CHAPTER 8 - Astig at Tigasin

1995 Words

GAYA nang inaasahan, malayo pa lang ay nakatanaw na sa kanya ang grupo ng mga kalalakihang kanina ay lilima lang. Ngayo'y walo na ang nasa harapan ng lamesita at nagsasalo sa inuming nakalalasing. Natigil ang kwentuhan at tawanan ng mga ito at pare-parehong sa gawi nilang mag-ina tumingin. ''Anak ng--, nadagdagan pa! Paano kaya 'to?'' Bulong niya sa sarili matapos sulyapan ang anak na hindi man nakikita'y tiyak niyang sa mga nag-iinuman din nakatingin. Lumingon si Bubot sa kanya, kaya naman agad siyang ngumiti. Binibigyan ito ng asyurans na walang dapat katakutan at alalahanin. Itinatago ang mga daga na nagsisimula nang magtakbuhan sa loob ng kanyang dibdib. Habang papalapit, panay ang tahimik niyang usal ng panalangin, ''Bahala na si Batman!'' Pagpapalakas loob niya sa sarili. Bahagy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD