Chapter 1: Mr. Hwa’s Life
Chapter 1: Mr. Hwa’s Life
Magmula nang namulat ako sa totoong mundo, marami na agad akong natutunan. Nakakatuwa na may mga bagay na hindi mo na kailangang mapagdaanan bago mo ma-realize ang tunay na kahalagahan. Iyon ang bagay na hatid sa akin ng mga libro.
Lumaki akong kasama ang mga ito. I've been reading tons of books every year. Mayroong mga nakakatakot, may mga nakababahala pero mayroon din namang nakagagaan ng pakiramdam. For me, books have always been my strength. In fact, I know that we have to admit that some great books have power to heal our souls and make us a better person.
Sa totoo lang, I have spent most of my childhood days in our house and our company. May choice naman ako para lumabas at makipaglaro sa mga bata kaya lang sa murang edad pa lang kasi ay mas pinili ko nang tulungan ang ama sa kompanya, where books and stories come into reality.
Lumaki akong nakikita ang bawat pahinang inililibag ng aming book publishing company, ang Pen2Paper. Kita ko ang bawat ngiti sa mga mukha ng mga taong nagtutulong-tulong makagawa lamang ng isang obra. Obrang alam kong hindi basta-basta mawawasak, obrang mananatili.
Books are really exceptional. Hindi ko man magawang ma-explain pero napakalaking bagay sa akin ang makahawak at makakita ng isang libro, pakiramdam ko ay buhay rin ng tao ang hawak ko.
These books have introduced me to new ideas and ways of thinking, and they've increased my knowledge of things. Hindi ko man literal na napagdaanan ang iilang mga bagay ay para ako nitong dinadala kung saan. Books have shown me countries I knew little about, and introduced me to people I might otherwise never have heard of.
Sandali kong ibinaba ang librong hawak. It was the new novel from one of the best author in the Philippines, si THRICIA. Isa sa mga linyang hindi ko makakalimutan sa librong ito ay noong sinabi ng bidang, "Life is not a bed of roses, and on this path traversed, you may encounter difficulties, but successful people continue to walk the same path despite all the obstacles that come along that path."
I shook my head, reminding myself that I don’t have to be scared and I don’t have to let myself be in misery again. Sandali ko na naman kasing naalala ang araw na iyon—ang araw na ipinangako kong hindi na muli pang babalikan.
Araw na paulit-ulit kong tinatakbuhan.
Alam kong hindi tama dahil hindi iyon ang totoong solusyon para sa iilan. But then, very few of us like running, too.
Simply because we don’t want the torture in life anymore and we know that there are trials that we alone face. We struggle with trials and feel overwhelmed by heaven and earth. With the little trial we experience, we gradually become discouraged. It’s as if we’re telling ourselves that it’s even better that we haven’t lived, that the best thing that can be done is to end life.
But we are unaware that it is only that test that brings us to a life of meaning and significance. We may stumble on our way, but if we get up immediately and learn from the stumbling, we will be guided on the right path.
“Just behind the darkest clouds, you will find the sun still shining.” I’ve been holding on to that words for a long time now. I’ve been telling myself that not all seasons are rainy. Not all times are shady. Nor are we aware that with the change of time, our being becomes perfect.
Maraming taon na rin kasi ang nagdaan. At katulad ng sinasabi nila, akala ko ay magagamot lang ng oras ang lahat pero doon sila nagkamali. Time. . . It doesn't heal all wounds.
I sighed because of my thoughts. Pigil na pigil ang aking mata sa nagbabadyang luha. Alam kong hindi ko na kailangang bumalik. Alam kong hindi ko na kailangang manatili sa nakaraan pero ano pa nga ba ang dapat kong gawin?
Parang may nagtulak sa aking kung ano para itigil ang pag-iisip at balingan ang relong pambisig. Ganoon na lang din ang gulat ko nang makitang alas otso y media na ng umaga.
“Damn! I should meet Miss Ima by eight AM sharp!”
Mabilis aking tumayo at nagpagpag ng damit. Inayos ko rin ang mga nakalabas ko pang gamit at itinapon sa basurahang hindi kalayuan ang baso ng kapeng binili. Nang ipinasok ko ang libro sa bag ay nagtuloy-tuloy na ako sa building na nasa harap. I've been doing this for about two years at masasabi kong ang convention na ito ay para sa kompanya. In fact, this is my father's wish. Ayon sakanya, para ito sa akin at para sa Pen2Paper.
Sa sunod kong pagbuntong-hininga, deretso akong kumaway sa iilang mga kaibigang nakilala ko rin sa Germany. I must say, people here are very warm. Karamihan sa mga ito ay mababait katulad ng aking ama.
“Wie geht es Ihnen?” How are you?
Sa nagdaang dalawang taon ay nagawa ko na ring matutunan ang magsalita ng wikang German. Kahit kasi sa bansang ito na ako naipanganak ay sa Pilipinas ko na natutunan ang magsalita. Isa pa, kailangan rin naming agad bumalik sa Pilipinas lalo na’t naroon ang kompanya ni Daddy.
“Ich muss auf die toilette,” sambit ng isa sa aming mga kasama kaya mabilis na muna akong nagpaalam at humiwalay sa mga ito. I need to go to the bathroom.
I have no time to waste. Sa mga pagkakataon kasing ito kailangan ko ng mahanap si Miss Ima para makapag-report.
Kung hindi kasi ako nito ite-text kagabi ay hindi ko malalamang mas maaga pala ng dalawang oras ng schedule namin ngayong araw.
Wala ako sa sarili dahil sa sobrang pagmamadali nang makapasok ako sa isang kwartong pinagdadausan ng maikling conference ngayon. Nagsisimula na si Miss Ima sa pagsasalita at kung nahuli lang ako ng ilan pang minuto ay paniguradong mahaba-habang sermon ang tutusok sa tainga ko.
Alam kong hindi dapat ako ma-late. Kailangan ko siyang tulungan sa speech niya ngayon kung saan marami-raming college students ang nag-aantay. Also, ayon sa babae ay kailangan niya akong makausap.
The college freshmen who are here were actually in their fieldtrip. Sa pagpunta nila sa German Books ay ipakikita rin sakanila ang pinagdadaanan ng isang kwento bago ito maging libro.
“Just like creating books, we can’t expect good things to happen overnight. So, just wait and give your best shot at every moment and be proud of yourself every day. You can and you will. But then, it depends on what good thing you are referring to. Sometimes, good things take a lot of effort, and other times, they fall into place. I know musicians who tell me that when they write and make songs, there are chances that a good song takes a few weeks to figure out, and other times, they can blast it over an hour or two. As you do it yourself, you will find that this is a difficult process and it also takes time. It’s rigorous, but worth every second it takes to get to where you should be in life.”
Dali-dali kong pinukaw ang atensyon ni Miss Ima kahit tuloy-tuloy ito sa pagsasalita. Mabilis niya naman akong nakita at mataray na inikutan ng mga mata.
“A breath of relief may come now. Remember that you have the power to take back your time and slow down. Time is a very important resource that we can and should bless ourselves with. Slowing down, stopping in the middle of the whirlwind, and allowing patience and hope to emerge can alleviate this pressure. Remember that the good things, the results, the progress, and the growth—it all takes time. In fact, I strongly believe that slow growth and day by day, developing basic habits and building blocks towards a life of sustainable growth is where the magic happens.”
Agad akong lumingon nang maramdam ko ang isang kalabit mula sa likuran. Saka ko nakita si Desiree na mukhang aliw na aliw rin sa mga salitang sinasabi ni Miss Ima sa mga college students.
“Nabalitaan mo na?” pabulong na tanong ng babae.
Desiree is a Filipino author. She is here for the same training pero dalawang taon lang ang kailangan niyang bunuin at pangalawang taon na niya ito. Dalawang buwan na lang ang bibilangin ay makababalik na ito sa Pilipinas.
“Ang alin?” bulong ko pabalik sakanya.
“The results you are looking for are definitely next when you give them time to bloom. I want to preface it all with a reminder: nothing happens overnight. In fact, the “greats” don’t become great once they decide to do their best at something. . . they dedicate their lives to their work. Remembering that you have time means you can practice. There is no need to hurry, because good things take time.”
“Two weeks from now!” excited pang tugon nito. “May bibisita ritong koreano. Mayaman, girl! Baka dito na ako suswertehin.”
Natatawang inirapan ko ang babae. “Swerte ka na kaya. Marami akong kilalang writer na gustong makapunta sa ibang bansa pero walang opportunities!”
“Swerte naman ako roon, Chris. Kaya lang, look, matanda na ako. Ilang beses pa akong nagdasal sa mga anito sa Pilipinas bago umalis para lang makakuha ng afam dito, ‘no!”
Hindi ko na napigilan ang sarili. Tumawa na ako nang tumawa habang pilit na ginagaya ang sinasabi ng speaker na si Miss Ima.
“No one can say that success will come to you on the very first attempt. Sometimes, you have to struggle for many years before you reach the place you seek. There will be many setbacks on the road, and if you give up every time you encounter an obstacle on the road, it is impossible to achieve anything. So, you have to keep trying to make it to the end, and the taste of success will be even sweeter,” panapos ng babae sa sinasabi.
“Oh, kay Miss Ima na mismo nanggaling,” mataman kong pag-aasar sa kaibigan. “No one can say that success will come to you on the very first attempt. Manigas ka raw muna r’yan!”
Napakamot na lang sa ulo ang kawawa kong kaibigan. “Punyeta naman, oh.”
“Christiane!”
Sabay na kaming napabaling ni Desiree at nakitang palapit sa amin si Miss Ima. Binati namin ito nang isang malaking ngisi.
“I really need to talk to you.”
Sandali muna akong nagpaalam kay Desiree na hanggang ngayon ay excited na excited pa rin dahil sa kinukwento. Dumeretso naman kami ni Miss Ima sa opisina nito.
“Miss Ima. . . what is this all about?” kaagad kong tanong noong makaupo ako sa malambot na sofa.
“I would like to assign you in this special event. . .”
Hinintay ko ang sunod na sasabihin ng babae kahit pa mayroon na akong ideya.
“Two weeks from now!” excited pang tugon nito. “May bibisita ritong koreano. Mayaman, girl! Baka dito na ako suswertehin.”
“Mr. Hwa from UA Hotels will be visiting us. They’ll offer scholarship and sponsor to anyone who’s in need, that’s why we need to provide a good impression. I can trust you on this one, right?”
Mas malaki pa sa ngiti ni Desiree kanina ang naging ngisi ko. Finally. After two years of training, parang ito ata ang pinakamalaki kong proyekto.
“Really, Miss? Of course! I’ll do my best and I won't disappoint you,” masaya kong gagad.
Tumango-tango ang babae. Kitang-kita ko rin sakanya ang excitement dahil siguradong malaking tulong ang makukuha nila sa mga iyon. Kaya na rin mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. I know I shouldn't fail on this.
Nagpakurap-kurap ako sa babaeng kaharap nang makita itong nag-aalangan magsalita. “Chris. . .”
“Yes, Miss?”
“I really don't want to pressure you on doing this, but you know how long we've waited for it. German Books might be very famous in the country but like us, who are in this industry. . . Scholarships, sponsors, they mean so much to us.”
Naiintindihan ko ang babae. Alam ko ang ibig sabihin nito. I must admit, malaki ang sakripisyong kailangan mong ibigay sa book publishing. Mayroon din itong mga downsides na kailangang i-overcome at isa na roon ang iilang financial problems. Kaya alam ko rin kung gaano ito kaimportante sa babae.
Bumuntong-hininga ako at pilit na iwinawakli ang namumuong takot sa sistema bago lapitan ang babae.
“Miss, you can leave this to me. Did you forget how charismatic I am?”
Mabilis na natawa ang babae. Sa loob ng dalawang taon ay mukhang nasanay na rin ito pagiging pilya ko. “Of course, not!”
Mabilis niyang kinuha ang isang envelope na nasa ibaba ng mesa nito. “Right! I need to get back to them. I’ll leave you with Mr. Hwa’s file to study,” bilin niya pa.
Masigla ko itong sinaluduhan bilang pagpapaalam na mas lalo lang nito ikinatawa.
Sa loob ng dalawang taon, si Miss Ima na ang nagsilbi kong pamilya kasama si Desiree. Hindi ko naman ito pwedeng matawag na pangalawang ina dahil bata pa ito. She is obviously fit to be my sister.
Nang tuluyang makaalis ang babae at naiwan ako sa kwartong iyon ay mabilis pa sa alas kwatro kong tinungo ang mesa kung saan nakalapag ang envelope at binuklat iyon.
Dahil biglaan ay wala pa akong naiisip na theme sa pagbisita nito, yet I need to convince him that we are deserving for the sponsorship. Gusto kong gawing personal at para lamang kay Mr. Hwa ang event kaya kailangan kong maging pamilyar sa buhay nito.
“Mr. Hwa. . . ” sambit ko pa habang ibinubukas ang envelope. Ngunit, ganoon na lang din ang gulat ko nang bumungad sa akin ang isang pamilyar na pangalan. “Mr. Hwa Dae Hyun?”
Gulong-gulo ang isip at hindi makapaniwalang tiningnan ko ang maliit na larawang nakadikit sa pinakataas na bahagi. “UA Hotels?
Hindi ko alam kung ano ang maaaring maramdaman. Pagkatapos ng hindi ko mabilang na mga taon ay muli kaming magkikita. Hindi. . .
Marahas mong ibinaba ang iilang papel na hawak at tinawagan ang babaeng ilang beses ko rin nagawang isumpa sa relasyon nito sa lalaking ilang taon ko ring nagustuhan.
Pagkatapos ng ilang ring ay tuluyan ko nang narinig ang boses ng babae. “Chris, what’s up?”
It was Reina, my cousin.
“Rei, I need to ask you something. . .” deretso kong sambit. Ilang taon ko ring itinikom ang bibig ko noon para huwag magtanong at ma-curious. “Are you. . . and Dae Hyun. . .” Sumuko ako sa pagtatanong sa pagkakataong iyon at mas pinili ang bumuntong-hininga.
I shouldn't ask, right? I shouldn't get my hopes up.