“WINTER, nasaan ka ba?” nag-aalalang tanong ni Autumn kay Winter na kausap niya sa kabilang linya. “Nag-aalala na sina Tito Willy at Tita Teresa sa’yo, bunso.” “Don’t worry about me. Hindi na ko bata,” iritadong sagot nito. Pero nang muli itong magsalita ay kalmado na ito. “I received your email last night about Tita Aurora’s illness. Kumusta kayo?” Naging emosyonal na naman siya, pero hindi niya iyon pinahalata. “Hindi okay, pero kinakaya pa naman namin. Wala kaming oras para malungkot.” “Be strong, Autumn. Kahit malayo ako, know that my prayers go to you and to Tita Aurora.” Tumango-tango siya. “Thank you. Huwag mo ring pababayaan ang sarili mo, okay? You can’t run away from your problems.” “I know. Take care, Autumn.” And he hanged up. Bumuga siya ng hangin. Pabalik na siya sa kuw

