahil naririnig niya yun sa tuwing nagsasalita ito mag-isa. Umangat ang isang dulo ng mga labi niya. Narinig pa niya na tila hindi nagustuhan ni Ysai ang presensya ng babae kasama niya. He know why. Hindi naman niya nagustuhan ang pagtrato ni Mary kay Ysai. May pangmamaliit sa pa

