Chapter 2: He doesn't know her
Alam kong hindi ko na kailangang alamin. Hindi ko na kailangang ma-curious, lalo pa’t sigurado akong hindi rin makakatulong sa event ang kung ano pa mang malalaman.
Nagtagal ang pagsagot ng babae. Mas nauna pa nga itong tumawa kaysa sagutin ang tanong ko.
Reina and Dae Hyun was once engaged. Hanggang doon na lang ang alam ko lalo pa’t nang malaman ko pa lang na Reina likes Dae Hyun and she had been convincing her father, my Tito in my mother’s side, to get her married with the man ay tumigil na ako. Itinigil ko na ang kung anong nararamdaman sa lalaki.
I was his fan from afar, and I was even happy about it. Ang totoo, hindi nga kami nagkaroon ng pagkakataon para makilala ang isa’t isa dahil kahit pa pinsan ko si Reina na siyang kasintahan niya noon ay hindi talaga nagku-krus ang landas naming dalawa.
I’ve been admiring him silently until I graduated college. Bukod kay daddy at sa mga libro, siya na rin siguro ang naging motivation kong pumasok sa araw-araw at maka-graduate.
Akala ko, kahit man lang pagkakataon na makilala siya ay mapagbibigyan ako pero pagkatapos noon ay pumutok naman ang balitang pagiging engaged nito sa aking pinsan.
“We broke up, Chris.” Nagpatuloy ang babae sa pagtawa. “Why? What’s up with him? We’ve been silent for a while now. . . and I guess, you wouldn't see this as a chance, right? It would be impossible kung hanggang ngayon siya pa rin ang crush mo. You’re not that desperate.”
Sandali akong natahimik sa sinabi ng babae. Of course, kailan pa ba ako titigil kakaasang magkakaroon kami ng matinong pag-uusap?
“Isa pa, I’m planning to have him again. Hindi mo naman siguro pinaplanong sulutin si Dae Hyun, ‘no? Tito Christian will definitely be disappointed,” dagdag pa ng babae. “Sa tuwid na daan lang, ha, Christiane?”
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sagutin ang mga salitang ibinato niya sa akin nang patayin nito ang tawag. Sa sumunod na mga segundo ay kaagad kong pinagsisihan ang pagtawag sa babae.
Bakit sa dinami-rami ng taong pwede kong mapagtanungan ay si Reina pa ang napili ko?
Pagkatapos ng napakaraming taon ay wala pa rin talaga ni isang pinagbago ang babaeng iyon. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit noon pa man ay pinaiiwas na ako ni daddy sakanya.
Kinuha kong muli ang envelope at mga papel at nagdesisyong bumalik na sa sarili kong kwarto para makapagplano. Mayroon na lang akong dalawang linggo para makapaghanda—para ihanda ang lugar pati na ang sarili.
* * * * *
HIndi ko na namalayan ang sumunod na mga araw. Basta ba paggising ko na lang ulit ay hawak ko na manibela at patungo ako sa airport kung saan ko susunduin si Mr. Hwa.
Naging p*****n ang mga nakaraang araw para sa amin. We were busy as hell. Mayroon naman kaming plano pero inasahan kong hindi namin iyon magagawa sa maiksing panahon na mayroon kami.
Kahit nga ngayon, oras na lang ang bibilangin bago magsimula ang event ay ngarag ko pa ring iniwan ang iilang mga facilitators pati na si Miss Ima na taranta pa ring kino-contact ang mga guests.
Sandali kong pinilig ang ulo. Hindi ko dapat isipin ang naiwan doon dahil may hinahanarap akong mas matinding krisis. Ilang beses na akong tumingin sa salamin para pagmasdan ang itsura ko ngayong araw pero wala iyong ibang naiuudlot sa akin kundi ang kaba.
Distracted din ako noong mga nakaraang linggo kaya hindi ko alam kung matutuloy ko pa ang pangako kay Miss Ima.
“Calm down, Chris. . .” pakiusap ko sa sarili. “How can I calm down? After years and years, ngayon ko lang ulit siya makikita. Hindi ko nga alam kung. . . kung. . .” pagsagot ko rin agad dito na talagang hindi ko na nagugustuhan.
Nang makahanap ng mapagpa-parking-an ay padabog akong lumabas sa sasakyan. Parang sirang plaka, paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni Reina sa tainga ko.
“Isa pa, I’m planning to have him again. Hindi mo naman siguro pinaplanong sulutin si Dae Hyun, ‘no? Tito Christian will definitely be disappointed,” dagdag pa ng babae. “Sa tuwid na daan lang, ha, Christiane?”
Bagsak ang balikat kong pilit na kinukumbinsi ang sarili habang naglalakad patungo sa Exit 2 kung saan lalabas si Mr. Hwa. Sandali kong inayos ang placard na hinanda para makita nito.
"Welcome, Mr. Hwa of UA Hotels."
Sa bawat isang taong lumalabas ay ramdam na ramdam kong parang mayroong humihigit sa aking paghinga. Patagal nang patagal ay mas lalong naghuhuramentado ang sistema ko.
What should I say to him? Pakiramdam ko, pati iyon ay kailangan kong planuhin lalo pa't sigurado akong magsa-shut down ang utak ko mayamaya lamang.
“But how can you say that, Chris?” Narinig kong muli angmaliit naboses sa likod ng aking isip. “Hindi mo naman na siya nakita. Sigurado akong wala ka ng iba pang nararamdaman ngayon.”
Tumango-tango akong parang sira bilang pagsang-ayon sa boses na ako lamang ang nakaririnig. “Isa pa, natanggap mo na ring engaged siya sa pinsan mo noon at, of course, you have no other agenda. Purely work.”
Sa sunod kog pabuntong-hininga, parang kabuteng biglang may sumulpot sa harapan ko mismo.
Isang lalaking nakasuot ng isang puting tuxedo ang biglang lumitaw sa aking paningin. Nagbigay ito sa akin nang malawak na ngiti bago nagsalita. “You're from German Books?”
Ilang segundong nag-hang ang utak ko. Kung hindi pa nga nito tinapatan ang aking tingin ay hindi pa ako matatauhan.
“Mr. Hwa. . . yes, I am from German Books. I'll be the one who'll drive you to your hotel,” mariin kong gagad habang pilit na pinakakalma ang sarili.
“Thank you,” sagot pa nito. Naglahad din ang lalaki ng kamay na nanginginig-nginig ko pang inabot. “I am Mr. Hwa Dae Hyun from UA Hotels. I am sure you knew something about me.”
Sandaling humalakhak ang lalaki dahil sa sinabi. He is obviously trying to lift the mood pero ako itong mukhang tuod na hindi pa rin makapaniwala dahil sa nangyayari.
“Oh, it's rude of me to forgot. You are?”
Sa sumunod nitong tanong ay napatingin lang ako sa lalaki. Bahagya akong napabaling sa taas dahil may katangkaran ito. Natigilan ako at saka tinatapatan ang mga titig niya na para bang may magagawa iyon para kumbinsihin itong alalahanin ako.
WIth that, I felt lightning strikes at me. Para akong bumagsak galing sa isang mataas na lugar dahil nakalimutan ko kung sino ako.
Nakalimutan kong bigla kung ano ang lugar ko sa lalaking kaharap.
“Ah. . .”
How can he even recognize me? Paano nga ba ako makikilala ng isang taong tinatanaw ko lang mula sa malayo noon pa?
“I am. . . Christiane Schreiber.”