ISANG ginang ang nakarinig sa pag-iyak ni Bubot. Sumilip ito sa loob at laking gulat nang makita ang kapwa mangangalahig sa kalunus-lunos na anyo. Agad itong nagsisigaw at humingi ng saklolo. Ilang sandali pa ay nagkakagulo na labas ng bahay ng mag-ina. "A-ANO'NG sinasabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Puyo. "Ano ka ba? Hinaan mo naman ang boses mo. Pambihira ka. Gusto mo bang marinig ni Bosing ang masamang balitang nasagap ko sa labasan?" Saway ni Tiklo sa kausap. Nagmamadali itong sumilip sa loob ng silid na kinaroroonan ng kinikilalang lider. Nang makitang natutulog, napabuga ito ng hangin. Gaya ng kaibigan, nagimbal din ang lalaki nang marinig ang balitang patay na si Bibeng. Hindi rin makapaniwala dahil bago pa umalis patungo sa bodega ni Ninong

