Sixteen: Unfinished business Every Rose Has Its Thorn Gaia Rowen Daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa nang magawa kong makarating sa eskwelahan. Buti naman at mukhang nahalata naman iyon ni Thorn dahil malayo pa lang sa campus ay bumaba na ito. Hindi ko na kailangan pang problemahin ang mga makakakita. Hindi ko nga alam kung ano ang biglang nangyari sa lalaki. Inasahan kong mangungulit ito o hindi naman kaya mang-aasar lang i lalo pa’t hindi ko kinaya ang pag-inom kagabi pero hindi iyon ang nangyari. Paulit-ulit ko pa siyang tinatanong kung bakit siya nagpunta sa bahay pero wala naman itong ibang sinagot kundi tinitingnan niya lang raw ako dahil baka hindi ko na kinaya at namaalam na. It didn't offended me, though. Tinawanan ko nga lang ang lalaki nang marinig ko iyon at

