Prologue

825 Words
Althea's POV Nagising si Althea na may piring ang kanyang mga mata. Kinabahan siya. Kanina lang ay naglalakad siya papunta sa eskwelahan niya, nang bigla na lamang siyang isinakay sa isang itim na SUV. May naririnig siyang mga kaluskos at mga boses na nagsasalita. “I-ready niyo na ang camera. Pag nagising na 'yang dalawa, simulan niyo na ang pag-inject ng gamot,” wika ng isang lalaki. Lalong kinabahan si Althea. Hindi niya alam ang gagawin—ni hindi niya alam kung nasaan siya. Oh my God, Lord, tulungan N’yo po ako, dasal ko sa aking isip. May lumapit sa akin at tinanggal ang piring sa aking mga mata. Pagmulat ko, nasa isang malinis na silid ako—may malaking kama at may isang taong nakahiga rin, may piring sa mga mata. “Kumain ka na, Miss, dahil mamaya mapapagod ka,” sambit ng lalaking may ngiti sa mukha. Tinanggal ang posas sa aking mga kamay at pinalitan ito ng kadena sa aking paa. “A-ano pong gagawin n’yo sa akin, Kuya?” tanong ko habang garalgal ang aking boses. “Malalaman mo mamaya. Totoo pala talagang maganda ang kapatid ni Nigel,” sagot ng lalaki. “K-kilala n’yo po ang kuya ko?” tanong ko sa kanila. Bago pa man siya makasagot, nagising ang lalaking nakapiring. Nagpupumiglas ito. Hindi tinanggal ang piring sa kanyang mga mata, gayundin ang mga posas sa kanyang mga kamay. “Who the hell are you people!?” sigaw ng lalaki. Walang sumagot. “By the way, you’re asking about your brother, right?” tanong ng lalaking mukhang foreigner. “O-opo, kilala n’yo po siya?” “Yes. And he sold you to us. Because he owes millions to our boss—you are the payment,” sagot nito. Hindi ako makapagsalita. Alam naming nalulong si Kuya sa droga at sugal—pero ako ang ibinenta niya? At pumayag lang ang aming mga magulang? Umiyak ako. Walang-hiya sila. “Don’t cry, dahil ikaw ang magpapakain sa lalaking 'yan,” sambit ng isa pang lalaki. Napayuko ako habang tumutulo ang aking mga luha. Hindi ko lubos maisip na magagawa ito ni Kuya—na kaya niya akong ipagpalit para lamang mabura ang utang niya. “Walang-hiya ka, Kuya…” bulong ko sa aking sarili. “Huwag ka nang umiyak,” sabi ng lalaki. “Dahil simula ngayon, ikaw na ang tagapangalaga ng lalaking 'yan. At kung hindi mo siya aalagaan, may kapalit 'yan.” Napatitig ako sa lalaking nakapiring at nakaposas. Mukhang disente siya—matangkad, maputi, at halatang hindi sanay sa ganitong kalagayan. “S-sino siya?” tanong ko, mahina ang tinig. “Walang pangalan ang mahalaga dito. Basta ang utos, pakainin mo siya, alagaan mo siya, at siguraduhing hindi siya makakatakas.” “Bakit ako? Bakit hindi kayo?” “Dahil mas madali kang pagkatiwalaan kaysa sa mga mukhang kriminal na tulad namin,” sabay tawa ng isa sa mga lalaki. “At kung susubukan mong tumakas o tulungan siya… hindi lang ikaw ang magsisisi.” Napatigil ako. Ang ibig ba nilang sabihin… pati ang pamilya ko ay inaalam na rin nila? “Lord, tulungan N’yo po ako. Anong klaseng gulo ito?” Ilang minuto pa ay iniwan nila ako sa silid. Naiwang naka-lock ang pinto, at kami na lang ng lalaking nakapiring ang naiwan. “Miss… nariyan ka ba?” tanong ng lalaki. “O-opo,” sagot ko. “Anong nangyayari dito? Bakit ako narito? Sino ka?” Napabuntong-hininga ako. Ni ako nga ay hindi ko alam ang buong sagot. “Hindi ko rin alam,” sagot ko, pilit pinatitibay ang aking boses. “Pero sabi nila, ako raw ang mag-aalaga sa’yo…” “Aalagaan? Anong klaseng biro 'yan?” “Hindi ito biro. Pareho tayong bihag dito.” Tumahimik siya. “Pakawalan mo ako,” pakiusap niya. “Kaya kong lumaban.” “Hindi pwede. May bantay sa labas. At sinabi nilang kung may subukang tumakas… may kapalit.” “Ikaw ba? Ikaw ang kapalit?” Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang bangungot na kinasadlakan ko. Ang bigat sa dibdib, parang unti-unti akong kinakain ng takot at guilt. Ilang saglit pa ay nagsalita ulit siya. “Ako nga pala si Kael. Ikaw?” “Althea.” “Salamat, Althea. Kahit… kahit wala pa akong naiintindihan, naramdaman kong hindi ka masama.” Natigilan ako. Unang beses sa buong araw na may nagsabi sa akin ng ganoon. Sa kabila ng lahat ng kaguluhan, may konting ginhawang hatid ang kanyang tinig. Ngunit bago ko pa muling mabuksan ang bibig ko, bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang lalaki—bitbit ang tray ng pagkain. “Pakainin mo siya,” utos ng isa. “Dapat malakas siya mamaya.” “Mamaya? Bakit? Anong mangyayari mamaya?” tanong ko, nanginginig. “Hindi mo na kailangang malaman. Basta sumunod ka.” At muling isinara ang pinto, iniwang may katanungan at takot sa loob ng silid. Anong klaseng impyerno ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD