CHAPTER 17 - Lagim sa unang gabi

1997 Words

NILAGYAN na ng kulay dilaw na harang ang paligid ng barung-barong kung saan naroon ang tatlong bangkay nila Don-don, Eloy at Ben. Sa unang tingin pa lamang ay masasabing hindi tirahan ang lugar na iyon kundi pahingahan o silungan. Ang apat na haliging maiigsi ay pinagdugtong-dugtong lang. Manipis na yerong butas-butas at puro kalawang ang bubong. Ang pinakadingding naman ay mga sako at malapad na plastik na mismong sa tambakan ng mga basura matatagpuan. May mahabang bangko, shell ng de bote na ginagamit bilang mesa at maliit at lumang upuang plastik sa loob. Nagkakaingay ang mga tao sa kani-kanilang pinag-uusapan. Karamiha'y nakikinig sa sinasabi ng mga naunang dumating at nakakita sa tatlong bangkay. May nagtatanong na animo imbestigador at tagapagbalita sa telebisyon. Bawat isa ay may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD