Walang gana na nagtrabaho siya ng umaga iyun. Kailan ba matatapos ang kamalasan niya? Sobra kahihiyan na ito! Natigil siya sa pagngingitngit ng kanya kalooban ng makarinig siya ng boses ng isang babae. Nahinto siya sa paghakbang ng makita ang paglabas ng babae mula sa kuwadra. Agad na kumabog ang dibdib niya ng makita kasunod nito ang Señor Oscar. Mabilis na nagkubli siya sa gilid ng bahay. "Malusog ang mga kabayo..alagang-alaga sila ng kanila amo!" nakangiti saad ng babae. Naningkit ang mga mata niya. Bigla siya kinutuban. Hindi niya gusto ang itsura ng babae. Mukha itong nang-aakit sa klase ng ngiti at pagtingin nito sa amo niya. Umusok ang tainga at ilong niya ng makita humaplos ang babae sa braso ng amo niya. "Aba't talaga may pahawak-hawak pa siya Kay Señor!"umuusok ang ilon

