CHAPTER 13 - Bangungot ni Bibeng

2087 Words

''HABULIN n'yo ang hijo de putang gustong yumari sa akin! Hanapin niyo! Iharap niyo sa akin at ako mismo ang gigilit sa lalamunan ng hayup na 'yan!'' Mariing utos ng lalaking mestiso sa mga tauhan. Hawak nito ang duguang brasong dinaplisan ng bala. Nagngingitngit sa galit at halos umusok ang bumbunan. Agad namang tumalima ang limang lalaking inutusan, habang ang dalawang naiwanan ay nanatiling nakabantay kasama ng isang babaeng naglalapat ng lunas sa mestisong duguan. "Hanapin niyong mabuti! Siguradong nandiyan lang ang tarantadong 'yan at nagtatago. Halughugin niyo ang bawat sulok!" Utos ng lalaking tumatayong lider ng pangkat. Naghiwa-hiwalay ang tatlong lalaki. Pare-parehong alerto. Pinatatalas ang pakiramdam at pilit inaaninaw ang hinahanap sa pusikit na liwanag. Naiwan naman sa git

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD