Simula
Masaya akong tinitigan ang hawak kong pregnancy test, it’s have a two lines. Hindi na ako makapaghintay na sabihin ito kay Xandro, panigurado matutuwa siya sa ibabalita ko sa kaniya. Itinago ko na ito sa bag ko at ipapakita na lamang sa kaniya pagdating niya ng bansa. My boyfriend is a billionaire samantalang ako ay isang mahirap lamang na wala pang mga magulang. Nagtatrabaho rin ako sa kompanya niya pero hindi nila alam ang lihim naming relasyon. Ramdam ko naman sa sarili ko na mahal niya din naman ako kahit na lihim pa lang kami.
Naglinis na lamang ako sa maliit na apartment na inuupahan ko pagkatapos ko ay nagluto na rin ng masustansyang pagkain dahil nagugutom na ako.
Bukas na ang dating ni Xandro sa bansa, halos isa at kalahating buwan din siyang nawala dahil sa negosyo nilang nasa ibang bansa at isa’t kalahating buwan na rin akong buntis. Hindi ko lang napansin na delay na pala ako kung hindi ko pa nakita ang napkin ko. Mga ilang sintomas na rin ang naramdaman ko sa isang pagbubuntis kaya nagdesisyon na akong bumili ng pregnancy test.
Maaga akong nagising at excited akong makita si Xandro kahit na sulyap lang muna ako sa kaniya bilang empleyado ay okay lang. Tatakbo sana ako hanggang sa makarating sa bus stop pero naalala ko na may bata pala sa sinapupunan ko kaya naglakad na lamang ako. Maaga pa naman pero ewan ko ba gusto ko na agad makarating sa kompanya kahit na alam kong wala pa siya dun.
May ngiti sa labi akong naglalakad sa lobby, binabati ko pa ang mga katrabaho ko. Nang dumating na ang oras ay pinapila na kaming lahat sa entrance kung saan siya dadaan para magbigay galang at batiin siya sa kaniyang pagbabalik. Hindi na ako makapaghintay na muling masilayan ang napakagwapo niyang mukha. Nang marinig ko na ang sunod sunod na tunog ng mga sasakyan ay napakagat labi na lamang ako dahil alam kong nandiyan na siya. Sabay-sabay na kaming yumuko ng pumasok na siya, palihim akong tumingala at tiningnan siya, kahit na ang seryoso ng mukha niya ay ang gwapo niya pa rin. Sinundan ko siya ng tingin kahit na nakalampas na siya sa akin, napanguso na lamang ako ng hindi niya man lang ako sinulyapan samantalang dati ay palihim pa niya akong kinikindatan. Siguro pagod lang siya, hindi madali ang magpatakbo ng business in a young age so I understand.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin namin ay tumuwid na rin kami ng tayo at bumalik na sa mga trabaho namin.
“Are you okay?” tanong sa akin ni Lysa. Tumango na lamang ako sa kaniya. “It looks like it’s not, tell me what’s your problem?”
“Okay lang ako, don’t worry pagod lang siguro.”
“Ako ba’y niloloko mo Kat, umagang umaga pa lang pagod ka na agad?”
“Okay lang talaga ako, may mga iniisip lang ako pero hindi naman dapat problemahin pa.” ngumiti na lamang ako sa kaniya, rinig ko naman ang buntong hininga niya. Naputol na lamang ang pag-uusap namin ng tawagin ako ng manager namin para utusan. Isa lang akong intern sa kompanya nila kaya minsan halos utusan lang ako which is pabor sa akin dahil pwede kong makita si Xandro.
Naglakad na ako papuntang HR department para iabot sa kanila ang mga folder na hawak ko. Nang maibigay ko na ay dahan dahan pa akong naglakad dahil madadaanan ko ang opisina ni Xandro, baka sakaling makita ko siya. Mga ilang metro pa lang ang layo ko sa opisina niya ng makita ko itong bumukas at iniluwa si Xandro, abot langit talaga ang ngiti ko ng makita ko siya.
“Hi,” ngiting bati ko sa kaniya, wala namang tao sa paligid kaya okay lang. Naibaba ko na lamang ang kamay ko ng seryoso niya akong tingnan.
“What are you doing?” seryosong tanong niya sa akin kaya tuluyan ng nawala ang ngiti sa labi ko.
“Pasensya ka na akala ko kasi okay lang since wala namang tao sa paligid.” Napapahiya kong saad sa kaniya, naguguluhan na ako sa nangyayari o sadyang masyado lang akong nag-iisip ng kung ano-ano. Hindi naman kasi siya ganito dati, kung tutuusin nga siya pa itong laging pumapansin sa akin kaya naninibago ako sa treatment niya sa akin ngayon.
“Please don’t talk to me when we are here in our company, what if they caught us?”
“Pasensya ka na talaga Sir, hindi na po mauulit.” Mas lalo akong napayuko sa lamig ng pakikipag-usap niya sa akin. I don’t know what happened to us, nawala lang siya ng halos dalawang buwan pero parang ang laki ng pinagbago niya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.
“Go back to your work.” Maawtoridad niyang saad sa akin at nilampasan na ako. Ilang minuto pa akong nanatili sa kinatatayuan ko dahil hindi ko talaga maintindihan kung may problema ba kaming dalawa. Paano ko masasabi sa kaniya ang dinadala ko kung ganito ang pakikitungo niya sa akin? Sinunod ko naman yung gusto niya kahit na namimiss ko na siya ay hindi ko siya tinawagan o tinext man lang dahil alam kong magiging busy siya. Lagi niya akong nginingitian o kinikindatan ng palihim sa tuwing nakikita niya ako pero bakit iba na ngayon? bakit hindi niya na ginagawa sa akin yun ngayon? May nagawa ba akong kasalanan na hindi ko alam?
“Hoy Kath!” napabalik na lamang ako sa katinuan ng sigawan ako ni Lysa sa mismong mukha ko. “Sigurado ka bang okay ka lang? Kanina ka pa tulala eh. Huwag mo namang panggigilan yang pagkain mo.” napatingin na lang ako sa pagkain ko at sa paligid ko. Hindi ko na pala namalayang nasa cafeteria na pala kami.
“Ayos lang ako”
“Sigurado ka?” tinanguan ko na lamang si Lysa at hindi pa umimik pa. Napalingon na lamang ako sa mga kasama naming empleyado na nag-uusap.
“Oo nga yun ang narinig ko, hindi raw kasi talaga trabaho ang ipinunta ni Sir Xandro sa America. Ang alam ko kasama niya na rito sa Pilipinas ang fiancée niya.”
“Totoo ba? Ang swerte naman ng babae huhu.”
“Talagang swerte bukod sa mayaman na gwapo pa pero ang alam ko ay galing din sa mayaman na pamilya si Girl.” Tuluyan na akong hindi nakakain ng marinig ko ang mga usapan nila. Mabilis akong umalis ng cafeteria. Naririnig ko pa ang tawag sa akin ni Lysa pero hindi ko na siya pinansin at tuluyan ng umalis. Gusto kong makausap si Xandro, alam kong wala pang katotohanan ang mga pinag-uusapan nila pero gusto ko iyung linawin sa kaniya. Never pang nagsinungaling sa akin si Xandro at alam kong hindi iyun totoo, hindi niya iyun gagawin sa akin at lalong hindi niya ako lolokohin. Sinubukan ko siyang hanapin sa buong building, pinuntahan ko na rin siya sa opisina niya pero wala rin siya.
Nasaan ka ba? Gusto lang kitang makausap please. Pinahid ko na lamang ang mga luhang lumandas sa aking pisngi, hindi ko alam kung bakit masyado akong nagiging emosyunal. Wala pa naman akong napapatunayan o wala pa naman siyang nasasabi sa akin pero bakit umiiyak na ako? May tiwala ako sa kaniya at alam kong hindi niya magagawa sa akin iyun.
Naglalakad na ako pabalik ng department namin ng makasalubong ko si Xandro, lalong bumigat ang nararamdaman ko ng makita ko ang nakapulupot na kamay ng isang babae sa braso ni Xandro. Tiningnan ko siya pero iniwas niya lang sa akin ang paningin niya at dalawang beses na napalunok. Gusto kong magsalita, gusto ko siyang kausapin, gusto kong alisin ang kamay ng babaeng ito sa braso ng boyfriend ko, gusto kong sumigaw at magalit pero walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ko. Sumasakit na yung lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko sa luha at hikbi ko.
Paulit-ulit na tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko at ramdam na ramdam ko talaga yung sakit.
“Excuse me Miss. Makikiraan sana kami” usal na ng babaeng kasama ni Xandro saka ko lang narealized na nasa gitna pala ako. Dahan-dahan akong gumilid para bigyan sila ng daan kahit na alam ko namang kasya silang dalawa sa gilid. Gusto kong huliin ang mga mata ni Xandro subalit iniwas niya na sa akin hanggang sa tuluyan na silang makalampas ng babaeng kasama niya.
Ang dami-dami kong tanong sa kaniya. Maayos naman kami noong umalis siya, masaya pa kaming dalawa eh pero bakit naman nagkaganito na? Bakit naman sa pagbabalik niya may kasama na siyang iba?
Pinunasan ko ang mga sunod-sunod na patak ng luha sa pisngi ko. Gusto ko mang isantabi muna ang lahat dahil nasa trabaho ako pero hindi ko magawa, mabuti na lamang at hindi naman ako napapansin ng mga katrabaho ko.
Nang mag-uwian ay hinintay ko siya, gusto ko lang siyang kausapin, gusto kong marinig sa kaniya lahat. Paniniwalaan ko siya sa lahat ng sasabihin niya sa akin. Ilang minuto pa akong naghintay sa harap ng kompanya niya ng may humintong magarang sasakyan sa harapan ko. Hindi ko na lang iyun pinansin pa at muling tumingin sa loob ng kompanya, nakita ko naman na si Xandro but he’s with the girl. Nakapulupot pa rin sa braso ni Xandro ang kamay niya at nakangiti.
Tiningnan ko si Xandro pero diretso lamang ang tingin niya sa harap, ni hindi man lang niya ako tapunan ng tingin.
“Nagcracraved ako sa pulang apple.” Rinig kong malambing na saad ng babaeng kasama niya. Tiningnan niya naman ang babae.
“I’ll get you one later o gusto mong isang karton na kunin ko?” malumanay na sagot ni Xandro. Ang malambing niyang pananalita ay kailan man ay hindi ko narinig na ginawa niya sa mga taong hindi niya gusto. Iniwas ko ang paningin sa kanila at napalunok, muling nanikip ang dibdib ko sa sakit. Pinagbuksan na ni Xandro ng pintuan ang babae sa kotseng huminto sa harapan ko saka siya umikot at pumasok na rin.
Tanging pagsunod na lang ng tingin ang nagawa ko sa kanila. Wala akong lakas na kausapin siya, wala akong lakas na hilingin sa kaniya yun lalo na at hindi naman alam ng kahit na sino ang tungkol sa relasyon naming dalawa.
Napahawak na lang ako sa tiyan ko ng sumakit iyun.
“Ahh,” daing ko habang hawak-hawak ang tiyan ko. Matutumba na sana ako dahil sa pananakit ng tiyan ko ng may umalalay sa akin.
“Ayos ka lang ba ma’am?” tanong ng guard sa kompanya. Huminga naman akong malalim saka tumuwid ng tayo.
“Salamat po kuya, ayos lang ako.” tiningnan niya naman ako at parang hindi kombinsido sa sinabi ko. Nginitian ko na lang siya at nagpaalam.
Magdadalawang buwan pa lang ang tiyan ko at alam kong hindi pa ganun kalakas ang kapit ng bata. Umuwi na ako at nagpahinga, bumili na lang ako ng pagkain sa nadaanan kong karenderya kanina. Isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa unan at hinayaang lumandas ang mga luha sa pisngi. Why are you doing this? Bakit ganun kabilis para sayo ang lahat? Sinabi mong babalik ka, babalikan mo ako. Nangako ka sa akin, you promised me that you’re never going to leave me but what happened to your promised? Anong nangyari Xandro? Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko pero hindi man lang ako magkaroon ng chance na makausap ka man lang kahit saglit lang. I just want to ask you if you’re still love me, na ako pa rin hanggang ngayon. Sabihin mo lang sa aking oo at titiisin ko ang sakit, titiisin ko yung nararamdaman kong selos.
Pinahid ko na ang mga luha sa pisngi ko. Naalala kong naaapektuhan nga rin pala ang bata sa nararamdaman kong emosyon ngayon. Ayokong idamay siya sa problema ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniyang hindi maganda.
Hindi man maaalis sa isip ko ang mga nakita at narinig ko pinilit ko na lamang na makatulog na ako.
Maaga pa rin akong nagising, mapait na lamang akong napangiti ng makita ko ang eyebags ko sa salamin, halatang nag-iyak ako kagabi.
Naggayak na lamang ako para makapasok sa kompanya, nilagyan ko na lang ng concealer ang eyebags ko. Papasok na sana ako ng kompanya ng makita ko ang babaeng kasama ni Xandro na para bang may hinihintay. Hindi ko na lang siyang pinansin pa at akmang lalampasan na sana siya ng tawagin niya ako.
“You must be the girlfriend of Xandro?” usal niya na ikinataka ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid kung ako ba ang kinakausap niya o hindi pero wala naman akong nakita maliban sa aming dalawa lang. “Wala naman ng ibang girlfriend si Xandro maliban sayo.” dagdag niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang sinabi niya dahil alam niyang girlfriend ako ni Xandro. Hinarap ko naman siya nginitian pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
“How may I help you?” tanong ko sa kaniya pero nginisian niya lang ako.
“We need to talk.” Magsasalita pa sana ako ng talikuran niya na ako kaya sumunod na lamang ako. Dumiretso naman siya sa garden, nang huminto na siya ay huminto na rin ako.
“Ano bang pag-uusapan natin? hindi kasi ako pwedeng magtagal at may trabaho ako.”
“Iwan mo na si Xandro.” Diretsang sambit niya na nakapagpatigil sa akin. “Isipin mo na lang na ikabubuti niya ito. Masyadong mataas ang inaabot mo.”
“Kailan pa naging mataas na abutin ang magmahal?”
“Masyadong mataas na tao ang sinusubukan mong abutin, ano bang maitutulong mo sa kaniya sa buhay niya? Ang paligayahin lang siya? ni hindi mo siya kayang tulungan sa kompanya niya.”
“Nagtatrabaho ako ng maayos sa kompanya niya Miss.” Hilaw naman siyang natawa sa akin, tiningnan niya na muna ako mula ulo hanggang paa.
“Maganda ka naman, hindi na ako magtataka kung paano ka nagustuhan ni Xandro. Isa ka lang intern dito, in short utusan.”
“Hindi porket nasa mababang posisyon lang ako dito sa kompanya ay maliliitin mo na ako, kaya ko siyang tulungan in my own way.”
“I don’t care kung paano mo siya matutulungan, just leave him.”
“Sino ka ba?”
“Huwag mo ng tanungin, ako ang babaeng para kay Xandro at hindi ikaw. Kaya siyang tulungan ng pamilya ko at hindi ng katulad mo.” pinagtataka ko lang kung paano nalaman ng babaeng ito ang relasyon namin ni Xandro, sinabi ba niya dito ang tungkol sa amin? “Iwan mo na lang siya kung ayaw mong si Tita Joan pa ang kakausap sayo dahil hindi mo iyun magugustuhan.” Ma’am Joan is Xandro’s mother, nasaksihan ko na siya kung paano magalit sa mga empleyado sa kompanya. “Pag-isipan mo take my advice o si Tita ang kakausap sayo.” akmang aalis na sana siya ng matapakan ng heels niya ang isang bato na siyang naging dahilan ng pagbagsak niya.
“Aaahh,” daing niya ng bumagsak siya sa sahig. Nanlaki naman ang mata ko dahil alam kong masakit ang pagkakabagsak niya.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya, inilahad ko sa kaniya ang kamay ko para sana tulungan siya ng bigla siyang umiyak at parang namimilipit sa sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
“ELLISE!” rinig kong malakas na sigaw at ng lumingon ako ay nakita ko si Xandro na nagmamadaling lumapit sa amin. Dinaluhan niya yung Ellise na parang batang umiiyak na. “What did you do?!” sigaw niya sa akin, hindi naman ako agad nakapagsalita dahil sa gulat ko sa malakas niyang sigaw sa akin.
“Alex, my baby, our baby.” Umiiyak na saad ng babae, napatakip na lamang ako sa bibig ko ng makita ko ang dugong dumadaloy mula ka Ellise.
“Damn it!” mabilis niyang binuhat si Ellise at matalim akong tiningnan. “If there’s something happened to her you’ll pay it, Ellise is pregnant with our baby.”
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita at nagmamadali namang itinakbo ni Xandro si Ellise.
‘Ellise is pregnant with our baby.’
Parang sirang plakang nagpaulit-ulit iyun sa tenga ko.