NANGHINA si Spring matapos niyang matanggap ang tawag ni Autumn. Akala niya, tumawag ang dalawa para ayusin ang relasyon nila. Pero isang makadurog-pusong balita ang ibinahagi nito sa kanya. He cried a silent cry inside. He wanted and needed to be by her side now. “Saan ka pupunta, Spring?” sita sa kanya ng ina niya habang palabas siya ng bahay nila. Sa kabila ng labis na sama ng loob niya sa mommy niya, hindi niya ito maiwasang mag-isa sa bahay dahil naglalasing ito at natatakot siya na baka saktan nito ang sarili nito. Gaya ni Autumn, nahihirapan na rin siya sa sitwasyon niya. Gusto niyang makasama ang ama niya pero nalilimitahan ang oras nila dahil inaalala niya ang ina niya na anumang oras ay maaaring gumawa ng ikapapahamak nito dala ng matinding sakit na dinaramdam nito. But at the

