CHAPTER 2 - Bangungot ng isang musmos

2164 Words
"T-TAMA na. Parang-awa niyo na. P-please, tama na po." Pagmamakaawa ng dalaga. Luha, sipon, pawis at dugo sa pumutok na labi ay magkakahalo na sa magandang mukhang kakikitaan ng matinding paghihinagpis. "Anong tama na, magsisimula pa nga lang tayo, e." Nakangising sabi ng isa. Tumingin pa ito sa mga kasamahang nagtatanguan naman. Animo mga asong nasasabik pumungos ng sariwang buto. Luminga siya, naghanap ng malulusutan. Nang madadaanan upang matakasan ang mga hayup na nakapasok sa silid ng mga magulang. Nangangatog ang buo niyang katawan. Sinulyapan niya ang mga ito at pagkatapos ang kapatid. Wala na siyang ibang aasahan kundi ang kanyang sarili. Alam niyang wala siyang magagawa, wala na siyang kawala. Pero hindi siya papayag na pagpasasaan ng mga dimonyong nakangisi sa kanya. Mamamatay muna siya, bago maisagawa ng mga ito ang binabalak. "Huwag ka na magpakapagod pa, Snowhite. Akala mo ba makakatakas ka? Hindi kami papayag na bigas na e maging bato pa? Kaya halika na rito!" Mabilis na dumaluhong ang lalaki. Subalit nakailag siya at agad na nakatakbo palayo. Narinig niya ang malakas na pagmumura nito kasabay ng malakas na tawanan ng mga kasama at ng lalaking nakaupo sa upuan ng kanyang ama. Umugong ang kantiyawan kaya lalong namula ang mukha ng lalaki. Napaurong siya nang dahan-dahan itong naglakad sumunod ang apat pang lalaki. Palapit sa kanya, paikot sa kanya. NAgtawanan ang mga ito nang sumayad ang likod niya sa dresser. Sukol na siya. Sa kanan, sa kaliwa at sa harapan. Naroon ang mukha ng mga lalaking kinasusuklaman niya. ----- Nakikita niya ang kanyang ate. Umiiyak, may dugo. "D-daddy, wake up. Ate is in danger. Those monsters will hurt her. Save her, Daddy. Please....," pakiusap niya. Kagaya nang ginagawa nito tuwing hinahabol siya ng mga halimaw sa kanyang panaginip. Dumadating ito at tinatalo ang mga kalaban. Naililigtas siya. Ngunit hindi na kumikilos ang kanyang ama. Nawalan na ito ng kapangyarihan at tinalo ng mga halimaw na dumating. Walang patid ang pagdaloy ng kanyang luha. Hindi alam kung ano ang dapat gawin upang matulungan ang kapatid. Napaigtad siya nang tumakbo ang ate niya palapit sa kanya. Bubuksan sana niya ang pintuan ng pinatataguan upang papasukin ito at hindi makita ng mga halimaw na humahabol. Ngunit naharangan iyon ng ate niya. Tinawag niya ito. Mahina lang, pabulong lang. Ngunit hindi siya narinig. Sumandal lang sa pintuan kaya imbis na mabuksan ay lalo iyong dumiin sa pagkakasara. Sinubukan niyang itulak uli iyon upang mabuksan. Kailangang makapasok sa loob ang ate niya upang makapagtago gaya niya. Tinawag niya uli ito. Bahagya pa niyang inilakas ang boses upang sa pagkakataong iyon ay marinig na siya. Ngunit wala pa rin. Patuloy pa rin ito sa pagsiksik sa dahon ng pintuan. "Monsters are coming, ate. They will harm you. Here, ate. I'm here. Come, ate. Hurry!" Mga salitang nais niyang isigaw ngunit hindi naman nito pinapansin. Umiiling lang ito habang dinidiinan ang pagkakasara ng aparador. ------- ''Oh, God!'' nasambit niya. Narinig niya ang boses ng kapatid. Ito nga kaya ang tumawag sa kanya? Hindi ba siya nagkakamali lang? Naramdaman niyang may tumutulak sa pintuan ng aparador. May nagbubukas mula sa loob! "Si Bunso nga! Nandito siya, nasa loob siya ng dresser nila Mommy!" Nawala ang takot niya para sa sariling kaligtasan. Humalili ang pag-aalala para sa pinakabatang miyembro ng kanilang pamilya. Lalo niyang isinandal ang katawan, itinukod pa ang kamay upang mapigilan ang pagbubukas na ginagawa ng nasa loob. Muli niyang narinig ang tinig ng kapatid. Tinatawag siya. Malakas na ang boses nito kumpara sa naunang pagtawag sa kanya. Nataranta siya, hindi niya malaman ang gagawin. Kung magpapatuloy ito sa ginagawa ay hindi malayong matagpuan na rin ito at mapatay. Hindi! Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa kanilang bunso. Kailangan niya itong pigilan, kailangan niya itong mailigtas sa tiyak na kapahamakan. Umiling siya nang umiling, ''For God sake, stop doin' that. Don't make any noise and stay there!'' gusto niyang sabihin sa kapatid. Nagtawanan ang mga lalaki. Kung kanina gusto niyang takpan ang magkabilang tenga upang hindi marinig ang kasuklam-suklam na halakhakan ng mga ito, ngayon ay gusto na niyang matuwa. Gusto na niyang ipagpasalamat ang bagay na 'yon. Naghanap siya ng tiyempo. Kailangan niyang makakita ng pagkakataon, ng tamang pagkakataon. Sasawayin niya ang kapatid. Hindi ito dapat makita. Ito man lang ay makaligtas at hindi mapahamak sa kamay ng mga taong gustong pumatay sa kanilang mag-anak. Tumagilid siya, nagkunwang ikinukubli ang mukha sa mga lalaking papalapit. Inilapit niya ang bibig at itinapat sa maliliit na siwang. Tinitiyak na maririnig nito ang sasabihin niya. "No," bulong niya at saka bahagyang inilayo ang mukha at katawan. Hindi niya nakikita ang kapatid ngunit alam niyang nakikita siya nito. Umiling siya at pagkatapos ay muling lumapit. "Stay there and hide." Mahina uli niyang sabi. "Huwag ka na magdasal Snowhite, dahil wala ring mangyayari. Hindi kami madadala sa mga ganyang drama.?" Winika ng isa at saka muling tumawa. "Thank God!" Pasalamat niya dahil sa inakala ng mga ito. "Sandali lang!" Sigaw ng pinuno, sabay bagsak ng baso sa ibabaw ng mesa. Huminto sa paglapit ang limang lalaking nagulat at naglingunan. Bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makitang tumayo ito sa inuupuan at tiim bagang na tumitig sa kanya. "No..." aniya nang umpisahan nito ang paglalakad palapit sa kanya. Abut-abot na ang kanyang kaba, nakita nito ang ginawa niya. Alam na nitong may nagtatago sa loob ng aparador na tinatakpan niya! Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha. Natulig ang kanyang tenga, namingi. Nangapal ang pisngi niya sa sakit. "Ang dami mong arte!" Bulyaw nito sabay dakot ng isang kamay sa ilalim ng kanyang baba at pagkatapos ay pwersahan siyang binitbit. KUsa niyang inihakbang ang mga paa, hindi dahil nasasaktan siya at hindi makahinga. Kundi sa katuwaan na siya pala ang puntirya nito at hindi ang kapatid niyang nagtatago. Hindi na siya pumiglas at naging masunurin. Baka mabuksan pa ang pinagtataguan at makitang naroon ang bunso ng mga Caballero kung hindi siya lalayo. Nagpasalamat siya nang umalis na rin ang mga lalaki sa tapat ng aparador at nagsunuran sa pinunong may hawak sa kanya. Padarag siyang itinulak ng pinuno sa ibabaw ng kama at saka bumalik sa inuupuan. Hindi na siya lumaban, pinabayaan na niyang gawin ng mga tauhan nito ang kahayupang binabalak. Pinigil niyang mapasigaw. Ayaw niyang marinig pa ng kapatid ang kanyang paghihirap. Titiisin niya na lamang. Hindi siya dadaing kahit nasasaktan. Sa kamang kinaroroonan ay hindi nito matatanaw ang nangyayari sa kanya. Hindi nito makikita ang kababuyan ng mga lalaking nagpapasasa sa kanyang katawan. Umaagos ang kanyang luha habang nakatitig sa kisame, pinipigilan niya ang sariling sulyapan ang kinaroroonan ng kapatid. Mabubuhay ang kanilang bunso, makakaligtas ito. Sapat na iyon upang matiis niya ang nararamdamang sakit, ang hapdi sa tila napupunit niyang laman. Hindi masasayang ang buhay niya, mamamatay siya ngunit ito ay hindi. ----- "A-ate...." Malungkot siyang napayuko. Ayaw ng ate niyang pumasok sa loob ng pinagtataguan niya. Umiiling ito at ang sabi ay doon lang siya. Magagalit ito kapag hindi siya sumunod, hindi na siya kukwentuhan ng magagandang Alamat kapag naging matigas ang kanyang ulo. Hindi na siya isasamang manood ng sine at kumain sa labas kapag hindi niya ito sinunod. Napaurong siya nang lumapit ang hari ng mga halimaw! Sinampal nito ang ate niya at saka sinakal. Kinuha nito ang ate niya at inilayo sa kanya. Wala siyang magawa, ang liit-liit pa niya. Paano niya ililigtas ang kawawa niyang ate? Paano niya ito matutulungan? Kung sana malaki na siya, kung sana malakas na siya. Kung sana may kakaiba siyang kapangyarihan gaya ng mga napapanood niya sa telebisyon. Kung sana...., kung sana.... Naupo na lang siya at umiyak nang umiyak. Tinakpan ang bibig para walang makarinig sa kanya. Naroon pa ang mga halimaw. Naririnig pa niya ang boses ng mga ito. Nagtatawanan, nagsisigawan, humihingal, umuubo. Hindi niya naririnig ang ate niya pero alam niyang naroon pa rin ito. Tinutukso ito ng mga halimaw, inaaway at pinagtatawanan. Matagal siyang naghintay na palabasin ng kapatid. Tatawagin siya nito o kayay bubuksan nito ang aparador at susunduin siya sa loob. Ang tagal naman, naiinip na siya. Kung gaano na katagal ay hindi niya alam. Basta matagal. "Tama na 'yan! Wasak na wasak na 'yan. Tapusin niyo na." Narinig niya kaya nag-angat siya ng mukha. Tsug! Nagulat siya sa narinig! Alam niya ang ibig sabihin ng tunog na 'yon. Ang ate niya...., ang ate niya! "Aah!" Daing niya nang hindi agad makatayo. Masakit at hindi niya maiunat ang mga tuhod. Nagkadikit yata ang alak-alakan niya kaya hindi mapaghiwalay. Inunti-unti niya ang paggalaw, dinahan-dahan. Kumapit siya sa damit na nakasabit at saka muling sinubukang tumayo. "Aahhh..." Masakit pa rin, pero unti-unti na niyang naalis sa pagkakadikit ang mga binti sa hita. Kaunti na lang at makakatayo na siya. Blag! Napaupo uli siya. Nabali ang sinasabitan ng mga hanger at bumagsak sa kanyang ulunan. Natabunan siya ng mga damit. ---- Lumabas na ang anim na lalaki. Sa wakas, umalis na ang mga ito. Tapos na ang paghihirap niya. Sa dibdib ang tama niya ngunit humihinga pa siya. Hindi siguro alam ng mga ito na buhay pa siya kaya basta na lang siyang iniwan. Nilingon niya ang aparador nang marinig ang paggalabog. Pagkatapos ay agad inilipat ang tingin sa pintuan. Kasabay ng panalanging sana'y nakababa na ang mga dimonyong pumasok sa kanilang bahay. Na sana ay hindi narinig ng mga ito ang ingay mula sa loob ng aparador na pinagtataguan ng kapatid. Dahan-dahan siyang nagpadausdos pababa. Idinapa niya ang katawan sa sahig upang kung may bumalik man sa silid ng mga magulang ay madadatnan siya roon. Iisiping siya ang may gawa ng tunog. Tinipid na niya ang natitirang lakas. Nakadikit ang isa niyang tenga at pisngi sa sahig upang marinig agad ang yabag na palapit. Nakaharap ang mukha niya sa pintuan upang makita ang darating. Kung sakali ay saka pa lang siya kikilos upang tanggapin ang balang isusukang muli ng dala nitong baril. Idinilat niya ang mga mata nang marinig ang pag-ingit ng aparador. Pinipilit niya sanang igalaw ang ulo at ipaling paharap sa loob ng silid ngunit hindi na siya makagalaw. Narinig niya ang maliliit na yabag, papalapit sa kanya. Nakadama siya ng pananabik. Gusto niyang makita ang mukha ng kapatid bago tuluyang ipikit ang mga mata. Malapit na, malapit na ang bunso sa kanya. Sa nanlalabong paningin ay sinikap niya itong aninagin. Ngumiti siya, kasabay nang pagtulo ng luha. ------ Nakita niya ang ate niya sa sahig. Walang kahit anong tabing sa katawan. Nakahubad at nakadapa sa dugo. Gusto niyang tumakbo para makalapit agad ngunit hirap na hirap siya sa paghakbang. Mabigat ang paa niya ngunit wala naman siyang nakikitang nakadagan. Humila siya ng kumot, lumuhod at tinabingan ang katawan nito. Nakadilat ang ate niya ngunit parang hindi siya nakikita. Hinaplos niya ang pisngi nitong namumula at basa ng pawis. Iginagalaw nito ang mga daliri. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ate at dinala sa kanyang pisngi. Nakita niya ang pagngiti nito kasabay nang pagpatak ng luha. "A-ate....." Tawag niya. "Ate......." Tawag niya uli...., isa pa...., isa pa at isa pa. Paulit-ulit niya itong tinatawag, ginigising. Ngunit pumikit na nang tuluyan ang ate niya. Hindi na siya naririnig. Inilinga niya ang paningin. Hilam na sa luha ang mga mata niyang magang-maga na sa kaiiyak. HAyun ang Daddy niya...., ang Mommy niya...., ang kuya niya at nasa tabi niya ang kanyang ate. Hindi na gumagalaw, hindi na humihinga. Patay na ang kanyang buong pamilya. MAg-isa na lang siya. Naisip niyang dapat yata ay lumabas na rin siya at hindi sinunod ang utos ng ate niya. Dapat sana'y hindi siya nag-iisa. Dapat sana'y kasama pa rin siya ng mga ito. Hindi gaya ngayong naiwanan na lang siya. Tumayo siya at naglakad palabas sa silid ng mga magulang. Pababa sa hagdanan. Binibilang ang bawat baitang. "Uno." "Dos." "Tres." "Cuatro." "Cinco." "Boss." "Uno." "Dos." "Tres." "Cuatro." "Cinco." "Boss." Hanggang sa makarating sa ibaba. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad, palabas. Nilampasan niya ang gwardiya matapos tapunan ng tingin at saka tuluyang lumabas ng gate. Patuloy pa rin sa paulit-ulit na pagbibilang. ------ Beeeeeeeeeeeeeep! Mahabang tunog ng busina kasabay nang pagkamot ng gulong sa madulas na kalsada. "Punyetang bata 'yan! Nasaan kaya ang mga magulang niyan?" Galit na sigaw ng lalaking kung hindi nakapag-preno ay tiyak na nabundol at nasagasaan ang batang bigla at dire-diretsong tumawid. "Paano kung hindi kumagat ang preno? Ang lakas-lakas ng ulan at halos mag-uumaga na nasa kalsada pa. Muntik na akong atakihin sa lintik na batang 'yan!" Dugtong pa rin nito matapos hampasin ng palad ang manibela. "Iyan ang hirap sa mga mahihirap. Anakan nang anakan pagkatapos ay pinababayaan lang lumaboy sa gitna ng kalsada. Tapos kapag nadisgrasya ang mga motorista pa ang sisisihing may kasalanan." Sabi naman ng babaeng kasama nito habang nakatanaw sa batang tuluy-tuloy lang sa paglakad. "Modus operandi na lang ang mga ganyang palabas. Para nga naman makakahingi ng danyos. Instant money na nga naman. Palibhasa'y mga patapon na ang buhay. Ang gusto pa ay mandamay!" Reklamo pa rin ng lalaki at saka muling pinaandar ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD