Carsyn Knight's POV
Kanina pa kami naglalaro ni kuya Carson ng habulan rito sa buhanginan. Tinuro niya sa'kin iyon, e. Nilalaro daw nila ng mga friends niyang guys, at dahil nagsasawa na akong mag-play ng dolls, I'm here with him.
Actually, magka-age lang kami but mommy said, I should call him kuya because he's the panganay daw.
He's my twin brother, but hindi kami same ng face. Mommy explained to me that we're fraternal twins. Hindi ko talaga naiintindihan 'yon pero I nodded na lang while she's speaking that time.
"Pahinga muna tayo, sissy. I'm tired," sabi sa akin ni kuya at naupo na. That's what I also did and sat beside him.
He put his arms on my shoulder, therefore, I lay my head on his chest.
Ngayon ko lang din napansin na magsa-sunset na pala. The orange sky is so beautiful, isn't it?
"Kuya, the view is so alluring oh, look!" I cheerfully said and pointed the apocalyptic and lavish color of the sky. So tranquil and gorgeous.
These eyes of mine were blessed after seeing this spectacular moment of a lifetime.
The celestial sphere look so enigmatic yet bewitching, unlike from the normal look of the sky.
Gusto ko ring makarating doon someday. Pero hindi muna ngayon dahil bata pa ako because mommy said, once you go to heaven, it only means that you're dead.
"Ang ganda nga, sissy," sagot niya sa akin at lumingon sa gawi nina mommy. Lumingon na rin tuloy ako sa kanila.
They looked so happy. We're all in one similar position while watching together the sunset.
Kuya suddenly turned my face in front of him and kissed my forehead. "What was that for?" I asked.
He just smiled at me while caressing my cheeks. "I sealed a promise with a kiss," he mouthed. Nagtataka ko siyang tinignan.
"Kapag makakakita ka ng sunset, palaging dapat ako o kaya sila mom ang maaalala mo," sabi niya.
"Why?" I asked.
"Because I think that this is the first time that we watched together a sunset, sissy," he replied.
Tumingin na siyang muli sa sky. Ang kaninang mala-kahel na kalangitan ay napalitan ng dilim at hamog na dumadampi sa aming balat.
"I wanna watch it again with you someday. Promise me, that every year, we'll go back here to watch the sunset, same date and same place." Kuya said and stood up. He offered his palm so I can stand up too.
We we're silently walking while holding each other's hand when I answered.
"Promise kuya, that no matter what happens, we'll watch the sunset again together!" I happily said. Nginitian na lang niya ako at ginulo ang aking buhok.
Tuluyan na kaming nakalapit kina mommy and daddy at masayang yumakap sa kanila.
"Mom, dad. Balik tayo dito next year, huh?" masayang paalala ni kuya, at tumabi kay daddy.
"Of course, baby. Beach house naman ito ng daddy niyo," mommy said while we're walking. Muling bumalik si kuya sa tabi ko at sinabayan kami ni mommy sa paglalakad.
Bigla kasing naunang maglakad si daddy dahil may kakausapin pa yata sa phone kaya't hindi na nakapagpaalam.
"Yehey! That's a promise mommy!" I tip-toed to give a kiss on her cheek. Mommy smiled at me. Bumaba siya ng kaunti para ma-kiss ko siya.
"And we're sealing it with a kiss, mom." Kuya assured her, then went on the other side to kiss mommy's cheek too.
"Ang sweet naman ng kambal ko, pa-hug naman si mommy!" mommy knelt down on the sand to give us a hug. Ngumiti pa kami ni kuya sa isa't isa at sabay na niyakap ang ina.
"Halika na, mga anak. Madilim na," sabi sa amin ni mommy. She stood up and brush away the sand that's covering her knee.
After that, hinawakan ko 'yong hand niya, while kuya held my other hand too.
Papalapit na kami sa resthouse when I suddenly realized something.
I really love my family so much. God already gave me the best memories with them so far. I'm not going to ask for more, I'm already contented with what I have right now.
Pagkatapos no'n, pumasok na kaming tatlo sa loob ng rest house.
Xavier Knight's POV
Pauwi na kami ngayon ng aking pamilya. 10 am pa lang pero nasa daan na kami.
Ayoko na kasing abutan ng dilim pag-uwi. May death threats nga, 'di ba? Nag-iingat lang.
Ang layo pa naman nitong pinuntahan namin. Limang oras ang biyahe. May driver naman kami kaya hindi ako masasagad sa pagmamaneho.
Tinignan ko naman ngayon ang kambal na masayang nagkukuwentuhan sa tabi namin ni Alex.
Van cruiser kasi ang dala namin ngunit sa tabi pa rin namin sila nakaupo.
Carsyn lay her head on Carson's groin whil he's brushing her long wavy hair using his fingers.
Ang cute talaga nilang dalawa. Bagay na bagay.
"I'll just sleep na kuya, huh?" Paalam ng cute na unica hija ko sa kapatid niya. Tumango naman si Carson bilang pagsagot at patuloy na sinuklay ang buhok nito.
Dahil wala nang maingay sa gilid namin, ibinalik ko na ang aking atensyon sa harap ng asawa ko. Nakapikit na ito habang hawak-hawak ang kamay ko.
My face turned red as I saw her beautiful face, still mesmerizing me.
Ihinilig ko ang mukha nito sa balikat ko at isinandal ang aking ulo hanggang sa unti-unti na rin akong tinangay ng antok.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil nakatulog kaming pareho.
Nagising ako marahil naalimpungatan ngunit dahil doon, nabaling ang tingin ko kay Alex at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. I studied her face.
Ang buhok niya ay mahaba at medyo kulot na hanggang balikat ang haba, bilugan ang mga mata pero sumisingkit naman kapag ngumingiti siya.
Matangos ang ilong pero hindi gaanong matulis katulad no'ng akin. Medyo makapal ang mga labi ni Alex na talagang nagustuhan ko. Pa-heart shape ang mukha nito, bagay na bagay sa pagkatao niya.
Medyo maliit na babae lang siya. Mga nasa 5'5 ang taas. Balingkinitan ang pangangatawan kahit nagka-anak na kaming dalawa.
I thought I'd never find the one for me. So when she came, I fell instantly.
She became the reason for my existence. My reason to live. 'Yong pagmamahal na naramdaman ko sa kaniya ay consistent. Mula una hanggang huli, ganoon pa rin.
Palihim kong sinilip ang mga bata na mahimbing pa rin ang tulog.
I looked at my watch to see what time is. Past 1 PM na pala. Ginising ko na si Alex by shaking her shoulder.
"Where's the food?" Tanong ko, "Let's eat." At inaya siyang kumain. Itinuro nito ang mga tupperware na nakalagay sa gilid.
"Sige. Nandiyan lang sa baba 'yong mga tupperwares. Gigisingin ko lang ang kambal," aniya.
I took the tupperwares and opened to check them. Hotdog, bacon and eggs ang laman no'ng isa while kanin naman 'yong kabila. Ganoon rin ang laman ng iba pa.
"Kids, wake up. Kakain na tayo," mahina niyang sabi at kinalabit ang dalawang bata.
Carsyn still had her eyes closed while Carson extended his arms to yawn.
"Anong food, daddy?" She asked while pointing the tupperware. Kinusot pa nito ang mga mata at humikab ulit.
"Hotdog, bacon, and eggs, princess. Here," sabi ko at inabot sa kanya ang dalawang tupperware na may lamang pagkain. Kumuha na rin ako nang para kay Sebastian at mga utensils na gagamitin nila.
"Thanks, dad." Nakangiting sabi nito habang kinukuha ang kutsara't tinidor sa mga kamay ko.
Inabot niya ang magkapares sa kapatid na sinimulan na ang pagkagat sa bacon niya. Ang takaw talaga ng prinsesa ko.
Tinignan siya ni Sebastian at sinaway ang kapatid. "Eat with this, sissy," he said.
"Okay!" Sabi naman ni Callista at kinuha ang utensils sa palad ng kakambal.
Habang kumakain na ang dalawa, kumakain na din pala ang asawa ko.
Hindi man lang ako inalok. Tawa at iling na lang ang naging reaksyon ko sa kanya.
Alam ko na talaga ngayon na hindi sa'kin nag-mana ang unica hija ko.
"Sorry, gutom na ako, e," sabi niya at nag-peace sign sa akin. Ngumiti na lang ako at hinalikan siya sa pisngi.
Hindi naman ako nagsasawang lambingin siya palagi dahil magmula noon, ay hindi siya nagsawang mahalin ako.
Sa kabila ng mga pagkukulang at pagkakamali ko, hindi niya ako iniwan at hindi siya sumuko sa akin.
Kumuha na rin ako ng tupperware at sinimulan na ang pagkain.
Napakaganda niya pa rin talaga kahit ilang taon na ang nakakalipas magmula noong pakasalan ko siya.
Natapos na kaming lahat sa pagkain at muling bumalik sa pagtulog ngunit wala pang isang oras kaming namamahinga ay biglang naalimpungatan si Alex na sa palagay ko ay nanaginip ng masama.
"Xavier, w-wake u--" she exclaimed whilst her senses came back as she woke up.
“What happened?" mahinang tanong niya. Bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata niya. Mukhang hindi niya ine-expect na tutulo iyon kaya nagulat siya nang makitang basa ang palad na pinamunas sa kaniyang pisngi.
"I think you're dreaming or having a nightmare rather," paliwanag ko at inalalayan siyang makasandal nang maayos sa back seat ng sasakyan namin.
Kaagad niyang hinanap sina Carsyn at Carson na mahimbing na natutulog sa gilid namin.
"Gaano na katagal ang biyahe natin?" tanong niya sa akin at sandaling nag-inat. Humikab rin ito habang nakataas pa ang dalawa niyang mga braso, nang sumagot ako.
"Half an hour," tugon ko sabay tingin sa suot na relos.
Hinanap ko ang niya ang kaniyang hand bag upang ayusan ang sarili ngunit bigla na lamang pumreno ang sinasakyan naming van.
Tumigil ang van na sinasakyan namin.
Muntik pang masubsob si Alex sa flooring, mabuti na lamang at maagap ito na napakapit sa front seat.
Nagising sina Carsyn at Carson na muntikan na ring bumagsak.
"What happened, manong?" Asik ko sa driver namin. Magsasalita na sana ito, nang bigla kaming nakarinig ng isang malakas na putok ng baril na dahilan upang bumagsak ang ulo niya sa manibela ng Van.
Tumama iyon sa busina kung kaya't kasabay ng mga tili nina Alex ay ang pag-busina rin ng malakas nitong sasakyan.
Unti-unting dumaloy ang dugo pababa mula sa ulo ni mang Arcing. Nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita rin si manang Lydia na nakasandal naman sa front seat at duguan na ang ulo.
Kaagad binuhat ni Alex si Carsyn at ikinandong sa akin. Ganoon din ang ginawa niya kay Carson na ikinandong naman niya sa kaniya.
Isang malakas na tunog muli ng baril ang umalingawngaw sa tahimik na paligid at tunog ng isang makina na ginagamit sa pagputol ng puno. Tunog... Chainsaw!
"Oh my God!" Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Alex at nanginginig akong binalingan nang tingin.
"Calm down, hone–" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla na lamang gumasgas ang tunog ng chainsaw sa sinasakyan namin.
Napatili ang mga anak ko sa takot, maging ang asawa ko. In this kind of situation, I need to be strong to protect my wife and my children.
"I'm scared, Xavier..." pahayag ni Alex na may halong takot sa boses na nanggagaling mula sa kaniya.
I was about to speak again, when the intruder finally break the Van's door and showed in front of us.
Ngumiti ito nang mala-demonyo habang isa-isa kaming pinagmasdan mula ulo hanggang paa.
He waved his gloved hands at my children, still wearing his devilishly smile. They seem frightened and scared, so as my wife, while I kept my posture tenaciously and firm.
"How was the last vacation of this family? Did it went well?" May halong panunudyo sa boses nito at ipinatong ang kamay sa likuran ng front seat.
Akma pa itong papasok sa loob nang tumayo ako at ihinarang ang sarili ko upang takpan sila.
"Don't try to look like a superhero, Mr. Valderama. Your time has come," he said while smirking at me.
Umayos na ito nang pagkakatayo sa labas ng Van at may iniutos sa mga kasama niyang malalaking lalaki na ang suot ay itim na mga office attires.
Nagbaling na sila ng atensiyon sa amin at naunang akong hinila palabas ng sasakyan.
"Xavier!" Tawag ni Alex sa akin. Lilingunin ko pa sana siya ngunit huli na ang lahat. Nailipat na nila ako sa isa pang van na kulay itim at maagap na tinalian ng lubid ang magkabila kong kamay.
"Leave them alone!" Sigaw ko dahil hindi ko na mapigilan ang inis.
Heavily tinted ang labas nitong itim na van ngunit dahil nasa loob ako, kitang-kita ko ang ginawang pagpisil ni Al sa baba ng asawa ko.
Their conversation is inaudible but her face says it all.
Akma ko na sanang tatadyakan itong lalaki sa harapan ko, nang bigla na lang itong naglabas ng baril saka itinututok sa akin.
"Mag-e-enjoy ka sa laro niyo, Xavier," humalakhak siya na nagtunog demonyo.
Bigla na lamang akong nakaramdam nang pagkahilo at sakit ng batok. Hinampas na pala nila ako ng baril.
Narinig ko pang sumisigaw sina Alex. " Please, 'wag niyo siyang sasaktan! Nagmamakaawa ako, please!"
No! Wag kang magmakaawa diyan, Alex, please!
Hindi ako makagalaw dahil halos manghina ako at takasan ng lakas sa katawan. Inilagay nila ang kamay ko sa likuran at itinali iyon. Pilit ko namang ihinaharap ang paningin ko kina Alex.
Naluha na lamang ako nang makita ang kalagayan nila.
"No!!!" sigaw ko, matapos silang paamuyin ni Al Gomez ng panyo na alam kong may chloroform. Ginagamit kasi iyong pampatulog upang mawalan ng malay ang biktima ngunit kapag nasobrahan iyon ng gamit, maaaring hindi na magising ang pinaamoy n'on.
Nang makatulog na ang mag-iina ko, binuhat sila isa-isa palabas ng van at dinala rito sa kinalalagyan ko.
Pagkabukas pa lamang ng pintuan nitong itim na van ay sinikmuraan akong bigla ni Al at sinapak.
Pagkatapos noon, ginamit na rin niya sa'kin ang panyo at itinapat iyon sa ilong ko.
Maigi pa akong nagpumiglas ngunit mabilis umepekto ang gamot kung kaya't hinila ako ng antok.
A memory sudennly came in, and then everything turns into black.