Writing isn’t just about escaping the reality, giving my self a break, running to my passion—writing is everything, at least for me. Kaya labis kong ipinagpapasalamat ang lahat ng suportang natatanggap ko sainyo.
Here are my stories: (completed and on-going)
Stand-alone:
Burning Memories (Completed)
Her Awaited Answer (Completed)
Reportedly Dating (On-going)
Every Rose has its own Thorn (On-going)
CEO Trilogy
Stuck With The CEO (COMPLETED)
The Broken CEO (On-going)
The Scarred CEO (Soon)
Bicol University Series
Lost Dream (Bicol-U Series 1, Completed)
Daydream (Bicol-U Series 2, Completed)
Reverie (Bicol-U Series 3, Completed)
The Wife Series
The Martyr Wife (Completed)
One Night Series (SOON)
I’ll promise to write more. Thank you so much!
Dream is everything. After finalizing what she really wants, Gaia Rowen accomplished every bit of it. Graduate on time, pass the board examination and teach. Everything was going smoothly and accordingly until she met the guy with no dream at all, Thorn. Sa paanong paraan niya kaya tatanggapin ang nabuong pagmamahal ng binata para sakanya?
Kilala si Christiane Luise Schreiber dahil sa kanyang maimpluwensyang pamilya lalo na sa larangan ng book publishing. Lahat kasi ng mga librong inililimbag nito ay paniguradong tumatabo sa takilya. Kadalasan ay sold out, paminsan-minsan naman ay hindi na natigil ang printing department para lang makapagsupply ng mga stck ng libro sa halos dalawang daang bookstore sa Pilipinas. Sa Germany at sa huling taon ni Christiane sa isang convention ay magku-krus ang landas nila ni Hwa Dae Hyun, isang Koreano na dekada na ring nananatili sa Pilipinas para sa kanilang hotel business. Nang magpunta ito sa Germany para sa isang investor ay hindi inaasahang nagkakilala ang dalawa. Pero dahil sa biglaang pagpanaw ng ama ni Christiane ay mapipilitan siyang isuong ang sarili sa isang nakakikilabot ng desisyon.
Kasabay nang paglimot ni Eilythia Castor sa masakit na nakaraan ay ang pag-abot ng mga pangarap. Ngunit hindi papayag ang tadhanang ang dalawang iyon ang matamasa ng babae. Magagawa nitong matupad ang pangarap ngunit maiiwan ang sakit at patuloy siya nitong babagabagin simula nang makita niyang muli ang lalaking limang taon niyang tinakasan.
Hindi man nagawang maamin ni Isabella ang nararamdaman para kay Harris noong kolehiyo, sinigurado nitong magkikita silang muli ng lalaki at malakas ang pag-asa nitong masasabi na niya ang lahat. Ngunit, pitong taon din ang nagdaan. Lumipas ang panahon at wala na siyang alam na katiting na balita tungkol sa lalaking tila ba nawalang parang bula. Sa kasalukuyan, kung saan handa na ang babaeng magtapat, magkukrus kayang muli ang landas ng dalawa o habangbuhay lang na pagsisisihan ni Isabella ang naipong pag-asa?
Natapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat.
Sa pangalawang yugto ng buhay nina Eilythia at Kairus, haharapin nila ang pinakamalaking dagok sa buhay nilang kailanman ay hindi nila inaasahan.
Ang gusto lang naman ng mga ito ay maayos at tahimik na buhay—buo at masayang pamilya, pero sapat na nga ba ang mga bagay na mayroon sila ngayon para makamtan ang pinakahinihiling? O magsisimula na naman silang harapin ang panibagong kalbaryo sa buhay ng mga ito?
_____________
Book 2 of CEO Trilogy: THE BROKEN CEO
Si Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang bachelor sa Pilipinas, si Cormac Carter. Ngunit habang sinusubok niyang alamin ang lahat, hindi niya inaasahang ang lalaking iyon ay nagtatago ng napakalaking sekretong ngayon niya lang narinig sa buong buhay niya.
Lahat nang tumatakbo, may tinatakasan. Wala sa bokabularyo ni Aira ang mamatay. Bata pa siya at marami pang gustong patunayan. Kaya naman pilit niya ring mailigtas ang sarili niya, isang gabi, kahit ang ibig sabihin noon ay maiiwan niya ang ina sa kamay ng delikadong ama.
Sa pagtakbo ay makikilala niya ang limang taong katulad niyang tumatakbo sa kaharasan at nakaraan. Walang may alam ng kani-kanilang mga motibo. Walang nakakaalam kung sino ang may madilim na plano.
Ang anim ay muling bababa sa tatlo, dalawa at isa. Ang pagkakaibigang nabuo ay pinalitan na lang ng litro-litrong nagkalat na dugo sa paligid at maging sa utak niya.
Ang pinakamalala, hinding-hindi mamamalayan ni Aira na ang ugat ng lahat ay matagal ng nasa tabi niya. Magagawa kaya nitong iligtas ang sarili niya o paghahandaan na lang nito na harapin ang kamatayang matagal nang tinatakbuhan niya?
Labis na kinaiinggitan ng karamihan ang pag-iibigan ni Felicity at Cornell. Para itong mga estudyante lang sa hayskul na purong kilig at tuwa. Ngunit dahil sa iisang pangyayari, magagawa nilang kalimutan ang lahat. Magagawa nilang kalimutan ang rason at pinagmulan ng lahat.
Ilang taong hindi nagkita at pagkatapos ng labing pitong taon ay muling pagtatagpuin - kahit may nawala at may dumating. Labing pitong taong hindi nagkita. Labing pitong taon na rin ang anak nilang walang kaalam-alam sa nangyayari. Maaayos pa kaya ang relasyong pinaglipasan na ng panahon o tuluyan na itong maibabaon sa kahapon?
Enrolling in Bicol University is one step ahead of your dreams, si Vivianne mismo ang nagsabi noon kay Dirk kaya ganoon nalang rin siya magpursige para makapasok sa Unibersidad hindi para makuha kung 'ano' ang pangarap kundi kung 'sino' ang pangarap nito kahit kapalit noon ay ang pagtalikod nito sa daang mas nararapat sakanya. Would all the sacrifices be worth it? O dadagdag lamang ito sa listahan ng "The Things I Regret and things I will not do again?".
1 of 6
Mula sa magulong pamilya nabuo ang pangarap ni Jewel. Gusto niyang magkaroon ng buo, malaya at masayang pamilya pero nang dumating ang sunod sunod na pagkalugmok... isa lang ang nanatili sakanya — pagsisisi.