"TIKLO, gumising ka! Si Bosing, lumabas!" Paulit-ulit na sabi ni Puyo habang niyuyugyog ang kasama. Nabalikwas sa pagbangon ang lalaki, "A-ano? Sigurado ka ba? Baka naman bumili lang ng yosi. O kaya nasa kubeta." Tumayo na rin ito at tinungo ang kubetang tinutukoy, "Tang-ina!" Pagmumura nito nang walang makita. Dahil iisa ang naisip na dahilan sa pagkawala ng kinikilalang pinuno, gumayak na ang dalawa sa paglabas. Mabilis ang malalaking hakbang. Narating nila ang lugar nila Bibeng. Nanghahaba ang leeg ni Puyo sa paghahanap kay Digong, "Wala siya sa lamay ni Bibeng." Ganoon din naman si Tiklo, inililibot nito ang paningin sa mga taong natatanaw, "Saan kaya siya nagpunta? Siguradong nandito lang siya sa paligid." Nakita nila ang mga pilter ng sigarilyo sa lupa. Palatandaang doon tumayo

