Two: Teacher Gaia

1724 Words
"Gaia, hindi ka naman maglalayas, 'di ba?" Napabungkaras ako ng tawa nang salubungin ako ni Tita Dap. At hindi siya nag-o-overreact ngayon dahil talagang marami akong bitbit. Sa sobrang dami kasing kailangang asikasuhin ay kinapos pa ako ng oras sa paghahanda ng lugar ko sa faculty at talagang sa unang araw ng school ko pa magagawa kaya mukha akong maglilipat-bahay. Dahil na rin sa iilang kahong kailangan sa school pati ang sandamakmak na paperworks at isa lang ang ibig sabihin nito, isa na talaga akong guro. "Tita Dap, dito pa rin ako magdi-dinner kaya baka naman? 'Yung chicken wings natin dyan," natatawa kong sabi habang nagmamadaling ipasok ang lahat ng gamit sa sasakyan. "Magtake-out ka na lang kaya. Saka may date ako ngayon, 'no!" "I knew it! Doon lang kayo sa kwarto mo Tita, ha." Naghampasan pa kaming dalawa sa kakatawa. Masaya nga ako, actually. Noon kasing pumapasok pa ako, walang ibang ginawa si Tita Dap kundi alagaan ako kaya wala na siyang oras para sa ganyan. Nang maipasok ko ang lahat ng gamit sa sasakyang gagamitin, nagmadali na rin akong makaalis. Hindi pa halos matapos ang pagpapaalam namin at muntik pa magdramahan. "Anong tinitingin-tingin mo dyan bata ka?" Umiling-iling ako, "Tita, gusto ko na ng pinsan–" "Gaia Rowen!" Dali-dali akong umalis kahit pa hindi na ako halos makahinga sa kakatawa. Pulang-pula 'yung mukha ni Tita Dap dahil sa sinabi ko. Wala namang masama sa sinabi ko basta ba ready na siya at kayang-kaya naman naming buhayin ang bata. Mas masaya kayang may sanggol sa bahay. Maingay pero nakakawala raw ng stress, sabi ng mga ka-blockmates ko noon. Nasa daan ako nang tumawag ang magaling kong kaibigan. Hindi ako iyong babaeng friendly at lahat ay kayang kausapin kaya pasalamat na rin akong may naligaw sa aking isa. "Where are you?" sabi nito sa kabilang linya. "Way to school. I'm driving." "Ngayon na pala 'yun! OMG. I'll visit you later–" "Genie, naman." "I'm with Feijo." Agad akong natahimik sa sinabi niya. Alam niya talaga kung anong weakness ko, eh. Wala na akong magagawa r'yan. "Okay, see you." Tumawa pa ang kaibigan pero agad ko nang binabaan. Maingay si Febie kaya paniguradong manggugulo lang 'yan sa school pero kung kasama naman nito ang anak, alam kong hindi na ako makakatanggi. Febie was my batchmate din in DJC. BSBA ang kurso pero ayun, nagkaroon ng Feijo kaya tumigil. Still, alam ko naman ngayong okay ang dalawang iyon lalo pa't recently ay may naitayong bake shop si Fely. Umuusbong na rin ang status ng bake shop kaya wala na akong mas ipapa-proud. Nang makarating sa DJC ay hindi ako nagsayang ng oras. Kadalasan kong binabati ang mga gurong nakakasalubong pagkatapos ay dumeretso na ako agad sa pag-aayos ng pwesto ko sa faculty. Mabuti na lang alas-dies pa ang klase ko kaya may oras pa para makapagpahinga pagkatapos. *** "Gaia?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang apat na batchmates ko rin. Sa pagkakatanda ko, scholar din ang mga ito. Mukhang pare-pareha lang kami ng sitwasyon gayong mga nakauniporme rin sila. "Celine, Kayla. . ." Turo ng isa sa dalawang babaeng may salamin. Parang ngang kambal ang dalawa, ang kaibahan lang iyong Kayla ay ang laki-laki ng ngisi samantalang si Celine ay akala mo naagawan ng ulam. "This is Cielo." Kumaway sa akin si Cielo na plakadang-plakada ang kilay at dinaig pa ako sa ganda ng shade ng lipstick. He looks so pogi on the outside pero mukhang pareha kami ng gusto. "And me, I am Thalia." Mabilis kaming nagkasundo kahit mukhang iba-iba talaga ang ugali at vibes. Nagkakasundo pa rin naman kami sa pagtuturo. Alas-dies nang nagsimula akong maghanda. Unang klase sa unang araw ng pasok, nagtungo ako sa banyo para palakasin ang loob. Lagi ko ‘tong ginagawa lalo na pagkinakabahan. Pati na rin tuwing nanghihingi ako ng goodluck sa mga magulang na nasa itaas na. "Come on, Gaia. Of course you can do this–" "'Yun na 'yon? Tarantado ka pala, eh. Susugod ka hindi ko naman kilala inaasinta mo. Loser freak!" Gulat man at nanlalaki ang mga mata, dali-dali kong tinungo ang pinanggagalingan ng ingay. "Matalo kung matalo, pupuruhan kita—" "Mas lakasan mo naman! Para lang akong kinagat ng langgam. . .." Malaking kumpol ng mga lalaki ang nadatnan ko sa bandang likuran ng lugar. Iilan doon ay tumba na at mabibilang na ang mga pasa sa mukha. "Teka, sandali!" Sa sandaling iyon ay sobra akong kinabahan. Una, baguhan lang ako kaya malamang ay hindi ako kilala ng mga ito. At isa pa, mas matatangkad ang mga ito sakin. Kung hndi ko lang iisipin na estudyante sila rito baka tumakbo na lang ako palayo— "Ah!" "Takbo na dali!" Sumunod ko na lang namalayan ay nahalikan ko na ang daan. Yup, too much for a first day in school. Kahit pala hindi kasali sa kung anong tropahan, pwede ka pa ring masapak. Sa isang iglap, nagtakbuhan ang mga estudyante kaya napatingin ako sa lalaking nanatili. Napakamot ito sa ulo habang hiyang-hiyang nakatingin sa akin bago inilahad ang kamay. Mabilis ko iyong kinuha at agad naman niya akong tinulungang makatayo. Tandang-tanda ko ang mukha nito. Siya iyong sumuntok sa pisngi ko kanina. Pasalamat na lang ako at mukhang nabawasan ang pwersa dahil na-realize niya atang ibang tao ang matatapunan niya ng suntok. Pagkatayo ay mabilis kong kinapa ang pisngi ko. Mahapdi iyon kaya mabilis akong nagpanic. Hindi magandang magkaroon ng pasa sa unang araw ng klase. "H-Hindi naman nagka. . . pasa." Napahinto ako sa pagkuha ng cellphone para sana magsalamin. Nakahinga ako nang maluwag nang makumpirmang malinis pa rin ang mukha ko at walang bahid ng kung ano. "Sigurado ka?" tanong ko. I tried my very best not to sound rude. Kahit medyo naiinis ay alam komg hindi naman niya iyon sinasadya. "Ah, o-oo. Pasensya talaga. Hindi naman para sa'yo 'yung suntok." Napangiti na lang ako sa narinig saka dumeretso na sa paglalakad paalis doon. Panandalian ko munang binalewala ang paghapdi ng pisngi. "Saan ka pupunta? Hindi ka ba magpupunta sa guidance office?" Natigilan ako sa tanong niya. "P-Para isumbong kami? Ako?" Natawa na ako nang tuluyan. Mukhang sa sobrang dalas na ng lalaki sa guidance office ay gusto niya ng isuko ang sarili niya sa lugar. "Nope. Make sure this is your last. I won't waste my time. May klase pa ako," sagot ko saka tumuloy sa paglalakad. "Anong course mo?" Rinig ko pang tanong niya pero hindi ko na nagawang sagutin dahil na rin sa distansya at pagkadismaya. Hindi ko maisip kung ano ang pwedeng maramdaman. Wala siya ni isang ideya na teacher ang kausap niya gayong nakauniporme naman ako. *** "Good morning, everyone." Sandaling natahimik ang buong klase. Lahat sila nakatingin sa akin pero wala ni isang tumayo o bumati man lang. “Well, uh, that's rude. . .” pakikiusap ko sa sarili. "I'm your Mathematics in the Modern World teacher — Ms. Gaia Rowen. It's nice to meet you all." Hindi ako makapaniwala at alam kong ganoon din sila dahil kahit sinabi ko na kung sino ako ay may pagdududa pa rin sa mukha ng mga ito. May iilang tumayo kaya gumaya na rin ang karamihan. "Good morning, Ma'am." That's it. I'm officially a teacher now! Alam kong matagal na akong naging ganap na guro pero iba ngayon. Ramdam na ramdam ko ang propesyon. "Alright. Katulad nga ng sinabi ko, I'm Gaia Rowen. DJC is my alma matter. I'll be teaching MMW and since you are my freshmen students, I know sisiw na lang sainyo ang subject na ito but please take it seriously. It's a general subject pero please treat it as important as your specialized subjects. Next meeting, I'll be discussing outlines for the subject na review na rin for you, guys. But for now, if you don't have any questions, I want to meet and know everyone of you. Please introduce yourself on any ways you're comfortable with." Nanatili akong nakatayo sa harap nila. Paisa-isa kong pinagmamasdan ang mga estudyanteng naguguluhan pa rin at hindi pa rin makapaniwala sa akin. Mayamaya, nagtaas ng kamay ang isang lalaking nakaupo sa bandang likuran ng silid. Pero imbes na dumapo ang tingin ko rito, sa katabing estudyante niya ako napabaling. It was the guy! Iyong nanghiram ata ng kamao ni Manny Pacquiao. "Yes? Question?" "Yes, ma'am. Ilang taon na ho kayo?" Napuno ng ingay ang buong classroom. Purong tawanan at sigawan ang narinig ko. Inaasar ang kaklase nitong hindi na raw nahiya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nang banggitin ng presidente ng DJC ang age bracket ng tuturuan ko ay ito na agad ang naisip ko. Hindi naman sa pagiging assumera pero naging kolehiyo rin ako at talamak ang mga ganito noon. "I'm... 24." Lying is not good but today, lying will save me. I graduated from DJC when I was 20. Same year, I took the LET. Noong nakapasa at nag-oath taking, 21. Magtu-22 pa lang ako months from now. Alam kong mali pero kasi kapag sinabi ko sakanila ang totoong edad, malaki ang tsansang matulad ako sa iilang guro noong college ako. Madalang pakitaan ng respeto dahil halos kaedad lang. I'll promise to face the consequence of this action, soon. "24? Grabe ang bata niyo pa po tingnan!" "Oo nga! Para ka lang hong nagdebut kahapon!" Napuno ng tawanan ang lugar at hindi ko iyon agad na nagustuhan. "Alright. Enough. Well, you can treat me as your friend once na tumapak na tayo sa labas ng school. You can joke around, I can laugh with you. But let this room be our wall. Dito, estudyante at guro ang turingan natin. I want you to take this subject seriously. Plus, do note that I am rooting for you all. Kaya magtutulungan tayo. . . I'll be facilitating the learnings at kayo, mag-e-effort lahat para maintindihan ang lesson. Kung may hindi nakuha, ask. Kapag may problema o kaya confused, ask. As long as it's about my subject, it's always welcome. Understood?" Nagtanguan lang ang lahat. May iilang nakatitig lang, ang ilan naman ay nakangiti. "Now, can you please share a bit information about yourself? I want to hear your voices.” Hindi rin nagtagal ay isa-isa nang nagtanguan para magpakilala ng sarili. There I found what's missing. I can feel my contentment running through my veins already.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD