PART 6

666 Words
"Ano ready ka na bang umuwi?" tanong ni Emm sa kaniya pagkatapos magbihis. Tinuruan siya ng dalaga kung paano ang tamang ayos. Pumayag na ito sa nais niya. Pumyag na si Emm na maging kaluluwa muna, ang dahilan ay exciting naman daw. Gusto raw muna nitong i-enjoy ang pagiging ghost. Tumango siya bilang tugon. Ngunit hindi siya mapakali. "Talagang ito na ang uso ngayong pantalon? Ang sikip sa ibaba.." "Skinny ang tawag diyan," ani Emm. "'Di ako sanay," nakangiwing sabi pa rin niya. Ang pantalon kasi na sinusuot niya noon ay 'yung maluluwag ang ibaba. "Abay sanayin mo! Remember matagal ng lumipas ang kapanahonan mo!" pagtataray na naman sa kaniya ni Emm. Hindi na siya sumagot. Sa halip napatingin siya sa pintong lumangitngit. Pumasok doon ang Mommy at Daddy ni Emm, pati si Vash. Pero napagkit ang mga mata niya sa isa pang kasama nila. "Ang kapal ng mukha mo!" Biglang sugod ni Emm nang makita si Jullie. Gigil na gigil nitong inuupakan, sinasabunutan at tinatadyakan pero tumatagos lamang ito sa kaibigan. Nanood lang si Lennie kay Emm. Pigil niya ang sariling 'wag matawa. Parang nakikipag-wrestling kasi ang dalaga sa hangin. "Hoy! Upakan mo itong babaeng 'to para sa 'kin!" dikawasay utos ni Emm sa kanya. "Alis na tayo, Anak," buti na lang ay pukaw ng Daddy Hil ni Emm sa kanya. May dahilan para 'di niya pansinin si Emm. "Opo, D-dad-daddy," utal niyang sagot. Tingin niya ay kaedad lang niya kasi ang magulang ni Emm kaya naman napipilipit siyang tawagin ito ng gano'n. Pero sabi nga ni Emm dapat ay magpanggap siya na siya si Emm para hindi makahalata ang pamilya nito. "Sabing upakan mo muna 'tong babaeng 'to, eh!" sigaw ni Emm na nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan ni Jullie, nasa hitsura nito ang hiya sa kanya. Nagbaba ng tingin si Jullie, sa pag-aakalang siya ang tiningnan niya ng masama. "Uhmm.. Emm, andito si Jullie para magpaliwanag," ani Vash. Tumango siya. Nagpaalam muna ang mag-asawang Jessa at Hil para makapag-usap ang tatlo. Alam na nila ang nangyari. Nagalit sila pero nang magpaliwanag si Vash ay naunawaan agad nila ang mga ito. "Emm, sorry!" umpisa ni Jullie. "Emm, mali kasi ang inakala mo nang makita mo kaming--" Sinadyang bitinin ni Vash ang sasabihin. Napamaywang ang kaluluwang si Emm. 'Di naman siya makapagsalita. "Emm, ako ang humalik kay Vash. S-sorry, bessy," mababang boses na ani pa ni Jullie. Lalong nagwala si Emm. Makailang ulit nitong trinay na hawakan ang flower vase para ihampas sa ahas nito pala talagang best friend. Pero buti na lang at kaluluwa ito para hindi nito magawa iyon. "Sorry bes.. P-promise 'di ko na uulitin" si Jullie ulit. "Eh gaga pala ito eh!" singhal ni Emm. Galit talaga ito sa bestfriend niya. Palipat-lipat lang ng tingin si Lennie. Wala naman siyang masabi eh. Kasi hindi naman niya alam ang nangyari. "Bago ako naaksidente ay nakita ko silang naghahalikan sa likod ng school. Sa sama ng loob ko kaya nawalan ako ng balanse sa kotse ko" paliwanag ni Emm. Napa-aaahhh sa loob-loob niya si Lennie at napatango-tango. "Emm, sana mapatawad mo ako" nangilid ang mga luha sa mata ni Jullie. Si Vash ay napayuko ng ulo. Inalala niya ang nangyaring iyon at halos mapatay niya si Jullie sa pagkakasakal noong nalaman niyang naaksidente si Emm dahil sa kalukohan ni Jullie. Mahal na mahal niya kasi si Emm. "W-wala na 'yon!" ang ikinagulat ng lahat na sabi ni Lennie. Halos lumuwa ang mga mata ni Emm "What!!??" singhal nito kay Lennie. Hindi ito pinansin ni Lennie "Kung nagmamahalan kayo, then go!" sa halip ay sabi pa nito. Siya naman ang sinubukang sakalin ni Emm. Gusto niya ulit magtatawa. "Ikaw ang mapapatay ko! Lumabas ka sa katawan ko! Wala kang karapatan naagdesisyon sa buhay ko!!" Kinagat na lamang ni Lennie ang kanyang lower lips para 'di tuluyang matawa kay Emm. At kahit sina Jullie at Vash ay nagkatinginan sa isa't isa dahil hindi makapaniwala ang mga ito na ang bilis naman silang napatawad ni Emm........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD