Chapter-02

1353 Words
Althea's POV Pagkauwi namin, dumiretso na kami sa bukirin. Alas-tres na kasi noon kaya nagmadali na kami. Pagdating namin doon, halos patapos na sila sa gawain, kaya tumulong na rin kami ni Maris. Bandang alas-singko nang matapos kami. Pagkatapos, niligpit namin ang mga gamit, pati na rin ang mga baunan na pinaglagyan ng pagkain. Pagdating namin sa bahay, medyo pagod na pagod kami, pero nagluto pa rin ako ng hapunan. Maraming gulay ang niluto ko—iyon kasi ang mayroon—at may dala ring karning baboy si Nanay, kaya iyon ang isinahog ko sa ulam. “Maris, huwag ka muna umuwi. Dito ka na kumain,” sabi ni Nanay. Napangiti si Maris at tumango. “Mabuti pa nga,” dagdag pa ni Nanay habang naghahalo ng ulam, “kanina nakita ko ang Tita mo. Nabanggit ko na gusto kitang patirahin dito.” Napatingin si Maris. “Ho? Ano pong sabi niya?” tanong niya. “Mas mabuti raw, para wala na siyang sakit ng ulo,” sagot ni Nanay. Napangiwi si Maris, halatang hindi alam kung matutuwa o magdududa. Ilang sandali pa, bigla kaming nakarinig ng sigawan sa labas. “Maris! Lumabas ka riyan!” sigaw ng isang babae. Nagkatinginan kami. Kaya lumabas kaming lahat, at doon kami nagulat—nasa labas ang Tita ni Maris. Mabilis siyang lumapit kay Maris at bigla siyang sinampal. “Gusto mo palang umalis sa amin! Sana hindi muna pinatagal!” sigaw niya. Sunod-sunod niyang itinapon ang mga gamit sa mukha ni Maris. “Huwag ka nang bumalik sa amin ha! Wala kang utang na loob!” Tahimik lang si Maris. Hindi siya umimik, hindi sumagot—nakayuko lang, nanginginig. “Linda, tama na ’yan,” mahinahong sabi ni Nanay, pilit pinapakalma ang sitwasyon. “Kanina lang pumayag ka. Tapos ngayon nag-iingay ka rito?” Hindi sumagot ang babae. Tumingin lang siya nang masama, saka biglang umalis, naglalakad palayo na parang walang nangyari. Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Napaluha si Maris. Tahimik lang muna siya—humihikbi, pinupunasan ang pisngi. Lumapit si Nanay at marahang niyakap siya. Ngunit maya-maya lang, bigla siyang tumawa. Isang maikling tawa… na nauwi sa malaya at malakas na halakhak. “Yes! Sa wakas, nakaalis rin ako doon!” sigaw niya, sabay talon-talon sa tuwa. Napatingin kami sa isa’t isa—nagulat, pero napangiti rin. “Dito ka na muna,” sabi ni Nanay, mahigpit siyang hinawakan sa balikat. “Hindi ka na babalik sa lugar na hindi ka pinahahalagahan.” Huminga nang malalim si Maris. “Salamat po, Nanay. Magpapakabait po ako,” sambit niya habang yakap ang aking ina. Masaya kaming kumain ng hapunan; masaya ako para sa aking kaibigan—sa wakas, magkasama na kami sa iisang bubong. Pagkatapos naming kumain, naghugas na kami ng mga plato at sabay kaming naghugas ng katawan. Nagtawanan pa kami kasi hubot-hubad kaming dalawa. Ngayon, may kapatid na talaga ako. Kinabukasan—Sabado—may pupuntang buyer dito sa amin para bumili ng aming mga pananim, kaya maaga kaming nagising at nagluto. Pagdating ng mga bibili, hindi na humaba pa ang negosasyon dahil maganda ang aming produkto. Kinuha nila ang lahat, kaya laking tuwa ng aking mga magulang. Pinasahod na ang lahat ng tumulong, at pati kami ay binigyan ni Tatay. Kinagabihan, doon kumain ang mga tumulong sa amin—nagkaroon kami ng salu-salo. Pero biglang naputol iyon dahil dumating ang aking kapatid. Pumalakpak pa siya. “Wow, nagkakasayahan kayo ah! Hindi n’yo man lang ako tinawagan,” sambit ni Kuya. Kumuha pa siya ng pagkain at umupo sa tapat ni Tatay. Kinabahan ako dahil mukhang may masama siyang balak. Pagkatapos niyang kumain, tumabi siya kay Tatay at tinapik pa ito. “Ibigay n’yo sa akin lahat ng kita n’yo, Tay,” sambit niya. Pero hindi natinag si Tatay. “Kuya, ibinigay na namin ang pera sa mga tumulong sa pag-ani, at ang iba ay ipinambili ng itatanim ulit,” ako na ang sumagot. “Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan!” hiyaw niya sa akin. May hinugot si Tatay mula sa kanyang bulsa at ibinigay ito kay Kuya. Nakita ko—isang libo lang. “Ako ba’y pinagloloko mo, Tay?” sambit ni Kuya, naninigas na ang panga. Hindi sumagot si Tatay, kaya si Nanay ang nagsalita. “Akala namin may trabaho ka na. Bakit ka nanghihingi sa amin?” “May karapatan ako sa kita n’yo, Nay, dahil anak n’yo rin ako!” sigaw ni Kuya. Parang wala sa sarili si Kuya—mukha siyang demonyo. Sigaw siya nang sigaw kaya sinuntok siya ni Tatay. Ang hindi namin inaasahan: gumanti siya. Nagkasuntukan sila ni Tatay. Inawat sila ng aming kapitbahay. Tumawag na rin kami ng barangay tanod kaya naawat si Kuya. Pero si Tatay ay duguan at wala nang malay. Iyak kami nang iyak, pati na rin si Maris. Lumapit si Nanay sa aking kuya at sinampal siya. “Walang hiya ka! Simula ngayon, hindi ka na makakatungtong sa pamamahay namin!” Tinapon ni Nanay ang pera na hawak niya—siguro nasa limang libo iyon. “Kakasuhan kita! Kapag lumapit ka pa dito sa bahay namin, sa kulungan ka babagsak!” sambit ni Nanay na umiiyak pa. “Aling Marlee, dalhin natin si Mang Benny sa ospital. Ang barangay na ang bahala kay Nigel.” Pumasok muna ako sa bahay at isinara ang pinto. At lahat kami ay pumunta sa ospital. Pagdating sa emergency room, iyak kami nang iyak ni Maris dahil nanghihina si Tatay at wala pa ring malay. Maya-maya, may dumating na doktor at agad na inasikaso ang aking ama. Sinabi ng doktor na nabagok daw ang ulo ni Tatay—posibleng tumama ito sa semento—kaya kinakailangan siyang operahan upang alisin ang namumuong dugo sa loob ng kanyang bungo (skull). Ipinaliwanag din ng doktor na kung may PhilHealth si Tatay, makakatulong iyon upang mabawasan ang aming babayaran. Tinanong pa ni Nanay kung magkano ang posibleng gastos. Sinabi ng doktor na kung walang PhilHealth, aabot sa tatlong daang libong piso (₱300,000) ang operasyon. Dahil dito, napa-iyak si Nanay. “May pera naman sa bangko,” sabi niya, “pero hindi iyon sasapat—kahit pa may PhilHealth si Tatay.” Nilapitan kami ng isang nurse at pinayuhan kaming lumapit sa PCSO. Ayon sa kanya, kahit empleyado umano ang pasyente, ay maaari pa ring humingi ng tulong pinansyal mula roon. Nang maasikaso ang PhilHealth ni Tatay, ay kalahati pa rin ang aming babayaran. Ang sabi ni Nanay, hindi na siya pwedeng mag-loan dahil kakaloan lang nila upang ibili ng pananim. Kaya bukas, pupunta umano siya sa PSCO—baka sakaling makatulong sa amin. Madaling araw na nang matapos ang operasyon ni Tatay. Nakatulog na si Maris sa upuan, pati si Nanay. Ako naman ay gising pa. Kaya ginising ko sila. Ang sabi ng nurse, ililipat na si Tatay sa recovery room. Sinabihan kami ni Nanay na umuwi na muna, para bukas ng umaga ay makapagluto kami ng pagkain at makabalik agad dito. Pag-uwi namin ni Maris, dali-dali kaming nagluto at naghanda ng pagkain na dadalhin sa ospital. Ang balita ko, hindi na umano makakalapit sa amin si Kuya dahil sa ginawa niya kay Tatay. Hinihimok nila kaming kasuhan si Kuya, pero ayaw ni Nanay. Ang gusto lang niya ay hindi na makalapit ang aking kapatid sa amin. Kaya mayroon na siyang restraining order dito sa aming purok. Pagkatapos naming maghanda, dali-dali na kaming pumunta sa ospital. Dahil maaga pa umano ang alis ni Nanay papuntang PCSO, ngayon nagmadali na kami ni Maris. Tumawag rin kasi na dahil gutom na rin daw siya. Pagdating namin sa ospital, naroon ang doktor kinakausap niya si Nanay, tungkod sa kondisyon ni Tatay. Ayon sa doktor, kapag sa loob ng dalawampu’t apat na oras ay hindi pa rin siya magising, ide-deklara na siyang comatose. Sinabihan pa si Nanay na huwag muna silang pumunta sa PCSO at hintayin na lamang ang kanyang paglabas, para pati ang bill sa pananatili namin sa hospital ay ma calculate lahat. Umiyak si Nanay, at pati ako ay napaiyak sa sinabi ng doktor. Sana magising si Tatay. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD