CHAPTER ONE
Wow, analyn, congratulation" tili ng kaibigan niyang si Peng Who was twenty-seven years old. Her friend was three years older than her. Payat ito at may maikling buhok, mahinahon at super bait. Na-meet niya ito sa isang bible study group several months ago through another friend of her.
"Your hard work has finally paid off! patok na patok natalaga itong cuddly land mo kahit kabubukas lang sa mall,' patuloy nito habang namimilog ang mga mata at pinagmamasdan ang sobrang haba ng pila ng mga tao na pumapasok sa kanyang stuffed toy shop sa may Quezon city.
"Thanks to you, ate Peng! Alam kong sobrang laki ng naitulong ng mga panalangin mo. Whthout them, this would never have happened," buong pasasalamat niyang tugon.
"Grabe, ang swerte mo talaga, Analyn!" manghang bulalas naman ni Charis, ang kaibigan niyang edad beinte dos madaldal at prangka ito at siya ring komedyante sa kanilang tatlo. Isa ito sa mga faithful employees niya sa dating maliit pang shop niya.
"Pakiulit nga dito ang sinasbi mo!" aniya habang palipat-lipat ng tingin dito at kay Peng na tila may pinupunto.
"Ah, eh... what I meant was, you are blessed!"
alanganing tugon nito sabay tingin sa pinakamatanda sa kanila.
"Ito naman, ginawa na naman akong panakot!" siya ni Peng sabay tapik ng braso niya. Very spiritual kasi ang turing nila rito dahil ito ang nagsasagawa ng kanilang mga bible studies.
"Well, tama lang 'yun, 'no! She should know by now the difference between luck and blessing," nakangiting saad ni analyn.
"Bakit Alam ko naman, ah ," nakangusong tugon ni Charis. "Luck happens without a reason. Wala itong kasiguraduhan kung saan nagmumula at walang katiyakan kung kailan mangyayari at kung sino ang tatamaan. But blesing on the other hand, are good things that come from heaven above. they come from the father of lights are released through earnest and constant prayer through fait in jesus," pagmamalaking turan nito.
"Aba ," ani Analyn na nanlaki ang mga mata. "kahit paano pala ay may natututunan ka sa mga bible studies natin?" tukso niya rito sabay apir kay Peng. Madalas nila itong oagtripan dahil sa pagiging isip-bata nito
"May good soul within me naman siguro kahit paano, di ba?" ani Charis na napamaywang pa.
"O siya, siya," sabi ni Peng. "Baka saan pa mapunta ang usaping ito."
Naging excited bigla ang mukha ni Charis na para bang may na-realize itong kung ano, pero agad din itong nawala nang di-sinasadyang mabunggo ito ng isa sa mga nagmamadaling customer na gustong pumasok sa loob. Halos hindi na mahulugan ng karayom ang shop ni Analyn Dahil sa dami ng tao na tumangkilik sa pagbubukas noong araw na iyon.
Umusok bigla ang ilong ng nakababatang babae sa galit. "Ikaw, tabachoy ka!" ani Charis na nag-iinit bigla at akmang susugurin ang salarin na kitang-kita nila na pilit na nakikipag-siksikan sa dami ng tao.
"Oops! Teka, teka! Saan ka pupunta, aber?" Mahigpit niyang hinawakan ang likuran ng suot nitong blouse upang pigilan ito. "Where's that good soul of yours now?"
"Hay naku, lumilitaw lang iyon tuwing bible studies," singhal nito nang hindi man lang siya nililingon.
"Puwes, halika na't mag-bible study na pla tayo!" aniyang natatawa sabay senyas kay Peng upang hatakin ito papalayo ng shop
Para itong biglang nanlambot sa kanyang sinabi.
"W-what? Di ba next week pa iyon?" Tila ba takot na takot si Charis.
"Ito naman, joke lang iyon, Noh! Para ka namang kakatayin d'un," natatawa niyang sagot sabay kawit sa bisig nito. Napatingin siya kay Peng. "Come on, Let's go!"
"O saan naman tayo pupunta?" tanong ni acharis.
"Saan pa, eh di, isr-share ko ang blessing ko! Let's go out and eat sa Chines--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin. Charis was out of sight!
"Hay naku, ang lumba-lumbang iyon,
nailing niyang saad. "kung gan'on lang sana siya kabilis tuwing may Bible study tayo.'
Napatingin na lang sila sa isa't isa ni Peng at nagkatawanan saka sinundan ang kaibigan.
"God bless!" sabay-sabay na anilang tatlo sa mga kasama nila sa loob ng kanyang living room habang isa- isang kinakamayan ang may anim din nilang kasama sa katatapos lang Bible study.
Ilang saglit pa ay nag-alisan na rin ang mga iyon. Isinara na ni Analyn ang pinto. Sila na lang tatlo ang natira sa sala. Napatingin siyang bigla sa kanyang relo.
"Saglit lang, ha!" bungad niya kina Peng
at Charis .
"Magpapalit lang ako ng damit,' Tinungo niya agad ang kanyang kuwarto na malapit sa may kusina. May plano kasi silang kumain sa labad noong gabing iyon.
After niyang makapag-ayos at magpalit ng damit ay lumabas na rin siya.
"Teka? Ang ganda naman ng suot mo!
May date ka ba na hindi namin alam?" biro ni Charis. Simple lng kasi siyang magbihis tuwing may lakad silang tatlo. It wa their frist time to see her dress up, lalo tuloy nahayag ang kaniyang natatagong ganda.
Tumssd ang kaniyang kilay havang tinitingnan ang suot na jade green babydoll blouse at bkack futted jeans na tinernuhan ng high sandals.
"Heto? Matagal ko nang damit ito, no."
"Hay naku, Charis, wala naman sigurong masama kung magsuot siya ng magandang outfit to look beautiful, di ba?" singit ni Peng.
Aba, I beg to disagree! Masamang-masama iyon lalo pa't next month ay Valentine's na, 'no!" napangusong sagot ng nakakabatang babae
"Eh, ano naman ngayon kung Valentine's na next month?" pagtatakang tanong niya.
"Eh, di ba, usapan natin na ako muns ang unang magkaka-boyfriend sa atin tatlo?" giit nito.
"Imposible naman yata ang hinihiling mo?" natatawang sagot ni Peng.
"Oo nga!" pagsang-ayon ni Analyn. "Talo ka na dahil si Peng, ikakasal na next year sa isang church worker nila. That means matagal na siyang may boyfriend,"
"Eh di, tayo na lang pala ang makipag-deal sa isa't isa," giit ni Charis na parang bata.
Halos isang taon na silang magkakilala nito at alam ng kaibigan na hanggan ngayon ay wala pa siya kasintahan, kaya naman malakas ang loob nito na hamunin siya.
"Hindi puwede 'noh!" aniyang pinipilit na hindi tumawa dahil sa kalunus-lunus na hitsura ng despreradang kaibigan. "Haven't you hea--"
Nag-ring ang kanyang cellohone kaya hindi na niya natuloy ang sasabihin.
"Talaga?" gulat niyang tugob sa kausap. "Wow! It's an answered prayer!" tuwa niyang sambit.
Hindi naman mahaba ang pag- uusap nila ng taong nasa kabilang linya. Pero napatalon siya sa tuwa pagkatapos.
"Praise God! Hindi na natuloy ang caesarean ng ate ko sa Amerika! She gave birth to a beautiful baby boy!"
Napatingala pa siya sa langit.
Wow! It's a miracle" tili ni Charis. Ksama rin kasi itong nanalangin sa prayer request niyang iyon.
They've had that prayer request for two months.
"God is so good talaga!" tuwang- tuwang sambit ni ate Peng. "Another answered prayer!"
"Talaga palang totoi ang Ephesian 3:20 if you believe in faith!" manghang sabi niya. She was pertaining to this verse, 'Now to gim who is able to do immeasurably more than all we ask or imagine, according to his power that is at work within us.'
"Grabe!" bilid na sambit ni Charis. "So possible pala talaga akong magka- boyfriend this Valentine's!"
"Maiba nga tayo saglit," singit ni Analyn. "Kakaiba talaga ang mga naririnig kong mga testismonies tonight.
"Oo nga. Puro miracle testismonies nga , eh!" Si Peng.
Ilang sandali silang nagkuwentuhan
tungkol sa mga naringgam nilang testismonies.
"Ay, anong oras na?" bulalas ni Peng mayamaya. "Baka magsarado na ang Japanese restaurant na balak nating puntahan. Umalis na tayo!"
Natigil bigla ang kanilang pagkukuwentuhan.
"Halika na nga't lumabas na tayo!" aya biya sa dalawa saka kinuha ang sariling bag.
Ilang saglit pa ay nasa garahe na sila. sabay-sabay nilang tinungo ang kanyang bagong kotse.
"Kamusta na pala ang prayer request tungkol sa friend mo?" tanong ni Peng sa kanya noong binuksan niya ang driver's door. Pumasok siya sa loob upang i-unlock ang mga pinto saka sumenyas na pumasok na sila sa loob.
"You mean, my friend na halos two years nang hindi nakikipag-usap sa kanyang sweetheart?" ani Analyn.
Ipinasok niya ang susi saka pinihit iyon at nagpalinga- linga.
"What? Two years nang walang pag-uusap?" bulalas ni Charis. "Aba, mahirap na 'atang maremedyuhan iyon kahit pa ipanalangin iyon. Sabihin mo, maghanap na lang siya ng iba!" anito saka in-attach ang seatbelt sa malapad nitong katawan.
Para naman siyang walang narinig. Isinuot niya ang sariling seatbelt saka dahan-daham pinaandar ang kotse. maliit na garahe. Nang matapos ay muli siyang nagsalita. simpleng tugon ni Analyn.
Bago tuluyang lumabas sa kalsada ay nanghing muli siya ng isang prayer request.
"Ano 'yun?" tanong naman ng dalawa.
She suddenly became silent. Naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang muka. Mukhang ngayon lang siya nakita ng dalawa na ganoon kaya parehong hinawakan siya sa balikat as if comforting her about the bad news she was about to release.
Could you please pray for me?" mahina niyang sambit. Nalukot ang kanyang mukha at halos nabura na ang lahat ng sigla sa kanilang pag-uusap kanina, halatang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"I need you to pray..." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy na tila ba sinusuring mabuti ang lalabas sa bibig,"... Na hindi masaktan... ang wallet ko ... sa food bill natin mamaya,' aniya sabay belat kay Charis. Sinundan niya iyon ng isang pilyong ngiti.
Lumipas ang ialang segundo bago isang malakas na 'Aaaaraaaaaaaaay!' ang umalingawngaw sa loob ng pinaharurot niyang kotse.