“Mommy wala ka pong gagawin ngayon?” tanong sa akin ni Xander ng makita akong nakapangbahay pa rin at walang balak na maggayak. “Weekend baby, syempre wala rin akong pasok.” Sagot ko rito na ikinangiti niya naman. “Wala ka pong gagawin?” masaya niyang tanong kaya panandaliang napataas ang kilay ko saka ako yumuko para magpantay ang tingin naming dalawa. “Why baby? may gusto ka bang gawin?” “Wala naman po, gusto ko lang po na masiguro kong makakasama ko po kayo maghapon.” Napangiti naman ako, siya talaga ang lakas ko at pinaghuhugutan pa. “Syempre naman anak, hindi mo kailangang hingiin ang oras ko dahil kusa kong ibibigay yun sayo.” napisil ko na lang ang ilong niya na ikinadaing niya naman haha. “Gusto mo bang magluto tayo ngayon?” “Yes po!” tumatalon pa niyang saad, hindi ko pa

