PART 7

1262 Words
"Pero, Emm..." Akmang lalapitan ni Vash si Lennie na inaakala nitong si Emm. Nagtataka kasi ang binata kung bakit parang andali 'atang napatawad sila nito. Gayong galit na galit ito noon sa kanila. Hindi ganito ang inasahan ni Vash na reaksyon ni Emm. Parang may mali! Pinigil ni Jullie ang isang kamay ni Vash at matamis niya itong nginitian. "Narinig mo naman ang sabi ni Emm. Kung nagmamahalan tayo ipagpatuloy na lang natin," sabi niya Dumilim ang mukha ni Vash. "Pwede ba, Jullie! Kahit kailan hindi kita magagawang mahalin! Si Emm lang ang mahal ko, at kahit gano'n ang kalagayan niya ngayon ay hindi kita papatulan!" saka madiing sabi nito malapit sa mukha ng dalagang baliw na yata. Parang may kung anong matulis na bagay ang tumarak sa puso ni Jullie, kusang tumulo ang mga luha nito na naglandas sa makinis nitong mga pisngi. Ang 'di nito alam, laking kasiyahan naman iyon sa puso ni Emm na nasa likod ng dalaga. Ngayong napatunayan na ni Emm na ito talaga ang mahal ng nobyo ay kinikilig na ang dalaga. "Mauna na kami," mahinhing paalam na ni Lennie. Lumabas na siya sa silid na iyon kahit wala pa ang Mommy at Daddy ni Emm. Sa tingin kasi niya y wala na siyang karapatan na makinig pa sa pagtatalo ng dalawa. Pero sumunod sa kanya si Emm. Dahil saktong papasok sana si Aling Jessa at Mang Hil sa silid. "Alis na po tayo, M-mommy," mahinang aniya sa mga magulang ni Emm. As usual nababalukto na naman ang dila niya. "Okay na ba ang lahat? Nandiyan si Jullie, oh?" nagtakang tanong ni Aling Jessa sa kanya. "Mag-uusap pa po yata sila. Una na po tayo." Hinila na niya ang ngayon ay mga magulang na rin niya dahil siya na ngayon si Emm pansamantala. "Sasabay na po ako sa inyo. Tapos na po kaming mag-usap ni Jullie," ngunit sabi naman ni Vash sabay talikod kay Jullie. Natuwa naman si Emm. Mahal nga talaga siya ni Vash. 'Yung galit niya ay napalitan na ng kilig. Proud na siya ngayon at masayang-masaya! 'Yan ang boyfriend niya! Binalikan niya si Jullie, tumayo siya sa harapan nito at hinalukipkipan. "Ano ka ngayon?!" at pagtataray niya kay Jullie kahit hindi naman siya naririnig. Si Jullie na napaluha na walang kamalay-malay na nasa harapan nizang kaibigang trinaydor. "Masakit ba? Buti nga sa'yo!" gigil na sabi pa ni Emm kay Jullie. "Subukan mong akitin pa ang boyfriend ko! Mumultihin na talaga kita!" ani pa niya na dinuro ang kaibigang traydor saka tumalikod. Patakbo niyang hinabol sina Vash, Lennie at mga magulang niya. Nagkwkwentuhan sila, nakangiti siya na nakinig. *** Sa bahay ng Pamilya Sab ay naiignorante sa mga ibang bagay si Lennie pero syempre hindi niya 'yon pinahahalata. Bago kumilos ay inaantay niya muna ang bawat salita ni Emm na laging nasa tagiliran niya. Nakahinga siya ng maluwag nang inutusan na siya ng kanyang Daddy Hil na pumasok na sa kanyang kuwarto at magpahinga. "Oy, mag-kiss ka muna sa Mommy at Daddy ko," pigil sa kanya ni Emm nang akmang tatalikod na lang sana siya basta-basta. Nakangiting binalikan naman niya ang mag-asawa at hinalikan sa pisngi. "Akala ko pati ang paghalik sa'min ay nakalimutan mo, anak," ngiting wika ng kanyang Mommy Jessa. Ngumiti siya ng matamis. Sa isip-isip niya ay malambing na anak din pala itong si Emm. "Sige na, anak, matulog ka na," ang sabi naman ng kanyang Daddy Hil na halatang natuwa rin ng sobra sa kanyang ginawa. Nakangiti pa ring tumango siya sa mag-asawa at sumunod siya kay Emm papuntang kuwarto. "Ikaw, denedma mo naman kanina si Vash!" angal sa kanya ni Emm nang patungo sila sa kanyang kuwarto. Luminga-linga muna siya sa paligid bago niya sinagot ang multong si Emm. Maganda ang bahay nina Emm. Halatang may kaya sila dahil sa lawak ng bahay nila. "Saka mo na lang siya aasikasuhin 'pag nakabalik ka na dito sa katawan mo. Ang mahalaga sa'kin ngayon ay mahanap ko ang anak kong si Donna at asawa kong si Jam." "So, gano'n babaliwalain mo ang lovelife ko? Paano kung akitin ulit 'yon ni Jullie, ha?" "Sige, gusto mo ba na halikan din ako ng nobyo mo. Remember pakiramdam ko na ang nanalantay dito sa katawan mo," paghahamon niya dahil alam naman niyang hindi papayag ang dalaga. Natahimik si Emm. Humaba ang nguso nito na napaisip. "Fine! Basta 'pag pupuntahan ka dito pakisamahan mo rin paminsan-minsan!" ta's pagsuko nga nito. Ew nga naman iyon. Ngumiti siya. "Saan ang kuwarto mo?" "Ayan!" turo ni Emm sa isang pinto na pasuplada pa rin. Pumasok siya. Tumagos lang naman si Emm. "Hay! Na-miss ko ang room ko!" bulalas ni Emm na agad nahiga sa kama. Naiiling lang siya. Ang kulit talaga ng batang ito pero nakakatuwa naman. Inalala niya ang kanyang kabataan, hindi siya gano'n kakulit tulad ni Emm pero masayahin din naman siya. Maaga kasi siyang nag-asawa, gayunman ay hindi niya pinagsisisihan si Jam. Mahal na mahal niya ang asawa niya na iyon, at ang anak nilang si Donna. Biglang nalungkot siya. Napatingin siya sa kawalan. "Emm, pa'no natin hahanapin ang pamilya ko?" ta's tanong niya kay Emm. Napatingin sa kanya ang dalaga. Saglit lang ay numiti, parang may naisip agad itong idea. "Don't you worry may first step na ako na naisip!" saka anito sabay kindat. "Ano 'yon?" nasiyahang tanong niya. "Kunin mo 'yong laptop ko riyan sa drawer," utos ni Emm sa kanya. "Anong la-lap?!" Napamaang siya. Hindi kasi pamilyar sa kanya ang salitang iyon. "Laptop hindi lalap!" pagkokorek sa kanya ni Emm. Tinaasan siya ng isang kilay. "Ano ba 'yon?" tanong niya pa rin kasi hindi niya talaga alam 'yon. "Aissst! W-wag mo nang tanungin! Basta kunin mo na lang." Kamot-noo si Emm. Naiinis na naman ang dalaga. Nahihiya man dahil wala siyang kamuwang-muwang sa mundo ay binuksan niya ang drawer at nakita nga niya roon ang kwadradong bagay na kulay pink at iniabot iyon kay Emm pero hindi ito inabot ng dalaga bagkus inirapan siya nito. "Kaluluwa nga ako , 'di ba?" irap na naman ni Emm sa kanya. Napa-oo nga siya sa isip niya. Nakalimutan niya kasi. Nakangiting inilapag niya ang hawak sa ibabaw ng kamay, paharap kay Emm. Isa-isa siyang tinuruan ni Emm. At nalaman niya na computer pala ang lalap. Pinaliit lang. "Ngayon, i-type mo na ang name ng asawa mo riyan," ani Emm nang mabuksan niya ang f******k Account nito raw. Ginawa naman niya. Nag-antay sila ng resulta nang i-search nila ang pangalang Jam Sebrano. "No result! Ibig sabihin walang sss Account ang asawa mo," dismayadong sabi ni Emm sa kanya pagkatapos lumabas ang resulta. Maraming Jam na name pero walang saktong Jam Sebrano. "Ano ba 'tong sss?" usisa niya. "Ah, nevermind. Basta dito natin mahahanap agad ang asawa at anak mo kung active sila sa social media," kumpas ni Emm sa kamay, tamad itong magpaliwanag. Tumango-tango siya. Hinayaan na lang niya dahil baka hindi rin naman niya maintindihan. Sa tagal na ng panahong lumipas siguradong hindi lang ito ang bagay na nadagdag sa mundo. Marami pa. "Sige, i-type mo rin 'yong name ng anak mo," utos na naman sa kanya ni Emm. "O-oo.." Atubili niyang sinunod ito. Pero laglag balikat silang dalawa nang wala ring resulta ang kanilang sinearch na Donna Sebrano. Marami ulit Doona, nga lang tulad ng Jam Sebrano ay wala ring saktong Donna Sebrano. "Bakit kaya walang f******k ang anak mo?" tanong ni Emm na hawak ang baba. Ito ang nahihiwagaan. Nagkibit-balikat lamang siya. Hindi niya alam. Kasi wala naman siyang idea kung ano ang sss o f******k. Wala pang ganito noong nabubuhay siya, eh........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD