bc

Every Rose has its Thorn

book_age16+
370
FOLLOW
1.5K
READ
murder
teacherxstudent
second chance
police
student
drama
tragedy
lies
secrets
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Dream is everything. After finalizing what she really wants, Gaia Rowen accomplished every bit of it. Graduate on time, pass the board examination and teach. Everything was going smoothly and accordingly until she met the guy with no dream at all, Thorn. Sa paanong paraan niya kaya tatanggapin ang nabuong pagmamahal ng binata para sakanya?

chap-preview
Free preview
One: She won’t disappoint
"Nako, sinabi mo pa! Napakagaling talaga nitong pamangkin kong 'to. Manang-mana lang sakin." Nahihiya man sa inaasta ni Tita Daphne ay hindi ko pa rin mapigilang maging masaya. Ngayon ay isa na akong ganap na guro. Palagi ko lang iniisip ito noon kaya laking pasasalamat ko rin kay Tita Dap na natulungan niya akong marating ang pangarap. Humalakhak si Tita sa kausap. "Kumain lang kayo dahil sa susunod hindi na ako manlilibre. Si Gaia na!" Nagtawanan ang lahat kaya hindi ko mapigilan ang hindi makisabay. Nakakatuwa na kahit nagagawa nila akong pagtsismisan noon ay nagawa ko pa ring makapagtapos. Nagawa ko pa ring patunayan sa mga taong ito na magagawa ko pa ring makamtan kung ano ang gusto. "Nako, Gaia! Sa susunod gusto namin doon sa samgup. . . sanggup. . . mamihan! Doon sa mamihan, tama!" Napuno ng tawanan ang lugar. Nakainom na rin kasi yung mga kaibigan ni Tita kaya maiingay na. Hindi na rin nagtagal noong nagpasya akong magpaalam muna sakanila. "Magaling talaga 'yang pamangkin mong 'yan. Kita mo, tahimik lang 'yan pero pamatay." Rinig ko pang sabi ng isa sa mga kaibigan ni Tita Dap. Kapwa ito mga pasuray-suray na at hindi na mapirmi ang mga mata. Tuluyan akong umalis sa lugar. Bukod sa hindi ko naman forte ang pagkikipagsalamuha sa ibang tao ay napagod rin ako sa maghapong ginawa; ang Oath Taking Ceremony. "Gaia? Okay ka lang ba, iha?" Hinarap kong muli si Tita Dap nang magawa pala niya akong sundan. Always the thoughtful and caring Tita! "Yup. Magpapahinga lang po ako," sagot ko kaya mabilis itong tumango-tango at malawak na ngumiti. "Oo na, alam ko na 'yan! Lasing ka na kaya iiyak ka na," gagad ko at agad siyang dinaluhan. Mabuti na lang hindi ako umiinom. Nakagagawa tayo ng mga nakakahiyang bagay kapag tinamaan ng alak kaya mabuti na iyong ganito. "I am proud of you, Gaia. Nagawa mo rin sa wakas ang mga pangarap mo. Paniguradong tuwang-tuwa rin sa'yo ang mama at papa mo." Sila mama at papa. Alam kong proud din sila sa akin. Ever since, wala naman na silang ibang ginusto kundi ang matupad ko ang pangarap ko. Noon nga napakaimposible. Hindi ako mahilig sa bata. Hindi ako magaling makipag-usap casually pero nagawa kong i-improve iyon lahat ngayon. Ako ang nanguna sa evaluation namin sa Final Demo at ako rin ang naging paborito ng mga estudyanteng nakasama ko. I may be an introverted kid before pero iba talaga kapag may pangarap, ano? You'll do anything to make that dream come true. Bata pa lang, gustong-gusto ko ng maging katulad ni mama. Magaling siya sa pagtuturo at talagang mahal na mahal siya ng mga estudyante. Kitang-kita ko ang lahat ng pagod at sakripisyo pero hindi iyon naging hadlang sa akin. Bata pa lang alam ko na ang gusto ko. But then. . . when mom and dad got killed by a monster, parang naglaho rin ang lahat ng gusto ko. Wala akong ibang hiniling kundi ang makakuha ng hustisya para sa mga magulang. Hindi ko alam kung papaano at ano ang motibo ng suspek pero ayon sa ma awtoridad ay malinaw na carnapping ang dahilan. Nahuli ang suspek pero wala ako ni isang pinaniwalaan. They are used to do that a lot. Ang pagtakpan ang malalaking tao na nasa likod ng mga krimen. It wasn't a carnapping incident. It was an ambush. Siguradong-sigurado ako roon. My mom's a teacher at si papa naman ay ang governor sa lugar noon. Campaign period iyon nangyari at dahil nagbalak tumakbo sa susunod pang termino ang ama ay ganito ang nakuha niya. Umabot sa korte ang kaso. Humaba nang humaba ang proseso pero sa dulo, carnapping ang ibinabang resulta ng korte na agad ding inanunsyo bilang "case closed". Carnapping pero halatang tinanggal ang mga CCTV sa lugar na pinangyarihan ng krimen? Carnapping pero malinis ang pagkakagawa? Nasa hayskul pa lang ako noon at marahil hindi pa malinaw ang lahat pero iba na ngayon. Ngayong nakuha ko na ang pangarap maging guro. Oras na naman para bumuo ng susunod na pangarap. I'll make them pay. "Sinasabi ko na nga ba! Dapat hindi ko na sila binanggit. Punasan mo na luha mo, Gaia. Masyadong maganda ang araw para magdrama." Tumawa ako habang pinapalis ang mga luha. "Ikaw lang naman nagda-drama dyan!" bulalas ko kaya sabay kaming tumawa. "Sige na, magpahinga ka na ro'n. Mamaya papalayasin ko na rin 'yung mga loka-loka." Tumango ako at saka tumalikod na. "Don't get wasted. I don't want to be a caregiver tomorrow. " *** "Nako, no worries. It was actually on my plan – well, it must be on my plan." Umagang-umaga, naging alarm clock ko na ang tawag mula sa President ng De Jesus College. Hindi pa nga ako nakakapaghilamos man lang ay kinailangan niya na akong makausap. "Good to know, Miss Rowen. I'm sorry I called you early. Alam mo naman, pag-aagawan ka these days kaya hindi ako magpapahuli. Besides, kasama rin naman 'to sa scholarship mo. So, paano? I'll meet you here at school?" Ngumiti pa ako kahit hindi naman niya makikita. "Expect me to be there, Ma'am." Nang maibaba ang tawag, hindi ko mapigilang magtatalon sa kama sa tuwa. Day after the oathtaking may nagcontact na agad sakin — well, it may really be about the scholarship pero masaya pa rin ako. Sa DJC ako nakapagtapos ng college. Private school iyon kaya open din iyon for high school students at elementary. Masyadong malaki, may mataas na kalidad na edukasyon at high-class kaya swerte kong nakapasok ako ngayon bilang scholar. Ngayon, kailangan ko na lang magbalik-serbisyo sa eskwelahan. Who knows baka pagkatapos ng dalawang taon ay mabigyan pa nila akong muli ng pagkakataon o hindi naman kaya ay mai-recommend sa isang public high school. Bachelor of Secondary Education major in Mathematics ang natapos kong kurso. Nakapagtapos bilang Magnacumlaude at nakuha ang top 8 slot sa Licensure Examination of Teachers. "Is this even real? Next school year pupunta ako sa school hindi na bilang estudyante kundi bilang guro!" *** "First year college students po?" Gulantang at malalaki ang mga mata kong tiningnan ang ginang na nasa harapan ko; ang presidente ng DJC. "Hindi po ba masyadong malaking responsibility agad for a first timer? Fresh grad po ako, and most especially, I am–" "Calm down, Ms. Rowen." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. I guess her decision is final. Talagang mga dalaga at binata ang ha-handle-an ko. Pero how can I do that? Hindi ako eksperyensyadong guro para magturo sa unang batch ng K-12 students at ang mga panibagong kolehiyo. "I know you can do this. The whole faculty knows. Maraming teachers mo noon ang nagrecommend sayo for the spot. They trust you. In fact, isang taon lang naman ang dagdag kung sa Senior High School ka magtuturo, 'di ba? Nagkataon lang na wala kaming teacher for that grade level pero don't worry. Mathematics pa rin naman ang ituturo mo." Nang marinig ang Math ay para akong nabunutan ng tinik. Hindi magiging ganoon kalaki ang adjustments ko sa pagtuturo pero hindi ko pa rin siguro kung kakayanin ko ba. "Their age brackets are between 17-20. . ." "But, Ma'am–" "I know, Ms. Rowen. . . pero kailangan ka talaga ng school. You are fit for this job. I am really asking you a favor, Gaia." I am a 'born-to-be-ready' teacher. Katulad ni mama, kayang-kaya ko ring maipambala sa kahit saang bakbakan. I won't disappoint everyone. "I'm in, ma'am." Napapalaklak ang ginang sa sinabi kong iyon. Hindi niya siguro inasahan at talagang nagbaka-sakali lang siya sa pagpayag ko. "That's our brave Gaia Rowen." Kahit papaano, doon ay na-excite ako. Makakapagturo na ako. Magagawa ko na ang pangarap ko. I am born for this. I am destined to this. I won't disappoint.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just A Taste (SPG)

read
930.4K
bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.1K
bc

My Son's Father

read
590.0K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.3K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook