Kabanata 1

2676 Words
Pakiramdam ko nakalutang ako sa hangin habang naglalakad. Hindi ko alam pero parang ang bilis ng mga pangyayari, wala naman akong naging kasalanan sa pagbagsak ni Ellise. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa tuwing naalala ko ang pagdaloy ng dugo sa mga hita ni Ellise, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag tinotoo ni Xandro ang sinabi niya.  Ibang-ibang Xandro ang kumausap sa akin kanina, ni minsan ay hindi niya ako pinagtaasan ng boses, lagi niya rin muna akong tinatanong kung anong nangyari at pinapakinggan niya naman ako pero anong nangyari? Hindi ko pa lang nasasabi sa kaniya ang totoong nangyari pero parang inakusahan niya na ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Muli kong pinahid ang mga luha ko at nagtungo ng c.r to fix myself. Kung ganun nga ay totoo lahat, hindi niya man sinabi sa akin kung anong dahilan, kung totoo nga ba hindi ko na siya tatanungin. Malinaw ang pagkakasabi niya kanina na magkakaanak na silang dalawa ni Ellise at hindi ko akalain na ang lalaking hinihintay ko ay nasa piling na pala ng ibang babae. Nagmukha akong tangang naghihintay sa kaniya, ito ba ang dahilan kung bakit ayaw niyang ipaalam sa publiko ang tungkol sa relasyon naming dalawa? Dahil alam niyang balang araw ay mangyayari ito, na may babaeng naghihintay na pala sa kaniya o ginamit niya lang ako rito dahil wala rito ang fiancée niya?  Hilaw akong natawa sa isipin ko, hindi malabong mangyari yun, pinaniwala niya lang akong ako ang mahal niya pero ang totoo ay may girlfriend na siya. They having a good time habang ako ay naghihintay sa wala. Napahawak na lamang ako sa tiyan ko, may anak din naman kami pero mas naaalagaan niya ang magiging anak niya sa fiancée niya.  ‘Baby hindi na alam ang gagawin ni mommy para sa ating dalawa, gusto kitang ipakilala sa Daddy mo pero wala akong lakas.’ ano nga lang ba ako sa lipunan na ito? isang dukha at walang kakayahan.  “Kath, sa tingin ko umuwi ka na muna, para kasing hindi maganda ang pakiramdam mo eh, are you sure that you’re okay?” nag-aalalang tanong ni Lysa, bahagya ko na lamang siyang nginitian. Kay Xandro ko gustong marinig ang mga salitang yan, gusto kong marinig sa kaniya na nag-aalala siya para sa akin. Pero nasaan na nga ba siya? kasama ng fiancée niya.  “Where is she?!” napalingon na lamang kaming lahat dahil sa malakas na sigaw na nagmumula sa pintuan.   “Good morning ma’am, ano pong maipaglilingkod ko?” kinakabahang tanong ni Ma’am Lyn.  “Who is Kathryn Cruz?!” malakas na banggit niya sa pangalan ko. Sunod-sunod akong napalunok, alam kong nakarating na sa kaniya ang nangyari kay Ellise.  “Bakit ka tinatawag?” nag-aalalang tinig ni Lysa, hindi ko na lang siya sinagot at itinaas ko ang kamay ko. Nabaling naman ang tingin sa akin ni Ma’am Joan at para siyang tigreng susugod sa akin. Napayuko na lamang ako ng nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.  Nagulat na lamang ako ng sabunutan niya ako na halos gusto ng mahiwalay ng buhok ko sa anit ko. “Aahhhh,” daing ko dahil sa higpit ng pagkakasabunot niya sa buhok ko. “Ano po bang nagawa ko?” halos naiiyak ko ng tanong sa kaniya.  “Kath,” rinig ko pang tawag sa akin ni Lysa pero tuluyan na kaming nakalabas sa department namin.  “Wala kang utang na loob! Pinagtatrabaho ka ng anak ko rito sa kompanya niya tapos ito ang ibabalik mo?! Kapag may nangyari kay Ellise kulang pa ang buhay mo bilang kabayaran! Kapag may nangyari sa apo ko ako mismo ang papatay sayo!!” nanggagalaiti niyang sigaw sa akin, tuluyan ng lumandas ang mga luha sa akin mga mata dahil sa sakit na dulot ng sabunot niya. Hinawakan ko na lamang ang tiyan ko para masuportahan iyun, natatakot akong may mangyari rin sa anak ko. Tuluyan kaming nakarating sa lobby at rinig ko rin ang bulungan ng ibang mga empleyado. Wala akong pakialam kung napapanuod man nila ako sa kalagayan kong ito, nag-aalala ako sa batang nasa sinapupunan ko.  “Parang awa niyo na po ma’am, I’ll explain everything.”nagmamakaawa kong pakiusap pero tila bingi na siya at ayaw pakinggan ang ano mang sasabihin ko.  “Wala kang karapatan na magsalita na hampas lupa ka! Walang ginawa sayo ang fiancée ng anak ko para itulak mo siya!!” hindi ko alam kung saan nanggaling ang salitang tinulak ko siya. Aksidente ang nangyari kaya bakit ako ang pinagbibintangan nilang lahat?  Napahigpit na lamang ang hawak ko sa tiyan ko ng itulak niya ako ng makarating kami sa garden. Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko dahil sa kirot na nararamdaman ko ngayon sa puson ko.  “Huwag ka ng magpapakita sa amin kahit kailan! At huwag na huwag mo ng lalapitan si Xandro dahil kahit kailan ay hindi ka niya minahal, isa ka lang sa mga naging laruan niya!! Ito ang tatandaan mo babae, sisirain ko ang buhay mo at buhay ng pamilya mo kapag sinubukan mo pang kausapin ang anak ko!” patuloy ang pagsigaw niya sa akin pero parang wala na akong naririnig, nanlalabo na rin ang paningin ko at lalong sumasakit ang puson ko.  ‘No please, kumapit ka lang anak, huwag mong iiwan si mommy.’ Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko, pinakiramdaman ko rin ang pang-ibaba ko kung basa ba o may lumalabas na dugo but thank God, parang wala naman. Wala na akong lakas para kausapin siya o sabihin sa kaniya ang totoong nangyayari, ang anak ko ang mahalaga sa akin ngayon. Gusto kong tumayo, itinuod ko ang kamay ko para makatayo ako masyado akong nanghihina. “Tandaan mo yan babae!” sigaw niya nanaman saka ako binatukan na siyang mas nagpalala sa pagkahilo ko. Pinilit kong minulat ang mga mata ko para aninagin siya, sinubukan ko ring magsalita pero hindi ko na kaya dahil sa sakit ng puson ko.  “Mom, that’s enough!!” alam kong boses yun ni Xandro, humugot pa ako ng lakas para makita siya, gusto ko siyang makausap at sabihin ang tungkol sa anak namin.  “Don’t go near her Xandro! What are you doing here?! Hindi ba dapat ay binabantayan mo si Ellise sa hospital? Bakit mo siya iniwan?!” “She’s fine now mom, please stop this.” Kahit hinang-hina na ako ay pinilit ko siyang tiningnan lalo ng lumuhod siya para magpantay ang tingin namin. “I’m sorry about this Kath, I don’t know what to say, I know it’s all my fault wala na rin naman ng saysay kung magpapaliwanag pa ako sayo. I want to say this let’s break up, I’m really sorry.” Nakayuko na siya ngayon, nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang pisngi niya.  “Xandro, let’s go!!”  Pilit ko siyang nginitian kahit na masakit na ang puson ko at ramdam ko na ron ang unti-unting pagdaloy ng isang likido.  “W-We have, w-we h-have a ba—“ muli akong napadaing sa sakit na nararamdaman ko. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na natuloy ng tuluyan ng nandilim ang paningin ko. Umaasa pa rin akong maaayos natin ito Xandro kahit na alam kong malabo ng mangyari, kahit na anak mo ang nasa sinapupunan ko ay alam kong hindi pa rin kami tatanggapin ng pamilya mo.  Nagising na lamang ako sa isang kwarto, base pa lamang sa amoy at sa itsura niya ay alam kong nasa hospital ako. Napalingon na lang ako sa kanan ko ng makita ko sa gilid ng mata kong may tao. Ilang beses ko pang kinurap ang mga mata ko dahil medyo malabo pa ang paningin ko. Napangiti na lamang ako ng makita kong isang lalaking nakatuxedo iyun. Ngunit, naglaho na lamang ang ngiti ko ng hindi ang lalaking gusto kong makita ang nandito.  “Nakiusap sa akin si Xandro na dalhin ka rito sa hospital, hindi ka niya na pwedeng puntahan. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” iniwas ko ang paningin ko kay Ezekiel, siya ang malapit na pinsan ni Xandro. Umasa akong pupuntahan niya ako, umaasa akong kahit kaunti man lang ay may pakialam pa siya sa akin. Paano ko pa siya makakausap? Paano ko pa masasabi sa kaniya ng tungkol sa bata kung hindi ko na siya pwedeng lapitan. Alam kong mahihirapan na ako, ako ang nagdurusa sa kapabayaan ni Ellise. “Alam kong may pinagsamahan din kayo ni Xandro at wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang lahat. Ito na lang ang masasabi ko sayo Kath, lumayo ka na habang maaga pa.” hindi ko alam kung banta ba ang sinasabi niya sa akin. “Mag-iingat ka, hindi na rin ako magtatagal. Bayad na ang hospital bills mo dinagdagan ko na lang baka sakaling kailangan mong magstay. Siya nga pala pinapaabot sa akin ito ni Xandro, hindi ko alam kung para saan dahil hindi niya naman sinabi, siguro baka sa sweldo mo.” muli nanamang lumandas ang mainit na likido mula sa aking mga mata sa mga narinig ko. Gusto niya na rin akong mawala sa buhay niya, alam kong hindi niya man sinabi ay pinapaalis niya na ako sa kompanya niya. “Aalis na ako Kath.” Hindi na ako sumagot sa kaniya at tumalikod na ako. Narinig ko na lamang ang pagsarado niya ng pintuan.  Impit ang paghikbi ko dahil ayaw ko ng may makarinig kahit na alam kong walang pupunta para sa akin. Ganun na lang ba yun? May naging pagkukulang ba ako para iwan niya ako at ipagpalit sa iba? Ano ba talagang nangyari sa kaniya sa America?  “Ms. Cruz, don’t cry too much.” Rinig kong salita sa gilid ko, kinagat ko na lamang ang unan ko. Napatingin na lang ako sa kaniya ng maalala ko kung anong kalagayan ng anak ko. “Okay lang naman diba ang sanggol na nasa sinapupunan ko?” paos ko pang tanong sa kaniya. Naupos naman siya sa gilid ko at ngumiti.  “Don’t worry wala naman nangyari sa baby mo pero huwag ka na masyadong nag-aalala o nag-iisip ng kung ano-ano. Marahil ay stress ang dahilan kung bakit ka nawalan ng malay.” “What?” “You fainted Ms. Cruz ayun sa mga nakakita sayo.” kung ganun hindi nila sinabi ang tunay na nangyari kung paano ako napapunta rito? “You need to rest, kailangan mong manatili rito kahit tatlong araw lang dahil kailangan ka pa rin namin imonitor lalo na at nagkaroon ka ng kaunting pagdurugo kanina.” Tanging tango na lang ang nagawa ko sa kaniya, wala na akong lakas na magsalita pa. Puro na lang kasinungalingan ang nangyari ngayon araw.  Nagpaalam na sa akin ang Doctor at hindi ko na lang siya pinansin. Wala na akong luhang mailalabas dahil alam kong hindi nila deserve ang luhang inilalabas ko ngayon ng dahil sa kanila lalong-lalo na kay Xandro. Napaniwala niya ako sa mga matatamis niyang salita, ipinapangako ko kung hindi mo makikilala ang magiging anak natin. Papatayin kita sa buhay niya.  Inayos ko na ang kumot ko at nagpahinga, darating ang araw na makakaganti rin ako. Napabuntong hininga na lamang ako sa iniisip ko, paano ako makakapaghiganti sa kanila kung ito lang ako? na ganito lang ako. Wala naman akong maipagmamalaki.  Lumipas pa ang ilang araw at nanatili pa ako sa hospital, wala naman na akong aalalahanin sa bills dahil bayad na. Unti-unti pa akong nagpalakas, nakalabas lang ako sa hospital ng mabawi ko na ang lahat ng lakas ko. Huminto pa ako sa harap ng hospital saka nilangghap ang amoy ng hangin. Pakiramdam ko naging hangin ko ang amoy ng alcohol dahil yun na lamang ang naaamoy ko.  Paalis na sana ako para umuwi ng mahagip ng mata ko ang isang itim na kotse. Nilingon ko iyun at napakunot na lamang ako ng noo ng parang nakita ko si Xandro, inaaninag ko pa lamang siya ng bigla itong sumakay ng kotse at tuluyang umalis. Napailing na lang ako, baka kung ano-ano lang ang nakikita ko. Hindi naman iyun pupunta rito para puntahan ako.  Dumaan na lang muna ako sa isang karenderya para kumain bago umuwi. Binuklat ko naman yung sobre na binigay sa akin ni Ezekiel, puro tig-iisang libo na malulutong ang laman nito. Alam kong hindi ito aabot hanggang sa manganak ako, kailangan kong maghanap ng trabaho. ‘You need to rest Ms. Cruz. Kung maaari huwag ka na muna sanang magtrabaho na maaaring makasama sayo at sa bata.’ Napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ko ang paalala sa akin ng Doctor. Hindi ko alam kung paano ko mapagkakasya ang perang binigay sa akin ni Xandro at ng savings ko hanggang sa makapanganak ako.    Wala na akong pamilya na maaari kong uwian at mahingian ng tulong. Nag-iisang anak din naman ako nila mama at papa, hindi rin naman sila tubong Manila kaya wala akong kilala sa mga kamag-anak nila. Inayos ko na lang muna ang mga gamit ko, hindi ko alam kung kakayanin ko ba hanggang sa manganak ako. Impossibleng umabot ang hawak kong pera hanggang sa due date ko.  Gusto ko mang pakinggan ang bilin sa akin ng Doctor pero wala akong choice, kailangan kong mabuhay, kailangan ng anak kong mabuhay.  Naghanap ako ng trabaho na hindi naman masyadong mabigat. Ilang hiring na rin ang pinuntahan ko pero dahil buntis ako hindi nila ako pinagbibigyan dahil baka sagutin pa raw nila kapag may nangyari sa akin. Pagod na pagod akong umuwi ng bahay, wala man lang akong napala sa paghahanap pero hindi ko susuko.  Kinabukasan, muli nanaman akong naghanap ng trabaho, ramdam ko na ang pagod sa katawan ko kalalakad pero nagpatuloy pa rin ako. Nakita ko naman na may nakapaskil na dishwasher hiring sa isang karenderya kaya nagtanong ako.  “Ate available pa rin po ba ito?” tanong ko sa isang babaeng nasa counter. Hindi kalakihan ang karenderya na ito pero marami silang customer. “Oo available pa, bakit mag-aapply ka ba?” “Opo sana eh. Kailangan ko lang makapag-ipon para sa panganganak ko.” “Buntis ka?” tumango naman ako sa kaniya. “Hindi kami tumatanggap ng buntis, pasensya ka na.” napabuntong hininga na lang ako, wala na yata akong pag-asa.  “Ano raw hanap niya?” rinig kong tanong ng isang babae. “Mag-aapply daw.” “Eh bakit hindi mo tanggapin? Masyado na tayong tambak ng hugasin sa kusina.” “Buntis yung tao.” “Hindi na natin kasalanan yun, kunin mo na lang para mahugasan na ang mga nagamit sa kusina.” Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa hanggang sa kalabitin ako ng isa.  “Gusto mong pumasok? Pero ito ang sasabihin ko sayo, kapag may nangyari sayo hindi na namin kasalanan.” “Opo, opo,”  “Sige na mag-umpisa ka na ngayon basta labas kami sa maaaaring mangyari sayo.” “Marami pong salamat, salamat po.” Paulit-ulit kong saad. Iginiya niya naman na ako sa kusina nila at tambak nga ng hugasin pero okay lang dahil nasa lapag naman ang mga ligpitin at may upuan din.  Inumpisahan ko na rin ang trabaho ko sa karenderya na yun. Nakakapagod at nakakangalay pero okay lang dahil kahit papaano ay makakapag-ipon ako. Hindi na rin ako gagastos sa pagkain dahil sagot na rin nila. Lumipas pa ang ilang buwan at nanatili pa ako sa trabaho. Palaki na rin ng palaki ang tiyan ko kaya medyo nahihirapan na ako sa pagliligpit dahil naiipit.  Pauwi na ako ngayon at inabot ako ng gabi dahil sa dami ng hugasin, pinapakiramdaman ko na lang ang bandang likod ko dahil ramdam kong may sumusunod sa akin. Binilisan ko pa ang paglalakad ko dahil alam kong may sumusunod talaga sa akin. Walang masyadong tao sa paligid ko kaya mahihirapan akong humingi ng tulong.  Lakad takbo na ang ginagawa ko kahit na nahihirapan ako dahil sa laki na ng tiyan ko. “Ahhhh,” ungol ko ng may tumakip sa bibig at ilong ko. Sinubukan kong manlaban pero wala na akong nagawa ng tuluyan na akong mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD